"Adi... hayaan mo. Maliligo lang naman ako."
"What?"
"Wala, tatanggalin ko lang ang mga 'to." Turo ko sa buhok ko.
"Mukhang kailangan mo ngang alisin 'yan, ang bagsik ng amoy mo, Heira." Sabi naman ni Timber saka tumawa.
Ngumiti muna ako bago tumalikod sa kanila. Tumakbo ako dahil sayang ang oras kung magdadrama ako habang naglalakad. Pumasok ako ng cr at tinutok ang ulo ko sa may sink. Kapag talaga wala sa sarili ang mga 'yon bigla-bigla na lang nang-aano.
Mga aning ata ang mga tao rito e. May mga sinusundang mga tao. Mga sunod-sunuran lang kayo? Susme, pinagtatanggol pa nila 'yung si Zoenrox, porke ba sikat siya rito sa university na 'to? Kitang-kita naman na siya ang nagtaray, hindi ako.
Ang hirap tanggalin dahil malagkit. Hindi naman pala pintura 'yon kundi parang glue na nilagyan ng kulay. Ang lagkit, bwisit. Kung hindi ko shashampoohin 'to, hindi matatanggal. Hinugasan ko na lang 'yon at hinayaan na lang na nakabusagsag dahil sa kalagkitan.
"Woo!" Pwede na 'to. Nakataas ang ilang hibla ng buhok ko tapos parang nasabugan ang mukha ko.
Lumabas na lang ako. Pwede namang ayusin 'to mamaya. Maliligo na lang ako. Kung hindi kaya ako pumasok dito sa B.A.U. mararanasan 'ko ang ganito? Kung hindi kami lumipat at nanatili na lang kami sa Sta. Luiciana, ganito pa rin ba ang takbo ng araw namin?
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na dapat iniisip ang mga ganito dahil lahat ng nangyayari ngayon ay may rason. Kung hindi kami lumipat dito, hindi namin makikilala ang mga hudlong, hindi namin mararanasan ang mga kalokohang sa kanila lang namin nagawa.
Babalik na sana ako sa tambayan nang may marinig akong sigawan ng isang babae at lalaki. Hindi naman sa chismosa ako pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakahinto at hinahanap ang pinagmumulan ng away na 'yon.
"Sabi ko sayong umalis ka na! 'Wag ka ng magpapakita sa 'kin dahil hindi ka kita kailangan!"
"But, Sam! After we did it, ipagtatabuyan mo 'ko? 'Wag naman ganito!"
Humagulgol na 'yung babae dahil hindi na siya halos masabi ang mga litanya niya. Pero teka, parang kilala ko ang boses nung lalaki na 'yun ah. Sinong Sam kaya?
"Hindi na kita kailangan, Lizainne!"
"I don't care, I love you! If you don't need me, then I need you!"
"Wala akong pakialam. Umalis ka na."
Naglakad lang ako hanggang sa palakas ng palakas ang mga boses. Sa likod ng building two ako napunta. Natakpan ko na lang ang bibig ko nung makita kong hinalikan nung babae si Aiden! Sheeet! Sabi na e, si Aiden pala 'yon.
Hindi siya tinugon ni Aiden. Seryoso lang siyang nakatayo at pilit pinapalayo 'yung babae. Hawak niya 'yung magkabilang pisngi ni Aiden. Patay! Dapat ko bang makita ang mga ganito? Hindi naman dapat akong nandito e. Baka magalit pa sila.
Mas nagulat ako nung pwersahang tinulak ni Aiden 'yung babae. Muntik na nga siyang matumba pero naalalayan siya kaagad ni Aiden. Mukha lang walang pakialam si Aiden pero sa mga mata niya, nag-alala siya.
Girlfriend siguro siya ni Aiden. Maganda siya, maputi, mukhang artistahin lalo na ngayong umiiyak siya. Ang sama ko ba? Nagsasabi lang ako ng totoo. Nakabingwit pala siya ng ganito kaganda. Pero teka! Hindi ko muna sasabihing mukha siyang mabait dahil gano'n din ang sinabi ko kay Zoe pero tignan niyo naman ang nangyari.
"Umalis ka na! Leave! Ayaw na kitang makita!" Sigaw ni Aiden.
"Sam, I love you okay! I gave you my self, my soul and my body! Don't leave me, please!" Pagmamakaawa nung babae.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 155
Start from the beginning
