"Heira!"

"Yakie, sa'n ka pupunta?"

"Isha, tara punta tayo sa dalampasigan!"

Hindi ko pinansin ang mga hudlong. Tuloy-tuloy akong lumabas. Nagmadali pa 'kong bumaba ng maliit na hagdan. Tumakbo ako sa buhanginan kahit na nakayapak pa 'ko. Tinanggal ko kasi kanina ang suot kong sapatos.

Kayden... nasa'n ka na ba?

Tumakbo ako patungo sa kabilang dako ng dagat. Marami akong nadaanang mga tao. Pasintabi na lang pero pinagtutulak ko na sila. Pasensya na, nagmamadali lang ako. Baka nag-aalburoto na ang lalaking 'yon. Pero for the nth time.

Bakit? Bakit siya nagagagalit?

"Kuya, may nakita ba kayong lalaki na ganito kataas." Iminuwestra ko ang height ni Kayden. "Maputi, matangos ang ilong, g-gwapo." Pagtatanong ko sa lalaking nadaanan ko.

"Wala e."

Ay, shuta. Nag-isip pa ng matagal, akala ko naman nakita niya ang tinutukoy ko. Nagpasalamat na lang ako tsaka umalis. Nagtanong-tanong pa 'ko sa iba pero wala raw silang makita. Hanggang sa dulo, wala akong nakita kahit na anino lang ni Kayden.

Kahit na hinihingal na 'ko ay sinubukan ko pa ring tumakbo sa kabilang dako naman. Ito 'yung parte na wala na masyadong tao, iilan na lang. Sila ata 'yung mga loner. Mga nag-iisa.

Napaupo na lang muna ako saglit. Hindi ko na alintana ang sikat ng araw. Kailangan ko siyang mahanap, kahit hindi na 'ko magpaliwanag, ang mahalaga, makita ko siya. Mahirap na, baka makita ko na lang siyang nilalapa ng mga pating.

Bumuga ako ng ilang beses sa hangin at pinunasan ang pawis ko. Susme, parang isang kilometro ata ang tinakbo ko, back and forth pa talaga. Kapag nakita kita, makokotong na talaga kita.

May pa-walk-out scene pa kasi.

Nang umayos na ang daluyan ng hininga ko tsaka ako tumayo at nagpatuloy sa paghahanap. Para akong search and rescue personnel ah. Lakad-takbo na ang ginawa ko.

Nagtanong ulit ako sa mga babaeng nakabra at panty lang. Naawa tuloy ako sa bilbil ko, ang ganda ng hubog ng katawan nila. Akala ko magiging masaya na ulit ang utak ko... magiging masaya na 'ko at makakahinga na 'ko ng maluwang kapag nakita ko na siya pero hindi pa pala...

"You're a good kisser uh... oh..."

Nagtago ako sa likod ng puno ng niyog. Nandito ako. Parang tangang pinapanood si Kayden na kahalikan ang isang babae, nakasandal 'yon sa isa pang puno. Nakahawak si Kayden sa leeg ng babae, 'yung babae namaay ay nakahawak sa braso at dibdib niya.

Parang dinadaga naman ang puso ko habang pinapanood ang ginagawa nila. Gusto ko mang tumakbo pabalik parang hindi ko na ata kaya. Wala na 'kong lakas, nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa nakikita ko ngayon.

"So... friends?" Inilahad niya ang kamay niya.

"Friends."

Oo nga pala! Bakit ko ba nakalimutan 'yon? Bakit ako umaasta ng ganito ngayon? Magkaibigan na kami ngayon e. Pero bakit parang iba ang naging pag-intindi ko sa sinabi niya. Friends kami. Friends, kaibigan. Hindi na hihigit 'yon, Heira.

Natawa ako ng sarkastiko kahit pa tumutulo na ang mga luha ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Nasasaktan ako kasi ang tanga ko. Ang tanga ko na ilang minuto ko siyang hinanap, nagtatakbo ako, nagsisisigaw, nagtatanong sa iba para lang makita siya tapos heto ako. Ito lang ang madadatnan ko.

Dapat pala hindi ko na lang ginawa 'yon. Dahil una sa lahat, bakit nga ba siya magagalit kung nakita niya man ang ginawa ni Adi? Baka nga natamaan niya lang ang mga upuan e. Masyado lang akong nag-isip ng iba sa inakto niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora