Bumaba ang halik niya sa leeg ng babae. Hindi ko na ata kayang makita 'to. Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang susunod na mangyayari sa kanila. Isama mo pa 'yung pagsampa ng babae sa bewang niya. Ayaw ko na... na makita pa 'to. Gusto ko ng umalis dito.
Bahala na sila, ang kasalanan ko lang naman dito ay... 'yung masyado akong umasa.
Huminga ako ng malalim at inayos ang damit kong hindi na nakaayos dahil sa pagtakbo ko kanina. Pinagpagpag ko na rin ang pwetan ko bago ako dahan-dahang tumalikod sa kanila.
Kaya ayaw kong magkagusto... ayaw kong magmahal dahil putangina umpisa pa lang alam ko na may kaakibat 'yon na sakit. Ayaw kong magmahal dahil gaya ng iba, hindi lahat ay minamahal ka pabalik.
Tanginang motibo 'yan! Masyado akong nagpadala. Isang kibot lang nahulog na 'ko sa patibong niya. Naglakad na lang ako papalayo... gusto kong magpakalayo-layo... gusto ko munang mapag-isa kahit ngayon lang.
———————————————
ZYCHEIA'S POV
"Nakabalik na si Isha?" Tanong ko sa mga kasama namin.
Kanina pa siya wala. Nagmamadali siyang tumakbo kanina, akala ko naman kasi ay may gusto siyang gawin at hindi na siya makapaghintay. Sa pagkakakakilala ko sa kaniya, nagpapaalam naman siya kapag aalis siya.
Nakuha na naming nakapaglibot sa buong resort. Inilibot kami ni Eli at pinakilala niya pa kami sa mga staff. Ni hindi nga namin napansin na wala pa pala talaga si Isha kanina dahil sa nawili kami sa paglilibot.
Wala rin si Kayden kanina pero ngayon, nakabalik na siya, masama ang mukha niya. Madilim ang mukha niya, isama mo pa 'yung masamang titig niya kay Adriel.
Nag-away ba ang dalawang 'to?
"Ha? Anong nakabalik?" Tanong sa 'kin ni Hanna.
"'Diba, umalis siya kanina, hindi ko pa siya napansin na dumating."
"Nakita ko nga siyang tumatakbo kanina." Tumango si Trina. "Mga alas dose na ata 'yon."
"Alas dose?!" Gulat na tanong ni Vance. Natakpan ko na lang ang tenga ko, grabe naman 'to kung sumigaw.
"Oo. Pagkatapos niya atang manghugas ng pinggan kanina lumabas na siya. Nagmamadali nga e."
"Pero teka, alas sais na ah? Akala ko naman natutulog lang siya." Sabi ni Aiden.
"I entered our room earlier but she was not there." Sagot ni Alzhane.
"Zycheia..." Napalingon ako sa kapatid ni Isha— si Kio.
Mukhang bagong gising lang siya dahil gusot-gusot ang damit niya, magulo rin ang buhok niya tsaka niya kinukusot ang mga mata niya. Kaninang alas kwatro kami nakabalik dito sa rest house. Kaya may oras pa kami para makapagpahinga... makatulog.
Pero ako, hindi ko nagawa 'yon dahil sa binabagabag ako ng kaba ko. Tinatawagan ko si Isha pero naiwan niya ang cellphone niya sa may bag niya. Hindi rin siya nagsabi kung saan siya pupunta. Buong akala ko ay magkasama sila ni Kayden pero nandito ang kumag.
"O-oh?" Tanong ko, kinakabahan ako dahil baka magtanong siya at hindi ko masagot lalo na kung tungkol 'yon kay Isha.
"Where's, Yakiesha? Isn't she back yet?"
Sabi na e! Anong isasagot ko nito?
"U-uh... hindi pa. Hindi pa siya nakakabalik, hindi ko pa siya napapansin." Utal na tugon ko.
Pakiramdam ko ay napakasama kong kaibigan. Palagi siyang nandiyan para sa 'kin pero nitong mga nakaraang araw ay madalang na lang kami kung mag-usap. Palagi kaming magkasama ni Eli... at nawawalan na 'ko ng oras para kamustahin siya.
"Sa'n ba nagpunta 'yon? Hindi niyo pa siya nakita?" Tanong niya, hindi ako nakasagot pero si Kayden ang tumugon no'n.
"Don't be stupid, Fynn. Hindi pa nga siya nakakabalik paano namin siya makikita?"
"I don't need your opinion, Ace."
Namumuo nananaman ang tensyon sa pagitan nila. Kaya hindi sila nagsasama at nagkakausap dahil bigla na lang dumidilim ang awra ng paligid. Mukhang may galit sila sa isa't isa, gaya ng galit ko kay Chadley.
Speaking of Chadley. Nandito siya ngayon sa harapan namin at naglalakad siya ng pabalik-balik at may tinatawagan sa cellphone niya.
"'Wag mo na siyang tawagin, nasa kwarto ang cellphone niya." Malamig kong sabi.
Akala ba niya ay hindi ko nakikita ang mga paglapit niya kay Heira? Kung kaya ko lang sabihin sa kaniya ang lahat, baka nasabi ko na ngayon. Pero hindi pa 'to ang tamang oras para ro'n, Heira. At wala pa 'ko sa posisyon para sabihin 'yon.
"Fuck... where the hell did she go?" He cursed.
"We don't know! Basta ang alam ko, tumakbo siya kanina, akala ko ay lalangoy na siya!"
"Ayaw niya sa malalim na tubig kaya bakit niya 'yong gagawin?" Kio said.
"Baka naman... nasa labas lang siya, nagpapahangin." Pampalubag loob sa 'min ni Shikainah.
"Edi nasa tabi-tabi lang 'yon, makikita naman natin siya." Sabi naman ni Maurence.
"Ang tagal naman niyang nagpapahangin? Kailangan niya ba ng oxygen?" Tanong naman ni Alexis.
"Tara na nga, let's find her." Tumayo si Asher.
Pero bago pa kami magsipagsunuran sa kaniya. Bago pa kami magkagulo ay pumasok na sa bahay ang hinahanap namin. Bagsak ang balikat, malamlam at mugto ang mga mata. Malamig ang emosyon niya at... parang wala siyang nakikitang iba ngayon bukod sa sarili niya.
Anong nangyari sa kaniya?
VOUS LISEZ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Roman pour AdolescentsPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 160
Depuis le début
