'Zycheia Velasquez added you to the group'
23rd Sec.
Vance: Ang aga niyong nanggising!
Xavier: Buti nga nagising ka pa e.
Jharylle: Pwede ka namang matulog ulit tapos 'wag ka nang sumama.
Vance: Pakyu.
Aiden: Ang mahuli sa pinag-usapang lugar maiiwan!
Trina: Maniwala tanga.
Mavi: Ikaw tanga.
Asher: Dapat mga alas singko magkakasama na tayo.
Maurence: Ayaw kitang kasama.
Asher: The feeling is mutual.
Maurence: Ouch!
Alzhane: Kayden is here, Hanna and Shikainah are with me.
Vance: Anak ng... paalis pa lang ako e!
Shikainah: Sabi ni Kayden, kapag wala raw kayo sa meeting place mamayang makarating kami ro'n, maiiwan na raw kayo.
Alexis: Grabe naman magbanta.
Timber: Hoy! Vance, bilisan mo, kanina pa 'ko nilalamok dito.
Lucas: Buti pa ang lamok pinapapak ka, hindi ba siya namatay?
Timber: Ang sama ng ugali mo!
Hanna: Mga ate.. kuya, 'wag na raw po kayong magdaldalan, tumutunog po kasi ang cellphone ni kuya Kayden.
Xavier: Kuya raw... bata pa 'ko, oy!
Aiden: Sabihin mo, patayin niya ang cellphone niya.
Natawa ako sa sumunod na nagchat. Nagmamaneho pero nakakapagreply 'no, baka itinabi muna niya saglit ang sasakyan.
Kayden: do you want to die?
Aiden: Joke lang.
Zycheia: Ang ingay niyo! Pati sa gc hindi kayo marunong manahimik!
Maurence: Mas maingay ka pa rin!
Elijah: Trina's mouth was still noisier than Zycheia's.
Trina: Hoy! wag kang mandamay!
Asher: He is just telling the truth.
Heira: Ano nananaman 'to?
Kenji: Gc, Yakie, 'wag kang tanga 😛😛😛😛
Heira: 👍
Napailing na lang ako, pinatay ko ang cellphone ko atsaka lumabas ng kwarto. Kumatok ako sa pinto ni Kio, alam kong gising na siya, parang namamalibag pa nga siya kanina e. Hindi niya talaga tanggap na sasama siya ngayon.
Wala ka ng takas. Isang oo ka lang.
"Ready ka na?" Nakangising tanong ko sa kaniya. "Teka?! 'Yan lang ang dala mo?" Tarantang tanong ko nang makita kong maliit na bag lang ang dala niya, hindi man lang nangalahati sa bag na dala ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 157
Start from the beginning
