Akmang kukuhanin niya ang basong hinugusan ko pero pinigilan ko siya kaagad. Siya na nga ata ang nagligpit kanina tapos siya pa ang magtatapos nito? May malasakit naman ako kahit papaano. Tsaka mukhang pagod siya.

"Hindi na. Punta ka na ro'n, ako na rito. Pahinga ka na muna." Sabi ko tsaka ako ngumiti ng matamis.

"U-uh..."

"Sige na. Ayos lang naman, konti na lang naman 'to."

Wala na siyang nagawa kundi ang um-oo sa gusto ko. Nag-aalangan pa nga siya pero pinagtulakan ko na siya. Pagkaalis niya ay tinuloy ko na ang ginagawa ko. Parang ngayon ko mararanasan ang maging isang taong bahay.

Mas mabuti na 'to atleast matuto ako sa mga gawaing bahay, maliban lang sa pagluluto. Kahit ata turuan nila ako, hindi ako matuto no'n e. Kahit ga'no pa kagaling, wala rin. Wala ata talaga sa hilig ko ang pagluluto.

Mas hilig ko ang kumain.

Dalawang beses kong binanlawan 'yon gaya ng nakikita kong ginagawa nina mommy at Aling Soling. Iniligay ko muna ang mga 'yon sa dish drainer. Pagkatapos no'n ay nilinis ko ang sink. Kinuha ko ang pampunas ng kamay.

At...

"Aaaaaah!" Sigaw ko nang aksidente akong matamaan ni Adriel, nasa likod ko pala siya.

Pagkaharap ko, sakto naman siyang dumadaan kaya naman nagkabunggo ang mga braso namin. Nabigla ang sistema ko kaya naman na-out-of-balance ako pero hindi ako nahulog sa sahig dahil... dahil napigilan niya 'yon gamit ang pagsapo niya sa bewang ko.

Parang sa mga soap opera lang, hindi nga lang slowmo ang nangyari.

Na-hypnotized ata ako ng mga mata niya kaya naman kahit gusto kong tumayo ng maayos at lumayo sa kaniya, hindi ko magawa. Pumupungay ang mga 'yon, isama mo pa ang messy hair niya na siyang dumadagdag sa appeal niya.

Aaminin ko, nung una, naging crush ko siya pero crush ko lang naman siya. May iba na 'kong gusto ngayon. Bahala na kaya kung sino ang isipin niyo, ang mahalaga ako, alam ng isip kung sino.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin. Nagsimulang dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Ano ang balak niyang gawin? Pero kahit na gano'n, hindi ko pa rin siya magawang maitulak.

Nanlambot ang mga tuhod ko nang naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko... hindi ko inaasahan 'to. Lalong hindi ko inaasahan na gagawin 'to ni Adi. Tinignan ko ang mukha niya ng igalaw niya ang labi niya. Nakapikit siya.

Pero ako? Parang kinukuryente ako dahil sa ginagawa niya. Hindi man 'to ang unang beses na mahalikan ako pero iba ang sa kaniya. Maingat... malambot at masarap sa pakiramdam pero bakit... bakit hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya?

Buong lakas ko siyang itinulak, nagmulat siya ng mata at tinulungan akong umayos ng tayo, parehas kaming naghahabol ng hininga, siya... marahil dahil sa ginawa niya pero ako, kinakabahan ako ng todo.

"Adi..." Tawag ko sa kaniya, ni hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa kahihiyan.

Hindi ko dapat siya hinayaang gawin 'yon. Heira naman ih! Tapos na! Nangyari na, may magagawa ka pa ba? Ang tanga-tanga ko kasi kahit kailan! Kaibigan ko siya, hindi ko dapat na hinayaang mangyari 'yon.

"Heira, I'm—!"

Napatigil siya dahil sa malakas na kalabog. Napalingon ako sa may lamesa, nakita ko ang tatlong upuan na wala na sa pwesto at... ang likod ni Kayden na lumalayo sa kusina. Hindi ko alam pero mas lumala ang kaba ko ngayon.

Nakita niya ba 'yon?

"I'm sorry... I didn't mean to do... that."

Hindi ko na lang sinagot si Adi. Wala sa sariling tumakbo ako palabas ng kusina at sinundan si Kayden. Kailangan ko bang magpaliwanag sa kaniya dahil sa nakita niya? Kung nakita niya man 'yon, nagalit ba siya? Bakit?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now