"Tara na nga. Ang tagal niyo e." Reklamo ni Trina, tumayo siya tsaka niya pinagpagan ang suot na pantalon.

"Nagmamadali ka ba?" Sabi naman ni Vance.

Tumayo na rin ako kaya naman malaya niya akong naakbayan. Tinampal ko naman ang kamay niya. Ang bigat kaya no'n, mukha ba 'kong poste?

"Oo!" Sagot ni Trina, halos salubong na ang kilay niya.

Mukhang alam ko na ang dahilan. Mabilisan kong sinapak ang tyan ni Vance kaya naman napabitaw siya sa 'kin, tumakbo agad ako sa pwesto ni Kenji. Akbayan ba raw ako.

Pwede namang si Trina 'yon.

Akala nila hindi ko sila napapansin. Akala lang nila 'yun. Pero sadyang pinanganak ata si Vance na manhid kaya naman hindi niya nakikita ang mga reaksyon ni Trina.

"Let's go. Para makarating tayo ng maaga. Our maid have already prepared something for us to eat." Sambit ni Elijah tsaka pumasok sa sasakyan.

Sumunod naman kami. Kaya pala may kausap siya kanina sa cellphone niya. Buti na lang 'yon ang sinabi niya. Parang pumalakpak tuloy ang tenga ko dahil sa tuwa.

Syempre pagkain 'yon e.

"Can I borrow your phone?" Tinignan ko kaagad si Kayden ng magsalita siya, sa 'kin ba siya nanghihiram?

Hindi naman siya nakatingin sa 'kin e, baka hindi naman ako ang kinakausap niya. Sinandal ko ulit ang ulo ko sa bintana. Pinagmamasdan ko ang dinadaanan naming hindi ko makikita sa Maynila.

Malayo pa lang, natatanaw ko na 'yong ilang mga dagat. May mga naglalakalihan ding mga puno na siyang pumapayagag sa ihip ng hangin. Marami rin kaming mga nadaanan na mga pamilihan, may mga nakita pa nga akong mga taong naglalagay ng bulaklak sa leeg ng mga turista.

Gusto ko rin no'n kaso baka lapitan ako ng mga bubuyog.

Kakaalis ko pa nga lang sa lungga ng mga bubuyog, mga taong bulong ng bulong pero rinig mo naman. Shunga lang? Ang ganda na sana ng mga pinapanood ko sa daan e, kaso nga lang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko 'yon sa bulsa ko. Nakapantalon ako saka nakaitim na sando, pinatungan ko 'yon ng long sleeves na polo na nakabukas. 'Yon lang kasi ang alam kong isuot. Si Chadley pala nagtext.

Anak ng...

Magkasama lang kami sa sasakyan, nagtext pa. Marami atang load ang lalaking 'to e. Pero kahit gano'n, sinagot ko naman 'yon. Naramdaman ko ang pagtingin niya sa may rear mirror. Nasa shotgun kasi siya.

From: Chadley
Message: Ang cute mo naman. Para kang tangang nakatingin sa bintana.

Sumama naman ang mukha ko, pakialam niya ba? 'Yon ang gusto ko e. Alangang dumada ako ng dumada rito. Tulog ang dalawang kachismisan ko. Malapit na siguro kami dahil nakikita ko na ang boundary ng Batangas.

Kung dito siguro talaga kami titira, mas gugustuhin ko pa. Bukod kasi sa mahangin... malinis na hangin, mukhang mababait pa ang mga tao. Kung ganito ba naman ang bubungad pagkagising ko, ayaw ko na lang matulog.

Nireplyan ko siya.

To: Chadley
Message: Atleast may viewer ako. Pinapanood mo nga ako e.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya naman napangiwi ako. Sa lahat ng tao, bakit ako pa ang ginugulo ng siraulong 'to? Hindi ko alam kung number ko lang ba ang nakasave sa cellphone niya o sadyang nang-aasar siya dahil wala siyang magawa.

From: Chadley
Message: Mukha kang preso na nakatingin sa labas at naghihintay na makawala.

Naiinis na 'ko ha. Sige, tawa pa. Mabilaukan ka sana mamaya. Sapakin ko esophagus mo e!

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora