Nakangiti kong kinuha sa kamay niya ang plato, dinilaan ko muna ang mga labi ko bago ako magsimulang kumain ulit. This time, wala akong kahati, sa 'kin lang 'tong manok ko.
"Salo kayo sa iisang kutsara?! Hala!" Sabi ni Kenji maya-maya.
"Bakit may problema ba ro'n?" Tanong ko.
Tumango-tango naman siya. "Oo! Kaderder ka! Laway niya tapos laway mo." 'Yung mukha niya, parang nilamutak.
Anong nakakadiri rito?
"...Sabagay, gusto mo naman 'yon."
Binatukan ko nga siya dahil sa sinabi niya. "'Yang bunganga mo, Ji. Sumusobra na."
"Medyo lang." Sagot niya naman tsaka humagikgik. "Mag-swiming tayo, Yakie!"
Sumubo ulit ako. Ang sarap nito. "Ayaw ko. Kung gusto mo, ikaw na lang. Gusto kong matulog."
"Ih! Yakie naman! Sayang naman 'tong dagat kung hindi tayo lalangoy!"
"Hindi naman nawawala ang dagat. Nandiyan lang 'yan. Bukas na lang."
"Ngayon na kasi! Mukhang magandang magdive oh!"
"Nagmamadali ka na bang makita ang mga kagaya mong syokoy?" Sabat ni Trina, nagpupunas siya ng kamay niya.
"Ako? Syokoy? Ang pangit nila!"
"Oh, anong gusto mo? Sirena—!"
"Oo! I'm a little mermaid!" Pagpuputol niya sa sinasabi ni Vance.
Ay. Natampal ko na lang ang sarili kong noo. Wala na talaga. Wala na, finish na. Nabading na dahil sa kakasama niya sa 'min.
"Mermaid mo mukha mo. Mukha ka ngang alimango." Pang-aasar sa kaniya ni Mavi.
"Ikaw nga, mukhang balyena, nagsalita ba 'ko?"
"Teka, Kenji. Wala namang ganiyanan. Hindi naman ako nagsalita ng ganiyan e." Naiiyak na sabi niya.
Susme. Napikon na ata siya.
Pagkatapos naming magkaingayan do'n sa harap, pumasok na rin kami. Masyado kaming marami ro'n, baka hindi makayanan nung kahoy na sahig. Nagsunuran din kasi 'yung mga hudlong, nakatunog ng chismis.
Tinulungan ko na lang si Alzhane sa paghuhugas ng plato. Iniwan nila siya. Mga hunghang, iisang plato lang ang ginamit niya pero sandamakdak 'tong hinuhugasan niya. Siya ang nagsasabon, ako ang nagbabanlaw. Masaya naman palang kasama 'to e.
Pinapakain niya 'ko ng bula.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya dahil bigla na lang siyang natahimik.
Tumango naman siya kaagad at ngumiti pero hindi ako kumbinsido sa ngiti niya, para kasing may sakit at lungkot ang nakapaloob do'n. Nag-aalala tuloy ako.
Siya 'yung tao na palatawa, hindi mo halos kakikitaan ng problema. Malakas din siyang kumain. Dati nga panay ang pagtatagalog niya pero ngayon, naging englishera na siya. Mapang-asar din siya pero may mga oras na tahimik siya. Kaso, itong ngayon, iba na 'to.
Nagpapanggap lang siyang masaya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba talaga ang problema pero sa inaasal niya, para ayaw niya pang magsabi. Nandito naman kami kung sakaling handa na siyang magsabi sa 'min.
"Yeah. Of course, I'm okay. May naalala lang." Sagot niya bago niya iniba ang usapan. "Tapos ka na bang magbanlaw? Ako na lang d'yan, tapos na rin naman akong nagsabon."
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Fiksi RemajaPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 160
Mulai dari awal
