"Ikaw ang dahilan kung bakit ako napaalis sa library, tsh! Istorbo ka!"

"Hindi ko na kasalanan 'yun, kung pumayag ka sa gusto ko, edi sana hindi na tayo nagsigawan do'n."

"Bakit mo ba 'ko pinuntahan do'n? Ano, para guluhin ako para hindi ako makatulog?"

"Teka lang ha, lilinawin ko, hindi kita pinuntahan do'n, nakita lang kitang natutulog kaya naman nilapitan kita!"

"Gano'n na rin 'yon, crush mo ba 'ko ha?!"

"King ina..." Bulong ko na lang. "Ang kapal ng mukha mo!"

"It's not makapal, it's gwapo."

"Hangin mo, gago!"

Nagconyo pa talaga, ano siya? Anak ng isang sosyaling babae kaya naman tagalog-english ang sinasabi niya. Nagkagat labi pa siya at ngumisi. Nginiwian ko lang siya, hindi ata niya alam na hindi na 'ko halos makahinga dahil sa bigat niya.

"Pwede bang maglakad ka ng maayos, 'wag kang magpabigat!" Reklamo ko. Ang laki mo kasing tao, bwisit!

"Ikaw naman ang nagpumilit na buhatin ako kaya naman magdusa ka r'yan!"

"Gusto mo bang ibagsak na lang kita rito? Ang dali mo lang namang itulak dahil parang lantang gulay ka na."

"Psh, can you do that to a handsome man like me?"

"Man ka lang pero hindi ka handsome!"

"So, did you really approach me when I was sleeping?"

"Oo, kaya 'wag ka ng madada r'yan, buti nga naramdaman ko na mainit ka e!"

"Damn! I thought I was just dreaming!"

"Baka nga nananaginip ka kanina, kung anong pinagsasasabi mo e." Sabi ko, niyakap mo pa nga ako, para kang gago. Kung hindi ka lang talaga nagdederilyo kanina baka inihulog na kita sa upuan

"Mahal na mahal na mahal pa rin kita, Heira..."

"Mahal na mahal na mahal pa rin kita, Heira..."

"Mahal na mahal na mahal pa rin kita, Heira..."

Pinaalis ko sa utak ko 'yung mga sinabi niya sa 'kin kanina sa library. Umiling na lang ako. Hallucinations lang lahat ng 'yon, sabi nga niya, akala niya raw nananaginip siya. Baka dahil narinig niya ang boses ko kanina akala niya ako ang napapanaginipan niya.

"What? Ano ba ang sinabi ko kanina? May sinabi ba 'ko? You said I'm sleeping nung nilapitan mo 'ko."

"Oo nga, nagsasalita ka nga habang tulog. Maglakad ka ng maayos, baka kaladkarin kita!" Pagbabanta ko, nilagay niya ata lahat ng timbang niy sa likod ko e.

Inaalalayan ko lang naman siya pero nag-enjoy na siya kaya naman nagpabigat siya, hindi na nga niya nihahakbang ang mga paa niya. Sampalin ko kaya 'to ng side-by-side baka magising siya?

"Okay, okay. Nanghihina kasi ako kaya nahihirapan akong gumalaw." Paos na sabi niya sa 'kin.

"'Yon na nga e. Nanghihina ka dahil may sakit ka tapos ayaw mong magpasama sa clinic. Gusto mo ba talagang mamatay ha?"

"Of course not. Gusto ko pang mabuhay ng mas mahaba, papakasalan pa kita!" Sabi niya tsaka niya ako kinindatan.

"Baliw!" Sagot ko na lang at iniiwas ang tingin ko sa kaniya.

Pumasok kami ng clinic. Buti na lang at wala kaming mga nadaanan na mga estudyante dahil nga lunch break. Kung marami man ang mga nakaharang sa daan, baka mas mukha pa 'kong may sakit kapag nagkataon. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama ng clinic. Nagulat na lang ako dahil tulog na siya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now