Masaya ako ngayon! Masayang masaya, hindi lang dahil nakakuha ako ng isang perpektong grado kundi dahil natulungan namin ang mga hudlong na mas pataasin pa ang mga grades nila. Achievement na sa 'kin 'to! Napabago namin ang mga malolokong hudlong.

Sinong mag-aakala na ang mga tinatawag na 'basura,' 'walang kwenta,' 'patapon,' 'walang alam,' at mga 'basagulero ng B.A.U.' ay nakakuha ng gano'ng kataas na grades. Alam kong dahil 'yon sa deal kaya nila pinagbutihan pero alam ko rin sa sarili ko na inayos nila 'yon dahil gusto nila... dahil kaya nila.

"What's with you?" Nagtatakang tanong ni Adriel.

"Adi!"

"What? Ang bigat mo naman."

Kaagad naman akong humiwalay sa kaniya, nagpeace sign ako. Nakaramdam akong ng pagka-ilang dahil sa ginawa ko. Pesteng katawan kasi 'to, bigla na lang gumagalaw. Nagtataka rin ang iba sa ginawa namin ni Eiya. Ang gaga, nilagpasan si Trina, inuna pa si Elijah. Harot.

"Pasensya naman, pero, Adi!"

"What? I'm not Adi, I'm Adriel."

Hindi, ikaw si Adi. Adidas. Okay, sige, masyado na 'kong masaya kaya naman kung ano-ano na lang ang nasasabi ko.

"Adi! Pasado tayo! Pasado! Perfect!" Masayang sabi ko at tumalon-talon pa.

Pinakita ko sa kaniya ang litrato nung pinicturan ko kanina. Lumapit na rin sa 'min 'yung iba. Tumabi ako saglit dahil baka madaganan nila ako. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila. Kaagad ding napalitan 'yon ng tuwa at halakhak.

Nangunguna na si Xavier na hindi masabi kung gaano siya kasaya ngayon. "Ferrer, Xavier Austine, flat 100. Gomez, Shikainah, flat 100. Mahal!" Tawag niya. Lumapit naman kaagad si Shikainah sa kaniya. "Mahal! Pasado tayo! Parehas tayo ng score!"

"Patingin!" Excited na sabi ni Shikainah. "Teka! Oo nga! Mahal! Tama! 100-100! I'm so proud of you!" Sabi niya pa at niyakap si Xavier.

Si Trina at Vance naman parang tangang tumatalon habang magkayakap tapos umiikot-ikot pa. Mga abnoy talaga. Pero, kahit ako man, mapapatalon dahil sa sobrang tuwa. Lumapit ako kay Alzhane.

"Huy! Pasado tayo!" Masiglang sabi ko, pinitik naman niya ang noo ko at tumawa.

"I know! I know that we can do that! I'm so proud of you guys! You did it! You did your best for that." Sabi niya at nag-fighting fist pa siya. Nakigaya naman kami sa kaniya.

"Twenty-Third Section, you did it! Ahu-ahu!" Sigaw ni Trina.

"Ahu-ahu!" Sabi naman namin, kahit alam kong mukha akong tanga, nakigaya na lang ako sa kanila.

"Twenty-Third Section, Il migliore!" Sigaw ni Chadley.

"Anak ng tupa, 'dre!"

"Anong pinagsasasabi mo, Chad? Nagchichinese ka na?"

"Alam ko namang galing kang Italy pero 'wag mo naman kaming idamay sa pagsasalita mo ng Italian."

"Il Milagro raw!"

"Bobo!"

"Tch!" Tumawa kaming lahat at nag-enjoy sa pang-aasar kay Chadley. Tumawa na lang din siya, napansin kong wala pa si gagong hudlong na kulapo. "I said, Twenty-third Section, The Best!"

"Ahu-ahu!" Sigaw nila, hindi naman siguro sila magiging aso o mga tribo kapag masobrahan sila sa 'ahu-ahu' 'no?

"Twenty-Third Section, Il migliore!"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now