Ayan na, kumanta na rin ang mga kasama ko. Kahit mali-mali ang lyrics sige lang. Kunot-noo namang tumingin sa 'kin si Kayden at sa katabi ko... luh, bakit nandito na si Chadley? Hindi ko man lang napansin ang presensiya niya kung hindi ko lang sinundan ang tingin ni Kayden.
♫♪ Kaya't ibigay n'yo na!
Ang aming Christmas Bonus
Nang maging maligaya tayong lahat sa araw ng pasko... ♫♪
"Nakauwi ka ba ng maayos kahapon?" Tanong niya sa 'kin.
Tumango naman ako ng hindi ko siya tinitignan. "Oo, ang bilis nga naming nakauwi." Sarcastic na sabi ko.
"Bakit naman?"
Tumingin ulit ako kay Kayden na hindi na talaga maipinta ang mukha, para siyang naiinis na iritable. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa pagmumukha ng mga nasa harapan niya o dahil sa pagmumukha nitong katabi ko?
♫♪ La. La. La... Sa tuwing darating ang kapaskuhan... Ang Christmas bonus, ating inaasahan... Sa mga kumpanyang pinag-tatrabahuhan,
Tunay nating itong kailangan... ♫♪
Si Xavier naman ngayon ang kumakanta, kasabay niya si Vance. Pareho pa silang natatawa e. Pinapatunog pa nila ang mga hawak nilang marakas. Parang takas sa mental.
Natawa pa si Kayden sa kanila kaya naman kumuha siya ng papel at binato sa pagmumukha nung dalawa. Mas lumakas ang tawanan namin. Mukhang papayag na siya ah. Magandang ideya pala talaga ang plano nila.
♫♪ Kaya't ibigay n'yo na! (Kaya't ibigay n'yo na)
Ang aming Christmas Bonus (Bonus)
Pati na nag 13th month pay (Ibigay, ibigay)
Para lahat okey na okey! (Bonus) ♫♪
Nagsesecond voice sina Kenji at Mavi na ngayon ay sumasayaw na parang macho dancer. Kung malaki lang siguro ang katawan nila, bagay at pwede pa ginagawa nila. Baka matokhang sila sa ginagawa nila ngayon.
♫♪ Kaya't ibigay n'yo na! (Kaya't ibigay n'yo na)
Ang aming Christmas Bonus (Bonus)
Ng maging maligaya tayong lahat (Ibigay, ibigay)
Sa araw ng pasko. (Bonus) ♫♪
Ayan, si Trina na ulit ang kumakanta. Maayos na ulit ang paligid, hindi kamukha nung kanina na parang babagyo dahil sa mga dinig nung mga hudlong. Ang siraulong Timber, kumuha pa ng lalagyan tapos kunwari nanghihingi ng barya para sa ginagawa nila.
Ano 'yon, abuloy?
♫♪ Kaya't ibigay n'yo na! (Kaya't ibigay n'yo na)
Ang aming Christmas Bonus (Bonus)
Ng maging masagana (Ibigay, ibigay)
Ang pagsalubong sa bagong taon... (Bonus) ♫♪
Hinila ni Trina si Kayden papunta sa gitna. Gumawa sila ng bilog tapos siya ang pinakasentro. Nakikinood lang kami sa kanila, wala kaming balak na sumali sa katarantaduhan nila. Hindi na alam ni Alzhane kung paano pipigilan ang tawa niya e. Hawak niya na ang tyan niya.
Salubong naman ang kilay ni Kayden habang pinapanood ang ginagawa nina Trina sa kaniya. Para silang naglalaro ng bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna, sasayaw ng chacha, ang saya-saya. Kaso hindi nga pala reyna si Kayden.
Kulapo siya.
♫♪ Kaya't ibigay n'yo na! (Kaya't ibigay n'yo na)
Ang aming Christmas Bonus (Bonus)
Pati na nag 13th month pay (Ibigay, ibigay)
Para lahat okey na okey! (Bonus) ♫♪
Do'n na natapos ang kanta. Sa wakas pwede na rin kaming lumapit. Ang Trina, hingal na hingal, kung hindi ba naman siya shunga, ginawang party at concert 'tong plano namin.
"Yow! 'Dre! Marry Christmas!" Natatawang sabi ni Xavier tsaka niyakap si Kayden.
Napailing na lang ako.
"Hi Ninong Kayden." Pang-aasar naman ni Mavi, Alexis, Timber at Kenji.
"Mga abnoy! October pa lang!" Pambabara ni Eiya sa kanila.
"Advance lang, malay mo naman mamigay na si Ninong!"
"Hindi ata matatanggap ni Kayden na maging inaanak ka niya, Maurence." Sabi naman ni Hanna.
"Sa gwapo kong 'to?!"
"Sa'n banda? Hindi ko kasi makita."
"Woah! Foul 'yon! Pasalamat ka mas bata ka sa 'min."
"Thank you!"
Mga siraulo talaga. Nagkatinginan na lang kami ni Adriel at Asher, sabay-sabay kaming napailing habang tumatawa. Sa lakas ng energy na binigay nila, sana lang successful ang plano nila.
Sa mukha kasi ni Kayden, ewan ko lang kung papayag siya...
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 153
Start from the beginning
