Ilang saglit pa kaming gano'n, para kaming mga bubuyog na nagbubulungan dito. Si Elijah naman at si Eiya, nagbabanta sa may pinto, sasabihin na lang daw nila kung paparating na si Kayden.
"Isha! Paparating na siya!" Sigaw ni Eiya, akala mo naman may paparating na mga bandido at pirata.
Tumayo kami kaagad. May kinuha ang mga hudlong na parang mga instrumento sa may kabinet. Ay, gago. Mga pangkaroling ang mga 'yon. May tinatago pala silang gano'n. Kaya pala mahilig sila sa mga tugtugin.
Mahiwagang kabinet. Naglalabas ng kahit na anong materyal na kailangan.
"Good morning!" Bati naming lahat sa kaniya nung pagkapasok niya.
Pinagtaasan niya kami ng isang kilay. Parang naninibago ako ngayon sa suot niya. Oo tama, hindi siya nakasando. Naka t-shirt siya na fitted v-neck. Nakapants pa. Mas bagay sa kaniya 'yon, ay teka! Bakit ko ba pinapansin ang suot niya? Ang pangit pa rin!
"Tsk." Sagot niya lang at akmang pupunta na siya sa pwesto niya ng harangan siya nung mga hudlong, natatawa na nga kaming mga babae sa pakikipagpatintero niya sa kanila.
"D'yan ka muna." Sabi ni Xavier.
"Gago. Do'n nga siya." Pambabara ni Vance.
Magkaibigan nga talaga sila.
Hinila nina Mavi at Kenji si Kayden at sinandal siya sa teacher's table. Huminga na lang siya ng malalim at wala ng magawa. Medyo umupo siya sa lamesa at nagcross arm. Bakit ba ang lakas ng charisma niya ngayon? Kahit mukha siyang suplado pero nakakain... wala.
Nasa isang sulok lang kaming mga babae. Sila na raw ang bahala sa mga tugto, si Trina ang sa kanta. May gagawin pa silang mga pasayaw. Natatawa nga ako dahil hindi akma ang kakantahin nila sa oras ngayon.
"Boys!" Panimula ni Trina, ginawa pang mic ang hairbrush ni Shikainah. "Okay, one, two three! Let's go!" Sabi niya, nagsimula naman silang gumawa ng isang ritmong hindi ko alam kung 'yon ba talaga ang tono nung kanta.
Gumagawa lang ata sila ng sarili nilang mga tunog e. Basta na lang kaming tumatawa rito. Natatawa na rin tuloy si Kayden pero pinilit niya ang magseryoso. Akala niya hindi ko siya nakikita?! Ha! Asa!
♫♪ Sa tuwing darating ang kapaskuhan
Ang Christmas bonus, ating inaasahan
Sa mga kumpanyang pinag-tatrabahuhan,
Tunay nating itong kailangan... ♫♪
Hindi pa nga pasko pero 'yon na ang kinakanta nila. October pa lang uy! Wala na raw silang maisip na matinong kanta kaya naman ganiyan ang kinanta nila. Kumekembot-kembot pa si Trina.
Parang nangangaroling sila tapos si Kayden ang may ari nung bahay na kinakantahan nila. Kulang na lang ay 'yung asong hahabol sa kanila. Tapos sa huli sasabihin ni Kayden ang 'patawad!'
♫♪ Kaya't ibigay n'yo na!
Ang aming Christmas Bonus
Pati na ang 13th month pay
Para lahat okey na okey! ♫♪
Ang lakas ng pagkakanta niya. Ayon si Vance. Ang sama ng mukha, nakangiwi at salubong ang kilay habang pinapasadahan ng tingin si Trina, mula ulo hanggang paa. Kahit ako man ay napangiwi.
Sinong hindi sasama ang mukha, kung tumalon si Trina parang lasing. Para siyang dalaginding na nasa bar tapos nalasing kaya naman ganiyan siya kung tumalon at sumayaw.
♫♪ Kay sarap makatanggap ng Christmas Bonus
Para bang problema mo'y na hocus-pocus,
Pambili ng regalo, pang-handa sa lahat ng gastos
Halos solved ng lahat, kung may Christmas Bonus... ♫♪
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 153
Magsimula sa umpisa
