From: Eiya Mabunganga
Message: Anong ginagawa mo r'yan?
Tumawa muna ako pero mahina lang 'yon, baka palabasin din nila ako rito gaya ng pagpapalabas sa 'min nung librarian kanina. Napansin ko lang na may iba pa palang mga estudyante ang nandito, dalawa ata 'yon, natutulog din. Ang kaibahan lang ni Chadley, may nagbabantay sa kaniya. At ako 'yon.
Hindi ko nga alam kung bakit pa 'ko nandito, pwede namang iwan ko na lang siya at bumalik na lang ako ng room pero ayaw makisama ng katawan ko. Gusto ko muna siyang makita hanggang sa magising siya. Baka akala niya pinabayaan ko na siya.
Hudlong siya kaya naman alam kong malawak ang pag-iisip niya. Sa sobrang lawak no'n napipredict na nila ang future. Masyadong mga advance mag-isip. Nahawa na nga sa kanila sina Eiya at 'yung ibang mga babaita. Tsaka rito sa clinic, pwede muna akong maidlip, gigisingin naman siguro nila ako kapag oras na.
To: Eiya Mabunganga
Message: Tumatambay.
From: Eiya Mabunganga
Message: Clinic 'yan, gago!
To: Eiya Mabunganga
Message: E ano naman ngayon? Try mo ring tumambay kahit minsan.
From: Eiya Mabunganga
Message: No, thanks. Bakit ka nga nandiyan? Isusumbong kita kay tita.
To: Eiya Mabunganga
Message: Bakit ikaw, bakit ka nakakagamit ng cellphone ngayon, may klase tayo ngayon ah? Isusumbong din kita kay tita.
From: Eiya Mabunganga
Message: He! Wala naman kaming teacher ngayon. Bleh! Pwede kaming magliwaliw 😛😛😛😛😛
To: Eiya Mabunganga
Message: Paki ko? Pwede naman akong matulog sa clinic. ^-^
From: Eiya Mabunganga
Message: Che. Papunta na raw si tita rito, sinabi ko na naaksidente ka kaya ka nasa clinic.
To: Eiya Mabunganga
Message: Ano?! Gago ba u?! Tinulungan ko lang si Chadley dito!
From: Eiya Mabunganga
Message: Kidding. Ge, take care kay Chadley. Sabihin mo sa 'kin kapag may ginawa siya sayo. 😆😆😆
Siraulo siya, baka talagang sumugod si mommy dito at hanapin ako sa clinic. Wala akong alam na ipaliwanag sa kaniya, hindi naman totoo ang sinabi ni Eiya. Ang sakit niya sa ilong!
Pinatay ko na lang ang cellphone ko at tumitig sa lalaking nasa harap ko ngayon, ayos lang ba 'to? Baka naman nanghihingalo na siya ah. Hindi naman siguro, lagnat lang naman 'yon. Humikab ako at tinignan ang orasan. Pwede pa namang matulog, dalawang oras pa bago umpisahan ang last class namin.
Kakatitig ko sa kaniya, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Bumigat ang mga talukap ng mata ko.
Pakigising na lang ako mamaya, Chadley.
———————————————
ELIJAH'S POV
Kanina pa 'ko naiinis dito. I really want to see who Zycheia is texting now. Earlier she was looking at her cellphone and she was even laughing. Kinakagat niya pa ang balat niya sa daliri.
Pinapatay ba talaga ako ng babaeng ito?
She ignored me because she was sulking because I didn't get on our date yesterday. I didn't mean to because an emergency happened. I want to approach her and pick up her cellphone, I'll just read their text conversation.
Sana lang hindi lalaki ang kausap niya, ngayon pa lang ako nagkaganito at ayaw kong masayang ang lahat ng ginawa ko dahil lang sa isang text. I know she can't stand me either, I'll just talk to her later, she's mine, she can't be with others.
———————————————
HEIRA'S POV
"Hey, Heira. Wake up! It's already time."
Nalingat ako dahil sa pagyugyog sa balikat ko. Alam kong si Chadley 'yon dahil mainit ang mga palad niya. Gising na pala siya, kung ayaw niyang matulog, magpatulog siya. Kakapikit ko pa lang e.
"Hmm... Five minutes." Sagot ko at siniksik ang ulo ko sa mga braso ko. Mas masarap pa palang pag-ulunan ang mga braso kaysa sa normal na unan. Mas komportable.
"Anong five minutes pinagsasabi mo r'yan! Gumising ka na oy! Ako ang pasyente rito, hindi ikaw!"
"Matulog ka na lang ulit. 'Wag kang maingay." Sabi ko habang nakapikit, nilagay ko pa ang daliri ko sa labi ko. Bahala na sila kung magets niya ang gusto kong sabihin.
"No. I don't want to. I want to see and watch you while sleeping."
Hula ko, nakangisi ang gagong 'to. Sa tono ng pananalita niya, halatang natatawa. E ano naman ngayon kuny may laway ako ngayon, hindi naman sila mapapatakan. Tumawa lang siya hanggang gusto niya. Tumawa lang siya hanggang sa maihi siya sa pants niya. Gagong 'to, siya na nga lang ang binantayan.
"Manahimik ka... baka nagdedrilyo ka nananaman." Paos na sabi ko.
"You want to stay here for a while?"
Ang dami namang tanong ng lalaking 'to, sabing manahimik na lang muna siya e. Kung nakatulog na siya ng maayos, ako hindi pa. Ang lambot kaya ng dinudukmuna 'ko.
"Hmm..." Sabi ko bilang oo.
"It's 6:00 P.M. Kung gusto mong maiwan diyan, sige lang, basta ako aalis na 'ko."
6:00 pa lang pala— whaaaat? 6:00 P.M na? Oh, no! Patay!
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 151
Comenzar desde el principio
