Hinila niya ang kumot pero hinigpitan ko ang pagkakahawak do'n. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalukbong nga ako, madilim ang nakikita ko. Hindi na nga ako makahinga dahil sa kapal ng kumot niya. Buti na lang nakabukas ang aircon niya.
Kaya niya palang maligo at magbihis na bukas ang aircon 'no? Ako kasi hindi, baka manigas ako sa lamig no'n.
Para kaming tangang naghihilahan ng kumot dito. Thug of war. Sa tuwing hihilahin niya, pati ako nasasali na. Ang lakas ng pwersa ng kumag na 'to e.
"Akin na 'to! Dito ako matutulog!" Sigaw ko at hinila ulit ang kumot niya.
"Hindi ka pwede rito! Akin na nga 'yan! Dinudumihan mo ang gamit ko e!"
Grabe naman 'to, kakaligo ko lang kanina oy! Malinis pa rin ako, hindi nga ako lumabas ng bahay mula kanina e!
"Sa lapag ka matulog kung gusto mo!" Saka ako gumulong sa kama niya para pumalupot sa 'kin ang kumot na puti.
"You look like a crazy there, do you know that you look like uncooked lumpya?" Inis na sabi niya.
"Pumayag ka na kasi! Aalis na no'n ako rito." Pagpupumilit ko atsaka tumawa ng bahagya.
"Tsh! Fine! I'll come with you! Just go out now, damn it!"
Pumalakpak ang mga tenga ko dahil sa sinabi niya. Agad akong umalis sa kama niya. Sa kakamadali ko, lumagabag pa 'ko sa sahig pero patay malisya akong tumayo at ngumiti ng malawak sa kaniya.
"Salamat! Hehehe! Sige mauuna na 'ko, good night!"
"Stupid! Four o' clock pa lang!"
Edi ikaw na ang may alam ng oras. Tumango lang ako at tumakbo papunta ng sala kung saan nanonood sina mommy at daddy ng magkatabi.
"Mommy! Daddy! Pumayag na po si Kio na sumama sa 'min sa Batangas."
"Ayaw namin, Heira. Dito ka lang sa bahay, mag-sstay." Sagot ni mommy.
Ngumuso naman ako at nagmakaawa kay daddy gamit lang ang mga mata. Bumuntong hininga siya bago yakapin si mommy. Gusto kong ngumiwi sa ginawa niya pero alam kong 'yon lang ang makakatulong sa 'kin.
"Honey, hayaan mo na siya, kasama niya naman si Kio. Hindi naman siya papabayaan nung kapatid niya." Kinindatan niya 'ko, nagthumbs up lang ako. Buti na lang at umuwi na si daddy, atleast ngayon, may kasundo na 'ko rito sa bahay. Bwahahaha!
Kaya mahal na mahal ko 'yan e.
Sumuko naman din si mommy sa bangayan kaya naman halos magtatalon ako dahil sa tuwa. Very good ka r'yan, daddy!
"Okay, fine. Just take care of yourself okay! Itetext ko palagi si Zychi para itanong ka. Wag kang gagawa ng kahit na anong kalokohan do'n."
Tumango naman ako kaagad. Hindi ko maipapangako na hindi ako gagawa ng kalokohan dahil kasama ko ang mga kolokoy na hudlong pero kaya 'kong alagaan ang sarili ko.
"Opo! Makakaasa po kayo!" Sigaw ko habang tumatakbo patungo sa kwarto ko.
Ang saya-saya! Pupunta ako ng Batangas, pupunta ako ro'n na kasama ang mga hindi ko inaasahang mga magiging kaklase namin sa paglipat namin sa Twenty-third Section.
-END OF FLASHBACK-
Sinara ko ang bag ko pagkatapos kong maglagay ng damit. Mga tipikal na damit lang naman ang dinala ko. Wala naman ako nung mga damit na pangbeach talaga. Kinuha ko ang cellphone kong kanina pa tunog ng tunog.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 157
Start from the beginning
