"Bakit?" Tanong ni Aiden habang pinapagpag ang pants niya, kakatayo niya lang.
"'Yung video!"
May nakita raw siyang post sa facebook tungkol sa nangyari sa canteen. Pinakita niya kagabi sa 'min 'yon, siguro kapag pinakita ko rin sa iba 'yon, maniniwala na sila.
"What the... don't tell us you even videotaped while you were doing that?"
"Paranoid ka ba, Elijah? Hindi nga namin ginawa 'yon, bakit naman kami magvivideo ng gano'n? Siraulo ka ba?"
Kadiri naman ang mga inisip ng mga 'to. Kinuha naman ni Aiden ang cellphone niya, hinintay namin siya hanggang mahanap ang video. Inilapag niya 'yon sa lamesa. Pinindot ko naman ang play button, bahala na sila kung papanoorin nila 'yon o hindi.
Pagkaclick ko nung video, biglang may umungol na babae. King ina, uminit bigla ang dugo ko. King ina, anong video ang pinapakita niya? Napatingin silang lahat, ultimong sina Hanna at Kenji ay dumungaw.
Kaagad ko namang tinakpan ang mata ng batang hapon, si Alzhane, tinakpan ang mga mata ni Hanna. Ang babata pa nila para makapanood ng gano'n, siraulo talagang gago 'tong si Aiden.
"Gago! Hindi 'yan si Heira." Sigaw ni Xavier tsaka niya binatukan si Aiden.
"Ay puta, mali ang napindot ko.
"Bobo! Bakit may R18 ka r'yan?" Sabi naman ni Trina.
Nagmadali naman si Aiden na kuhanin ang cellphone niya at tinigil ang video. King inang 'to, mero'n pala siya nung gano'n. Todo dungaw naman 'yung iba. Hindi ba sila nahihiya sa mga gano'n? Susme.
"Siraulo ka, sabi ko sayo ipapanood mo 'yung video na nakita mo sa facebook."
"Oo na, eto na."
"May porn ang puta." Natatawang sabi ni Jharylle.
"Gustong-gusto mo naman!" Gitil ni Trina.
"Syempre, lalaki rin naman ako."
Muli siyang nagpakita ng video. Siguraduhin niya lang na matino na 'yon dahil baka mabasag ko lang ang cellphone niya. Pagkapindot ko, ro'n nila nakita ang pagbabangayan namin dalawang Zoenrox. Nakagilid ang kumukuha ng video kaya naman kitang-kita na kami 'yon.
"What the hell? Are you blind?!"
Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang sigaw na 'yon mula sa nakabungguan ko. Para lang sa juice... nagalit siya. Magkano ba 'yong juice niya? Bili na lang siya ng bago, mura lang naman 'yon.
"Don't you know how much I wear this dress?"
"Hindi po kayo nakadress... nakauniform po kayo." Utal kong sagot. Hindi ko alam kung tama ba ang naisagot ko dahil mas sumalubong pa ang kilay niya.
"Well, my uniform is much... expensive than yours!"
Ngumiti ako ng pilit. "Kahit na po, atleast parehas pa rin naman ang design."
"I don't care! You bump on me!"
"Luh, parehas lang naman po tayo."
"No! It's your fault!"
Nilapitan ako ni Aiden sa parteng 'yon at hinawakan niya ang siko ko. Prenteng nanonood 'tong mga hudlong, sana lang... sana! Maniwala na kayo sa 'kin, hindi naman ako mukhang nagsisinungaling!
"Zoe," Tawag niya, Zoe pala ang pangalan niya.
"What?!" Inis na sabi niya tsaka siya tumawa ng sarcastic. "We met again.. Samuel."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 150
Start from the beginning
