"Who are you?" Masungit na tanong niya.
"I am Brazen Cale Landon."
"So... bakit ka nandito? May kailangan ka ba?" Tanong niya ulit tsaka niya ako hinapit patungo sa tabi niya.
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman napalunok ako ng wala sa oras. Kakakain ko lang pero pa lang matutumba ako dahil sa kamay ni Chadley na nasa bewang ko, para akong kinukuryente. Pinanatili kong maging kalmado.
Pasimple akong lumayo sa kaniya pero hinapit niya ulit ako sa pabalik, mas humigpit ang hawak niya. Hindi tuloy ako makawala. Nagpapapalit-palit ang tingin ni Cale kay Chadley, sa 'kin at sa kamay nitong isa. Napalunok pa talaga siya.
"Is he your boyfriend?" Tanong niya.
"Ito?" Turo ko sa katabi kong hindi maipinta ang mukha. "Hindi. Kaklase ko siya."
"Ah..." Tumango siya. "May magkaklase pa lang magkahawakan—!"
"O, sige ituloy mo 'yang sinasabi mo, lulunurin kita ro'n sa dagat." Pagbabanta ko.
"Sabi ko nga. So, I guess... mauna na 'ko sa inyo? Para may quality time together kayo."
"Cale!" Yung mukha ko ay parang makakapatay na 'ko ng tao.
Kagabi ko lang naman siya nakita pero tignan mo naman siya kung paano siya makipag-usap sa 'kin. Parang ten years na kaming magkakilala kung umakto siya ah. Sarap niyang ipatapon sa pluto. Tumawa lang siya at nagpamewang. Kinamot niya pa ang ulo niya.
"Okay, okay. Aalis na nga ako e. Sige, ingat kayong magkaklase."
"Hoy! Kung ano man 'yang iniisip mo, tigilan mo na 'yan, marami kami rito, nasa loob 'yung iba, kung gusto mo tignan mo pa sila." Paliwanag ko, alam ko na talaga ang tumatakbo sa utak nito.
"Tumakas lang kami sa kanila dahil gutom na si Heira. She needs to eat, kaya naman tumakbo kami papalabas, makikisalo sa kaniya ang iba kung hindi namin ginawa 'yon." Seryosong dagdag naman ni Chadley.
"Okay, sige, bro. Mauuna na 'ko." Tugon niya na lang bago tapikin ang balikat ko at umalis na sa harapan namin.
Lumuwang ang pagkakahapit nitong hudlong na kasama ko kaya naman nakakuha ako ng pagkakataon para lumayo ng bahagya sa kaniya. Nakahinga naman ako ng maluwang dahil do'n.
"Kilala mo 'yon?" Tanong niya.
Tumango ako. "Oo. Alam ko ang pangalan niya pero hindi ko siya kilala."
"E bakit gano'n siya makipag-usap sayo?"
"Ewan ko, basta kagabi ko pa lang siya nakita. Tapos sinabi niya lang sa 'kin ang pangalan niya."
"I thought you were alone last night." Seryosong sabi niya ulit.
"Kaya nga. Bigla na lang sumulpot sa harapan ko 'yon e. Sa gilid ko pala."
"Kahit na. Hindi ka pa rin mag-isa kagabi."
"O, ano naman ngayon? Buo pa rin naman ako nung bumalik ako rito ah." Ngumuso ako.
"Gabi na 'yon tapos may kasama kang lalaki? Malay mo ba kung may gagawin siyang masama sayo?"
"E sa wala naman siyang ginawa e. Mukha naman siyang mabuti. Nakakwentuhan ko lang siya."
"Tsh! Kahit na! Dapat umalis ka na kaagad no'n, hindi ka dapat nakikipag-usap sa hindi mo naman kilala. Don't you know the phrase 'don't talk to strangers?' huh?"
VOUS LISEZ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Roman pour AdolescentsPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 162
Depuis le début
