"That's my final decision. No one can change my mind. Take it or leave it."

"May pa-take it or leave it pang sinabi, hindi naman pala siya papayag na gawin ang napag-usapan." Bago ko pa napigilan ang bunganga ko, 'yon na ang nasabi ko. Tumingin tuloy siya sa 'kin at pinanlisikan ako ng mata.

Nang-iwas na lang ako ng tingin, kunwari wala akong sinabi. Kunwari wala akong nakita. Kunwari wala siyang narinig. Tumingin ako sa kisame. Ang daming agiw, halatang hindi marunong mag-linis ang mga nakatira.

"What did you say?" Tanong niya, hindi ako sumagot. Alam ko namang ako ang tinatanong niya dahil nakikita ko ang masamang titig niya mula sa peripheral vision ko.

"Heira..." Kinabahan ako sa tawag niya pero hindi ko pinahalata. Bakit naman ako magpapaapekto sa kaniya?

"Yakie, tinatawag ka ni Kayden." Sabi ni Kenji sa 'kin, nilingon ko lang siy at kinausap sa pamamagitan ng mga mata ko, nakuha niya naman kaagad 'yon kaya tumahimik na lang siya at tumango.

"Heira... I'm asking you, what did you say?" Tanong niya ulit at tinulak pa ang braso ko. Munti na 'kong matumba kung hindi lang ako nakasandal kay Kenji.

Hindi ako sumagot ulit. Naririnig ko ang pagtikhim ng iba. Nang-aasar pa nga sila gamit ang mga bulong. Pinanliitan ko sila ng mata. Kapag ako ang nang-asar sa inyo, siguradong hindi kayo makakaganti.

"Okay, fine. I won't let you do what you want until Heira answers my danm question." Sabi niya kaya naman napalunok ako.

Grabe naman 'to, may pam-blackmail talaga siya ah. Hindi ba niya alam kung gaano akong kinakabahan ngayong katabi ko siya tapos binabanggit niya pa ang pangalan ko.

"Yakie, sagutin mo na, gusto ko nang makapagbabad e."

"Answer him, damn it. I want to see a beautiful body boodies."

"'Yon tayo, Jharylle e. Pupunta lang ng resort para makakita ng mga babae. Lul no! Style mo bulok."

"Heira, ikaw na lang ang pag-asa ngayon."

"Kapag hindi mo siya sinagot, itatakwil ka namin! Impeachment!"

"Yakie, ililibre kita mamayang lunch kapag sinagot mo na siya."

Pumalakpak ang mga tenga ko dahil sa sinabi ni Vance. Kinindatan ko na lang siya bilang hudyat na pumapayag ako sa gusto niya. Mas matino pa nga ang offer niya kaysa sa iba. Ano 'kamo? Impeachment, hindi naman ako presidente ng buong bansa para ipa-impeach ako. Hindi nga ako opisyal ng kahit na ano e.

"A-ano nga ulit 'yung tanong mo?" Kunwari wala akong alam pero 'yung totoo, ayaw ko lang na pandiliman niya 'ko ng paningin.

"What did you say earlier. 'Yung binulong mo." Sagot niya.

"Ah.." Tumango na lang ako at umaktong nag-iisip, tumingin ulit ako sa kisame namin. Kailangan na talaga naming mang-agiw. Pinamamahayan na kami ng mga gagamba.

"I'm waiting, Heira. Make it fast." Utos niya sa 'kin. May bayad ba 'tong mga pinapagawa niya?

Wala naman akong sweldo, kung makapag-utos parang boss ko.

"Ah... 'yun." Pabitin kong sabi tsaka ngumit ng pilit. "Sabi ko, 'may pa-take it or leave it pang sinabi, hindi naman pala siya papayag na gawin ang napag-usapan."

"Hmm..." Tumango siya pero halatang hindi kumbinsido. "Why the hell do you said that?!"

Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya, susme. Akala ko naman sasagutin niya 'ko ng kalmado pero mali ang akala ko. Bakit galit nananaman ang kulapo na 'to? Pinaglihi ka ba talaga sa sama ng loob para maging ganiyan ang mga emosyon mo?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now