"Kio naman, sumama ka na, para payagan ako nina mommy."

"Ayaw ko nga. Kung gusto mo, edi sumama ka. Mas gusto ko pa rito sa bahay."

"Dagat 'yon, Kio. Mas makakapagrelax ka ro'n." Pangungumbinsi ko sa kaniya.

"I don't care. May hangin din naman dito. May tubig din, hindi ko kailangang sumama sa inyo."

"Ayaw mong sumama pero pa'no naman ako? Hindi nila ako papayagan hanggat hindi ka sumasama."

"Problema mo na 'yon. Kayo lang naman ang nagpumilit sa resort na 'yan. I wasn't there when you made the deal so I don't have to go with you anymore."

"Kahit na! Gusto niyan nina daddy na may magbantay sa 'kin. Palusot ko lang naman 'yon, basta pumayag ka lang tapos kahit 'wag mo na 'kong bantayan no'n."

"Do I looked like a babysitter para bantayan ka? Mukha ka na ngang baka."

Pasmado ang bunganga nito ah. Pasalamat siya, kapatid ko siya, kundi baka dumudugo na ngayon ang nguso niya.

"Ang sama ng lumalabas sa bunganga mo, Kio. Pumayag ka na kasi!"

"No."

Ano ba 'tong pamilya ko, ang hirap nila pakiusapan. Gusto munang pinipilit bago pumayag. Kailangan kong mag-isip ng paraan para mapilit ko siya. Tapos na no'n ang problema.

"Gagawin ko ang hihilingin mo."

Wow, Ginnie lang.

"...Isang hiling mo lang, basta pumayag ka na!" Dagdag ko pa, mahirap na, baka gawin niya 'kong alalay at alipin.

"If I told you I wanted a house and lot, would you give it to me?"

Ngumuso ako at umiling. Mukha ba 'kong may pambili ng gano'n? Ni damit ko nga hindi ko mabili, house and lot pa kaya? Hindi ka ba marunong magpakumababa, Kio?

"Wala naman akong pambili ng gano'n, lollipop na lang, gusto mo?" Inilabas ko ang limang lollipops na binili ko kanina sa nadaanan kong tindahan.

Inirapan niya 'ko atsaka tinalikuran. Bumalik siya sa cr pero hindi niya sinara 'yon, ibig sabihin hindi naman siya maliligo o kaya naman tatae. Sumunod ako sa kaniya at nakitang nagesesepilyo siya.

"Kio, huy! Pumayag ka na kasi! Bibilhan na lang kita ng... ng... ano, ng brief!"

Sinamaan niya 'ko ng tingin sa may salamin. "Marami akong gano'n, hindi mo 'ko mapipilit, Yakiesha. You can go out now." Supladong sabi niya at sinenyasa pa 'koong umalis.

"Bagong walis ba? Ayaw mo? Ibibili kita sa mga naglalako."

"Yakiesha! Please! Stop it!" Inis na sabi niya, sinabuyan niya pa 'ko ng tubig mula sa faucet.

Bastos ang gago. Pinunasan ko ang mukha ko. Buti nga pinansin ko na siya ulit e. Tapos ngayon siya ang nag-iinarte, bumaligtad ata ang mundo ngayon? Nagpilit ako ng ngiti.
Ano ba 'yan, mukha akong plastic nito e.

"Hindi ako aalis hanggat hindi ka pumapayag!" Sigaw ko tsaka patalon na sumampa sa kama niya at nagtalukbong sa kumot niya.

Buti pa 'tong kwarto niya ang bango-bango. Parang bagong laba palagi ang mga tela na nasa kama niya. Ngayon ko lang ginawa 'to dahil ayaw niyang nagugusot ang higaan niya. Ang daming arte, magugusot din naman 'to kapag natulog siya.

"Bumama ka riyan, Yakiesha." 'Yung boses niya nagbabanta.

"Ayaw ko nga! Hindi ka nga pumayag sa hinihiling ko e. Edi hindi rin ako papayag sa gusto mo." Ganti-ganti lang 'yan.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon