Sinara ko ang gate at dere-deretsong lumapit sa may hagdan. Nasa sala na silang tatlo, patay na ang ilaw. Mukhang mag-mo-movie marathon sila. Hindi ko naman hilig 'yon, mas gusto ko pang matulog na lang.
"Heira." Tawag ni mommy pero hindi ko siya nilingon..
"Yakiesha." Tawag naman ni Kio at hinawakan ako sa palapulsuan pero marahas kong tinanggal 'yon at nagmadaling umakyat.
Narinig ko pa ang pagsigaw ni daddy. "Sylvia!" Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko o ano, ano bang nangyayari sa pamilya ko, ngayon, binuo pa nila ang pangalan ko.
Heira Yakiesha Sylvia.
Humiga ako sa kama ko. Nilock ko ang pinto kahit na hindi ko naman gawain 'yon, ayaw ko lang talaga muna ng kausap ngayon. Masyado pang mabigat ang loob, kailangan kong paganin 'yon... na ako lang at hindi kailangan ang tulong ng iba.
Alam ko, alam ko na masyado akong mababaw para kakamin pa ang sama ng loob na 'to. Dapat ayos na dahil napaintindi ko na sa kanila ang totoong nangyari. Dapat okay na dahil tapos na, hindi na sila galit sa 'kin. Pero bakit gano'n? Bakit sa tuwing naiisip ko na... 'palagi na lang bang ganito?' 'Palagi na lang bang ako ang magpapakababa para sa ibang ayaw naman maniwala sa 'kin?'
Natawa ako ng sarkastiko. Wala naman akong choice kung hindi ang tanggapin ang nangyari, nangyayari at ang mga mangyayari pa sa susunod na mga araw. Kung hindi ko man tatanggpin, anong mapapala ko? Masasaktan lang ako araw-araw. Mapapagod lang ako kakaisip.
Palagi nila akong nakikita na matapang... malakas ako. Pero hindi nila alam na may hindi rin ako kayang gawin. Mayroon din akong kahinaan, 'yon ay ang hindi nila pagtitiwala sa 'kin.
Hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako. Nakatulugan ko na ang pag-iisip at pagmumuni-muni. Sana bukas, maayos na ang lahat. Sana bukas wala ng problema. Sana bukas, maging masaya naman kami ng tuloy-tuloy, 'yung walang magiging badnews.
-
Nagising ako dahil sa nararamdaman kong init sa may paa ko. Hindi ko pala naisara ang kurtina kagabi kaya naman ang init ng araw ay dumadampi ngayon sa balat ko sa mga paa ko. Napatingin ako sa relo. Alas syete pa lang pero mainit na.
Tumayo ako at nag-ayos. Wala akong ganang kumain ngayon ng almusal kasabay sila kaya naman nagbaon na lang ako ng sandamakdak na biscuits at chocolates, nagdala lang naman ako ng tsokolate dahil pinangako ko 'yon kay Asher. Okay na 'ko sa biscuits ngayon.
Bumaba ako at nakita ko sina mommy at daddy na nagbabasa ng dyaryo sa may dinning area. Nasa sala naman si Kio, mukhang hinihintay niya 'ko. Akmang lalampasan ko na sila ng magsalita silang tatlo.
"Good morning, 'nak." Sabi ni daddy na para bang walang nangyaring sigawan kagabi.
Ha! Naalala ko nananaman 'yon. Get over, Heira. Tapos na 'yon. E ano naman kung first time ka sigawan ng daddy mo? Ayos lang 'yon, normal lang 'yon.
"Morning po." Simpleng sabi ko at humakbang na.
"Hindi ka kakain, 'nak?" Tanong naman ni mommy, umiling ako at sumagot sa kaniya ng hindi man lang siya tinitignan.
"Hindi na po, sa room na lang po ako kakain."
"Kung hindi ka kakain, let's go, Yakiesha, malapit na tayong malate."
"Hindi ako sasabay sayo, Kio." Malamig kong sabi at tuluyan ng lumabas.
Kung kausapin nila ako, parang hindi nila ako pinagbintangan at inakusahan kagabi ah. Parang hindi nila ako sinabihan na..
"Nangyari na sa inyo ni Aiden 'yon tapos ayaw mong mapagkasal?! Anong klaseng babae ka?"
"Tumahimik ka na, Heira Yakiesha!"
BẠN ĐANG ĐỌC
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 149
Bắt đầu từ đầu
