"Il Milagro!"

"Bobo mo, Ji!" Hinghal ko sa kaniya, "hindi naman gano'n ang sinabi nila." Pambabara ko at tumawa naman kami ng malakas, sumimangot naman siya.

"Twenty-Third Section, Il migliore!"

"Il mig-li-yo-re!" Pagdidiin ko sa kaniya, parang natauhan naman siya at napaisip.

"Oo nga 'no, akala ko milagro. Milagro kasi 'to!"

"Ay, siraulo! Ano, ka, kulto?" Sabi naman ni Vance at mas natawa kami.

"Ako kulto, ikaw mukha kuto!" Gitil naman nung isa.

"Mukha ka palang kuto, dre, ayahaaay!" Ayahaaay boy, Xavier.

Putspa, sa tawa niya kami natatawa e. Parang nanghihingalong tawa. Kapag hinika siya rito, hindi na namin kasalanan. Sa likod ng maganda niyang mukha, may tinatago pala siyang pamatay na tawa.

"Tanggap ko 'yan, basta si Xavier 'yung anit."

"Pakyu! Dinamay mo pa 'ko!"

"Hinintay ko 'yung resort! Bwahahaha! May deal tayo, mero'n na tayong mapanghahawakan para makapagresort tayo ng sama-sama!" Sigaw ni Alexis.

"Oo nga pala! Ready na 'yung mga pang-swimming ko." Sagot naman ni Kenji.

"Bakit, Kenj. Ano ba ang pang-swimming mo?" Tanong ni Mavi, nang-aasar talaga.

"Two piece."

"Ay gago! Babakat ang betlog mo ro'n!" Pambabara ni Trina.

"Ay babakat ba, sige... bra at panty na lang ni mama."

Hindi ko na mapigilang mapahalakhak sa kaniya. 'Yun din 'yon e. Mas matino pa nga ang two piece kaysa sa bra at panty ng nanay niya, atleast, magkapareha ang nga 'yon. 'Yun nga lang kung may magpapahiram sa kaniya.

"Ipapakita mo sa 'min ang sarili mong naka-two-piece swimsuit..." Pabitin na sabi ni Hanna. "Ililibre kita ng lunch no'n sa pupuntahan natin!"

"Oo ba! Basta para sayo, Hannamiloves." Kumindat pa siya

Wala na. Nagladlad na talaga. Hulog na hulog talaga siya kay Hanna, kahit na anong hilingin nung isa, ibibigay niya. Susme. Ang bata-bata pa nila. Namumula naman 'yung isa. Ay ewan ko sa kanila.

"Teka nga, nasa'n na 'yung sponsor natin?" Tanong naman ni Timber.

Maaga pa naman. Pero lahat kami nandito na pwera lang kay Kayden. Ngayon pa lang siya nahuli sa 'kin ah. Pa'no nila nabuksan ang room namin, nasa kaniya ang susi nito ah.

"Alam ata niyang ngayon ang labasan ng results kaya nagpalate!" Pagbibiro ni Lucas.

Napatitig na lang ako sa mga pagtawa niya. Bakit hindi ko maisip na... pepper siya? Hindi matanggap ng isip ko dahil sa mukha at tindig niya, mas lalaki pa si kay Kio. Well... wala naman akong magagawa, pagkatao niya 'yon. At tanggap ko siya dahil kaibigan ko siya.

Hangga't hindi pa siya handang ipakita at ipaalam sa iba ang tunay na 'siya' hindi ko ilalabas ang sikreto niya. Kailangan muna kasi niyang mag-ipon ng lakas ng loob, kasali pa naman siya sa gang.

"Hoy, baka matunaw 'yan." Napakurap ako nung may magsalita sa gilid ko.

"Ano 'yon, Vance?" Maang-maangang sabi ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora