"Sus! Kitang-kita ka na, crush mo talaga si Lucas 'no?"
"Hoy! Hindi ah!" Depensa ko kaagad.
"Halata ka na, 'wag ka ng mag-deny, isusumbong kita kay Kayden..." Bulong na lang halos 'yung huling mga salita kaya hindi ko na narinig ng maayos, nagsisisisigaw pa naman ang mga hudlong sa tuwa.
"Ano? Ulitin mo nga, hindi ko narinig, ang ingay kasi nila."
"Wala. Nevermind. Umamin ka na sa kaniya habang maaga pa."
"Huh? Kanino? Kay Lucas?" Tanong ko, tumango naman siya habang nakangisi. "Lul! Pakyu, kaibigan ko lang 'yon."
"Okay, sabi mo e. Kaibigan daw pero parang matutunaw na dahil sa titig." Parinig niya tsaka umalis.
"Putangina mo!" Singhal ko sa kaniya, tumawa lang siya.
Abnoy talaga kahit kailan, sarap niyang ipakain sa mga piranhas ng ibang bansa.
"Hoy! Five minutes na lang at darating na raw si Kayden, isip kayo ng kanta, 'yung maaasar siya para pumayag na talaga." Anunsyo ni Xavier habang kahawakan ng kamay si Shikainah.
Mga bastos! May taong nag-iisa rito oh. Hindi na kayo nahiya! Pagbuhulin ko kayo r'yan e.
"Pabago-bago pa naman ng desisyon ang kumag na 'yon." Sabi naman ni Adriel. "He said yes already but he can change his decision and no longer fulfill the deal."
Tumawa kami. "Si Trina na ang bahala r'yan, siya lang naman ang may matinong boses sa 'ting lahat." Sabi ni Eiya at itinuro si Trina na nagtatago sa likod ni Vance.
Akala mo naman hindi siya makikita sa ginagawa niya, pilit naman siyang tinataboy ni Vance, mukhang naiinis na. Ayan, karma mo na 'yan, hayop ka.
"Ano ba, labas, akala mo naman hindi ka makikita r'yan, nagugusot na ang damit ko."
"Wala akong pakialam! Nag-tatago lang saglit, ang arte mo!" Inis na sabi ni Trina sa kaniya at umalis sa likod ni Vance.
"Yeah. Trina's voice is beautiful, amazing and it's calming to listen to." Sabi naman ni Alzhane.
"Alam mo, Mareng Alzhane. Don't english me. No english. Lumalaki ang ulo kapag pinupuri mo 'ko sa english. Enebe." Sabi niya at nagkagat labi tapos nilagay niya kunwari ang buhok niya sa likod ng tenga niya.
"Mukha kang tanga r'yan. Hindi mo bagay." Pambabara sa kaniya ni Trina.
"Pake mo, ako mukhang tanga lang, ikaw tanga na talaga. Hindi mo na maalis sa katawan mo 'yon."
"Ang sakit mong magsalita."
"Gumaganti lang hehehe."
"So, ganito ang plano." Sabat ni Timber.
Bumuo naman kami ng isang bilog, nasa gitna kami ng room habang nakaupo, sitsitan lang ang ginawa namin baka dumating bigla si Kayden at marinig ang plano nilang lahat. Hindi ko naman alam ang gusto nilang mangyari, basta sumusunod lang ako sa kanila.
Pinag-usapan namin kung ano ang pwedeng kantahin na maaasar talaga si Kayden. Ewan ko sa kanila. Baka nga mas hindi pumayag si Kulapo kapag nainis siya e. Iba rin talaga ang pag-iisip ng mga kolokoy na 'to.
Iinisin daw nila siya hanggang sa maalibadbaran si Kayden. Papayag na raw 'nun siya dahil wala naman daw siyang choice. Baka nga gano'n talaga ang mangyayari, dahil dati, nung deal palang ang usapan, pinilit na lang nila siya hanggang sa pumayag siya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 153
Start from the beginning
