"Uh..." Wala akong alam sabihin dahil hindi naman ako marunong magluto ng pagkain. Tapos ngayon pa lang ako sasama sa mga bakasyon na kasama ang iba. "Kahit ano na lang, basta pwedeng kainin." Sagot ko.
"'Dre! Bili ka nun!" Sigaw ni Xavier.
King inang bunganga 'yan, malakas pa sa speaker ng mall.
"Ano nananaman?" Inis na tanong ni Vance at marahas na kinamot ang ulo.
"'Yun oh! 'Yung... ano bang pangalan no'n. 'Yung, mozzarella sticks."
"Edi ikaw ang kumuha, uutusan mo pa 'ko e."
"Ang tamad mo talaga!"
"Here. Wag kayong mag-eskandalo rito. Panay ang pagsigaw niyong dalawa." Saway ni Adriel sa kanila at iniabot ang limang balot no'n. Ang dami naman nun.
"Puno na ang cart. Wala tayong pambayad nito!" Sabi ni Alexis at tinawanan na lang ang problema nila.
"Edi ikaw na lang ang pambayad namin, tutal type ka naman nung nasa cashier."
"Ulowl ka, Tim! Bakit hindi ikaw? Ibugaw na lang kita tutal wala ka namang jowa."
"Wala lang akong jowa ibubugaw mo na 'ko? Nahiya naman ano sayo, pare. Friend zone ka pa rin." Pang-aasar ni Timber tsaka niya tinapik ang balikat ni Alexis at tinulak na papalayo ang cart.
Ah, friend zone. May friend pala siya. Akala ko loner siya.
"Hoy! Sinong naglagay ng tuyo dito?" Kunot-noong tanong ko habang tinitignan ang tatlong pakete ng tuyo.
"Ako." Sagot ng batang hapon, bagsak pa ang balikat at nakasimangot.
"Bakit mo nilagay 'to rito? Kumakain ka ba niyan?" Tanong ni Hanna.
"Hindi. Kawawa naman kasi sila. Ang cu-cute nila tapos nilagay lang nila sa mga plastic. Mga wala silang puso." Madramang sabi niya at hinalik-halikan pa ang mga tuyo.
"Malamang paninda 'yan. Alangang itinda nila sayo ng buhay ang mga 'yan." Pambabara ko sa kaniya.
"Kahit na, baby fishes ang mga 'to. Pwede silang makulong dahil nakapatay sila ng bata!"
"Batang isda. Hindi batang tao, Ji. Wala namang batas para ro'n."
"Mero'n! Ako na ngayon ang gagawa. Isalba ang mga batang tuyo!" Sigaw niya at tumakbo habang winagayway ang mga tuyo sa ere.
Natampal na lang namin ang sarili naming mga noo dahil sa katigasan ng ulo niya. Kung makapagreact siya akala mo naman ay siya ang pamilya ng pinatay na tuyo. Ano 'yon, murdered dry fish?
Sabagay, mukha naman siyang tuyo, walang pinagkaiba.
Naglagay ako ng dalawang balot no'n. Hindi ko na pinakarami dahil baka hindi naman kumakain ng gano'n ang mga hudlong. Isa pa, baka humagulgol lang si Kenji kung hindi namin isasalba ang pamilya niyang mga tuyo.
"Uh... Is it okay if I buy some noodles? I'll try to cook some pasta." Pabulong na sabi ni Alzhane at mukhang nahihiya pa. "Kung gusto niyo, ako ang magbabayad no'n. Gusto ko lang gawin 'yung natutunan ko kay mommy."
STAI LEGGENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 156
Comincia dall'inizio
