May number na 'ko sa kaniya dahil siya pala 'yung nagtext sa 'kin dati na walang pangalan. Sinave ko na lang 'yon tapos ngayon, heto, tumatawag ang delubyo. Pinasa ko 'yon kay Chadley, kaso tinakot ako. Sinenyas niya na parang ginigilitan niya ang leeg niya.

Ipapasa ko na lang sana kina Nurse Alice at Dr. Chet kaso busy sila e. Ayaw kong sagutin dahil natatakot ako. Baka sigawan ako nito. Siya ang president namin, kargo niya kami hanggat nasa loob kami ng university.

Sinagot ko na lang 'yon. Bumungad sa tenga ko ang isang malakas na buntong hininga niya. Nakakapangilabot. Nakakataas ng balahibo. Inialis ko muna saglit ang cellphone ko sa tenga ko, tinakpan ko ang speaker no'n bago ako nagsalita.

"Chad. Anong sasabihin ko?!"

"I don't know. Gawa ka na lang ng palusot."

Tumango na lang ako bago ko kausapin si Kayden. "H-hello." Kinakabahang sabi ko.

"Where are you?" Muntik na 'kong matumba dahil sa kaba. Nanlambot ang mga tuhod ko. Mahinahon naman niyang sinabi 'yon pero pakiramdam ko, sinisigawan niya na 'ko.

Ang lakas ng epekto niya sa mga senses ko.

"Nasa... n-nasa clinic ako."

"Which clinic?"

"Sa university. Nasa university pa rin ako."

"Fuck..." Singhal niya kaya naman mas natakot ako. "Why the hell you're still there?"

"Naka tulog kasi ako... hindi ko na namalayan na late na pala." Paliwanag ko at umupo saglit, baka kasi matumba ako ng wala sa oras.

"Who's with you?" Seryoso ang boses niya.

Naiimagine ko tuloy ang pagiging seryoso ng mukha niya. Madilim ang mga mata, nakakatakot ang mga ngisi. Salubong ang kilay at masama ang tingin. Parang kriminal ako sa tingin niya kaya siya gano'n makatingin.

"S-si..."

"Who?!" Mas madiing sabi niya.

"Si Chadley."

"What the... bakit mo kasama 'yan? You and Chadley are the only ones in the clinic?"

"Hindi... k-kasama namin sina Nurse Alice atsaka si Dr. Chet. Nandito pa rin sila."

"Bakit hindi ka umuwi?"

"Kakagising ko lang," sagot ko sa kaniya, nasapo ko na lang ang noo ko sa sumunod niyang sinabi.

"Sa susunod na umuwi ka sa inyo ng dis oras. I'll make sure that you will come home at my house. Mark my words, Heira."

"Kayden naman..."

"Wait for me. I'll fetch you. Don't go home with Chadley."

Ano 'yon? Mala tatay lang siya kung makapagsalita 'no? Tatay ko ba siya? Hindi naman 'diba? Tsaka hindi naman ako uuwi sa kaniya. Wala pa nga siyang sariling bahay. Akala ba niya malilinlang niya 'ko? Hindi! Baka kapag umuwi ako sa kaniya ay hindi na niya ako pauwiin.

Bumaling ako kay Chadley na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Hindi siya makatingin sa 'kin at pinaglalaruan niya ang susi sa kamay niya.

"Uwi na tayo, hinahanap na 'ko sa bahay."

"Okay." Lamyang sagot niya kaya naman nilagay ko ulit sa noo niya ang likod ng palad ko. Mainit pa siya.

"May lagnat ka pa ah. Uminom ka na ba ng gamot mo?"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now