"Hep, tama na 'yan, let's eat na." Sabat ni mommy. "Kumain ka na ba, hijo?"

"Hindi pa nga po e. Kakagising ko lang po kaninang tumawag si Heira."

Ah, kaya pala parang paos siya kanina, nagising ata ng pag-iyak ko ang diwa niya. Ang bilis niyang nakarating dito. Baka tumakbo o kaya naman nagtricycle. Buti na lang at madali siyang kausap kaya naman hindi ko na siya kailangan pang pilitin.

"Sige, hijo. Dito ka na lang kumain. Pasensya ka na talaga sa abala ha," sabi ni mommy bago bumaling sa magaling kong kapatid na ngayon ay nananahimik sa isang tabi, ano... guilty ka ngayon 'no?

"...'Nak, anong sasabihin mo? Kasalanan mo ito e. Mali-mali ang mga binabalita mo sa 'min."

"Tsh, mom. I know... I know that I am wrong."

"Then, say sorry, not just to Heira but also to Aid... what is your name again?"

"Aiden, ma'am."

"Don't call me, ma'am. You're not my employee, just call me Tita or Auntie, it's up to you."

Susme, pacute pa talaga si mommy. Palibhasa gwapo 'tong katabi ko e. Siraulo nga lang talaga.

"Okay, Tita."

"Let's eat."

Kumain na lang sila. Hindi ako kumibo dahil masama pa rin ang loob ko sa kanila. Biruin niyo 'yon, sarili nila akong anak pero pakiramdam ko wala silang tiwala sa 'kin. Hindi man lang nila ako pinakinggan kanina sa mga paliwanag ko. Sinigawan pa nila ako.

Hindi ko alam kung masasaktan ba 'ko o magagalit. Dahil sa mata nila, parang hindi ko kayang gawin ang mga inaasahan nila. Akala ko, sa simpleng paliwanagan matatapos ang lahat. Pero hindi, hindi nila ako binigyan ng kahit na katiting na tsansa na sabihin ang side ko.

Ang sakit lang na mismong pamilya ko... konti lang ang binibigay na tiwala sa isang gaya ko. Isang gaya ko na basagulera, pilosopo, sarkastika, at pasaway. Alam ko naman na piniproteksyunan lang naman ako. Pero laging pumapasok sa utak ko, wala ba silang tiwala sa 'kin na hindi ko sila sasawayin.

Nang matapos kaming kumain, hinatid ko na si Aiden palabas. Wala naman silang napag-usapan na masyado. Tungkol 'yon sa mga personal na detalye ng buhay ni Aiden. Gaya nung kung saan sila nag-aaral, sabi ko na nga na kaklase ko siya tapos tatanungin pa nila kung saan siya nag-aaral. Hindi naman siguro sila puyat.

Minsan tumatawa sila pero hindi na lang ako sumasabay. Tinutok ko ang buong atensyon ko sa pagkain. Buti pa si Kio, nakikisali sa kanila. Ako, wala akong gana. Wala akong gana makipag-usap muna sa kanila. Nag-offer pa si daddy na ihahatid daw niya si Aiden kaso kaagad na tumanggi si Aiden.

"Sige na, ingat ka!" Sabi ko sa kaniya habang nasa harap kami ng gate ngayon.

"Oo, pakisabi kina tita, salamat sa pagkain." Tugon niya.

"Mag-iingat ka, gago, umuwi ka na kaagad, baka kung ano pang mangyari sayo, hindi kakayanin ng konsensya ko."

"Naks naman, bestfriend. Masyadong maalalalahanin."

Tumawa naman ako. "Gunggong, hindi kita bestfriend, si Eiya lang ang bestfriend ko." Pagbibiro ko.

"Aray naman." Pagdadrama niya. "Mauuna na 'ko, good night!"

"Hmm, sige, good night din."

Kumaway lang siya at pumara ng mga dumadaan na taxi. Buti na lang at may dumaan pa ritong masasakyan, kung nagkataong wala, ihahatid na lang namin siya sa may sakayan. Medyo malayo pa naman ang bahay niya. Hinintay ko muna siyang makalayo, nang mawala na siya sa paningin ko, saka ako pumasok ng bahay.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now