"Wala pa nga po akong sinasabi e."
Advance ka masyado mag-isip.
"Ay wala pa ba. Sige, ano ba 'yon?"
"Magbabakasyon po kami... nung mga kaklase ko, kasama po si Eiya!"
Palagi kong sinasali si Eiya sa tuwing magpapaalam ako dahil gano'n din ang ginagawa niya sa tuwing magpapaalam siya. Minsan pinaplano pa namin ang gagawin namin para lang payagan kami.
Kilala ni daddy ang papa niya. Magkaibigan din sila. Magkaibigan ang pamilya ko at pamilya niya kaya naman panatag sila kapag magkasama kaming dalawa. Ang hindi nila alam... basta.
"Ah, gano'n ba. Sa'n ba kayo pupunta?"
"Batangas."
"Batangas lang pala— Whaaaaat?!" Gulat na sigaw niya kaya naman napaatras ako saka napapikit ng mariin.
Hindi ko talaga dapat binibigla si Daddy, ako ang nabibigla sa kaniya e.
"Opo. May resort po 'yung kaklase namin doon. Kaya... magbabakasyon po kami! Kasama naman po namin si Kio!"
"Masyadong malayo 'yon, 'nak. Baka kung mapa'no pa kayo."
Ngumuso ako. "Daddy naman..."
"Sabihin mo sa mommy mo, baka mag-alala pa 'yon sayo."
"E, ang sabi niya po, sa inyo ko raw po sabihin."
"Hindi ko alam kung anong isasagot ko sayo. Malayo ang lugar na 'yon at beach pa 'yon, baka malunod pa kayo." Seryosong sabi niya.
"Wala po, aalagaan ko naman po ang sarili ko. Tapos kasama pa namin si Kio."
"No. Kung gusto mong pumunta ro'n, kami na lang ang yayain mo."
"Daddy naman, nakapagplano na nga po kami e. Daddy, sige na, ako na lang po ang magbabayad sa gagastusin ko, hindi po ako manghihingi sa inyo." Pagpupumilit ko pa at nagpapuppy-eyes pa.
"Ayaw ko."
Bumagsak ang balikat ko. Hindi ko na ata talaga sila mapipilit pa. Kapag sinabing ayaw, ayaw talaga. Umalis na lang ako ro'n sa kusina at padabog na umakyat ng kwarto ko. Minsan na nga lang akong humingi ng pabor, hindi pa 'ko pagbibigyan.
Huling pag-asa ko na lang si Kio. Nakita ko kasi siyang umalis kanina, hindi ko alam kung nakabalik na siya. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at sinubukan siyang i-text.
To: Kio fanget
Message: Sa'n ka?
Ilang minuto pa muna ang pinalipas ko bago siya sumagot sa 'kin. Nagpaload pa ata ang baliw bago ako replyan, naubusan ka ng balance 'no?
From: Kio fanget
Message: Bahay.
Dali-dali naman akong tumayo at kumatok sa kwarto niya. Narinig ko ang mga yabag niya kaya naman nabuhaya ako. Bago pa siya nakapagsalita ay pumasok na 'ko sa kwarto niya at umupo sa kama.
"What do you want?" Tanong niya, bagong ligo ata dahil pinupunasan niya pa ang buhok niya ng twalya.
"Kio, tungkol do'n sa pagpunta natin sa Batangas sasama—."
"Hindi ako sasama sa inyo." Putol niya sa sinasabi ko.
Hindi ko pa nga nasasabi ng buo ang gusto kong sabihin. Ipalupot ko kaya sa leeg mo 'yang twalyang hawak mo?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 157
Start from the beginning
