Knock out amputa.

"What happened to him?" Tanong ni Dr. Chet.

"May lagnat po siya kaya ganiyan ang lagay niya, ayaw niya nga pong magpadala rito. Pinilit ko lang." Paliwanag ko habang nakapamewang pang nakatayo.

Marahas kong pinalis ang mga takas na buhok sa mukha ko. Pinaghirapan ko pa namang ayusin ang buhok ko sa unang pagkakataon tapos guguluhin niya lang. Hindi ko na lang uulitin 'to, sayang ang effort.

"Doc, 39.5°C po ang temperature niya." Sabi ni Nurse Alice.

"Uminom na ba siya ng gamot, Ms. Sylvia?"

"Bakit niyo po ako kilala?"

"Suki ka namin dito. They always bring you here when something bad happens to you."

Napapahiyang kinamot ko ang batok ko at ngumiti. "Gano'n po ba, pasensya na po hehehe."

"Nurse, get him a warm water he needs to warm up." Utos ni Dr. Chet.

Sinunod naman 'yon ni Nurse Alice. Pinagtulungan namin ni Dr. Chet na ayusin si Chadley sa higaan niya. Parang nahiga lang ang isang lasing sa  pagkakahiga niya. Nakahulog ang dalawang paa niya sa sahig. Tanging katawan lang niya ang nasa kama niya, ang bigat pa naman niya, ang laki kasing tao.

Pasakit talaga!

"Ano po bang gagawin d'yan, doc?" Tanong ko at umupo sa isang upuan sa gilid ng kama ni Chadley.

"Well... Has a fever that lasts longer than three days. He needs to rest and drink plenty of fluids. Medication isn't needed. Dapat na mailabas ang init ng katawan niya kaya naman pupunasan siya ni Nurse Alice."

"Ah... hindi na po siya iinom ng gamot?"

"Iinom siya para mas mapabilis ang paggaling niya."

"Ano po ba 'yun? Ako na lang po ang magbibigay sa kaniya."

Sumenyas siya na maghintay ako. Tumango na lang ako at pinanood siya sa paghahanap ng gamot na ibibigay dito sa galing ng boxing ring, knock out e. Kaya ayaw ko rito sa clinic, amoy gamot. Parang hospital din.

Ang sakit pa naman ng amoy sa ilong. Isabay mo pa 'yung mahinang aircon pero malamig pa rin. Pati loob ng ilong ko nilalamig. Pinagkikiskisan ko na lang ang mga kamay ko para maibsan ang lamig.

"In the case of a high fever, or a low fever that's causing discomfort, his doctor or me as his doctor recommend an over-the-counter medication, such as acetaminophen (Tylenol, others) or ibuprofen (Advil, Motrin IB, others)."

"Okay po." 'Yon na lang ang naisagot ko dahil hindi ko naman alam ang mga pinagsasasabi niya. Doc, wala naman po akong alam sa mga ganiyan, basta na lang po ako umiinom ng gamot, tapos na po no'n.

Tumango lang siya. Si Nurse Alice naman ay pinupunasan na si Chadley. Iniiwas ko ang paningin ko dahil sa tinaas niya ang damit ni Chadley, naka t-shirt lang kasi siya. Hindi ba naiilang ang mga nurse sa ganitong gawain? Ako na ang nahihiya sa mga nakikita ng mata ko.

Oh, my! My innocent eyes.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko, kaysa naman makita ko ang katawan ni Chadley. Hindi ako sanay na makakita ng abs. Ribs kasi ang mga nakikita ko kay Kio. Tinext ko na lang si Eiya, tutal nagring na rin naman ang bell, hindi na 'ko aabot sa 3rd class namin.

To: Eiya Mabunganga
Message: Nasa clinic ako, hindi muna ako papasok, baka mamaya na lang.

Mga isang minuto lang ay nagreply na siya. Wala ba siya sa klase, kung nasa room man siya, hindi ba siya pinagbabawalan ng teacher namin ngayon? Nakaexpose pa naman ang pwesto niya kaya naman bawat galaw niya ay nakikita namin.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora