"Don't shout. Baka palabas tayo ng wala sa oras. I'm just taking a nap. I want to rest."
Ang tigas ng ulo ng gagong 'to. Siya na nga lang ang tinutulungan, siya pa ang choosy. Napakamot na lang ako sa ulo ko ng marahas. Kanina pa 'ko kamot ng kamot, wala naman akong kuto, sadyang na-fu-frustrate ako sa mga hudlong na 'to.
"Sa clinic ka magpahinga. Baka kung anong mangyari pa sayo, cargo de consencia kita!"
"No. Leave me alone. Hindi mo kailangang mag-aalal, kaya ko ang sarili ko. If you don't want to leave, sit and read. Kunwari wala kang katabi."
"Ang tigas talaga ng tuktok mo 'no?" Inis na sabi ko at kinaltukan siya.
"Aray naman! It's hurts, bakit ba napaka-amazona mong babae ka?"
"Oo, amazona talaga ako. Kung hindi ka tatayo, ipapakita ko sayo ang pagiging amazona 2.0 ko!"
"Ano bang hindi mo naiintindihan sa 'I want to rest.' You know that I am sick but you keep shouting at me and now, you're hurting me. Tch."
"Pasensya naman, nilalagnat ka e. Ayos ka lang ba rito? Ang lamig dito sa library e."
"Yes. Definitely, yes. I am peacefully resting here and then you came and making some chitchats. Why don't you— aaah! My head hurts." Sabi niya tsaka niya hinawakan ang sentido niya, napaupo tuloy ulit ako ng wala sa oras.
"Bwisit ka, namumutla ka. Baka mamatay ka na lang bigla rito. Tara na." Hinawakan ko ang palapulsuan niya at nilagay sa balikat ko pero tinanggal niya rin kaagad 'yon.
"I said, I'm okay. Mawawala rin 'tong sakit ko."
"Psh, sa tingin mo mawawala 'yan ng hindi ka umiinom ng gamot, nang nandito ka sa malamig na lugar na 'to?"
"And why do you care?"
Natigilan ako. Bakit nga ba ako nag-alala at nangingialam alam sa kaniya? Paki ko ba kung mamatay siya ngayon dahil sa panghihina? Ako lang naman 'tong nagpumilit na gisingin siya.
"Oo! May pakialam ako, kasi nga... kaklase kita. Nagmamagandang loob lang ako."
"I don't need your kindness."
"Edi hindi, ang hirap mong kausapin, 'no? Akala mo ba madali lang 'tong ginawa ko?! Hoy for you infor—!"
"For your information, this is a library not your house. Kung gusto niyong mag-away, sa labas kayo, huwag dito. You bother others!"
Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Lumapit na tuloy sa 'min si Miss Minchin este si Ms. Librarian. Nakapamewang siya sa harap namin at may hawak pa siyang stick. Nakasalamin pa namin. Wala sa sariling tumingala kami sa kaniya. Umuusok tuloy ang ilong niya.
"I'm sorry, miss." Sabi ni Chadley.
"Pasensya na po, aalis na po KAMI. Pupunta pa po kasi KAMI ng clinic." Pagdidiin ko, 'yung tipong makukuha ng katabi ko.
"Go out!"
"Miss, just want to rest here—!"
"I said get out! If you're fighting, don't do it here, Go out at doon kayo magsigawang dalawa!"
"Okay na po, miss. Aalis na po kami." Sabi ko at hinila si Chadely. Nagpabigat pa ang puta. Para akong mauutot dahil sa bigat niya. Wala akong choice kundi ang sipain ang paa niya at pwersahang ilagay ang kamay niya sa balikat ko.
"Sa'n mo ba 'ko dadalhin? Pagkatapos mo 'kong guluhin sa library, kikidnappin mo 'ko?"
"Tumahimik ka! Ang tigas ng mukha mo para pag-isipan ako ng ganiyan, hindi ka naman kakidnap-kidnap."
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 151
Magsimula sa umpisa
