"I don't need your juice. Juice your face. Don't mess up with me." Gigil na sigaw niya at dinuro-duro ang mukha ko, pumikit na lang ako at kinuyom ang kamao ko.

Kapag hindi ako nakapagpigil, baka masapak ko ang angelic face niya. Sayang naman ang kinis ng mukha niya kung gagasgasan ko. Kaya kahit na naiinis na 'ko sa mga sinasabi niya, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kaya pa 'to. Narinig ko ang bulungan ng iba.

"Shocks, the trash is messing up with the queen."

"Wala talaga siyang pakialam sa mga kinakalaban niya 'no?"

"The hell is she. Akala niya kung sino siya."

"Bagay nga siya sa Twenty-third Section, mga puno ng basura. Pati ugali."

"Hindi na 'ko magtataka kung siya ang next target ng iba."

Target? May gulo nananaman ba 'kong pinasukan? Para lang sa juice, sa damit at sa dignidad niya... gaganti siya? Hindi ko naman sinasadya ang nangyari ah. Isa lang ang alam ko, gulo nananaman 'to. Hindi ko na alam kung kaya ko pa na lumabas sa pinasukan ko.

"You! You'll pay for this." Pagbabanta niya bago siya lumabas ng canteen, malakas niya pang binuggo ang braso ko kaya naman muntikan pa 'kong matumba buti na lang at naalalayan kaagad ako ni Aiden.

Pinikit ko ng mariin ang mata ko, sa akin ngayon ang atensiyon ng buong canteen. Kung ano-anong pinagbubulunguan nila. Mga bubuyog talaga. Bwisit. Kinuha ko na lang ang tray at tumakbo papunta sa may side cashier para ibalik ang mga 'yon. Lumayo-layo kayo sa 'kin, 'wag niyo 'kong pag-usapan, baka mahampas ko sa inyo ang mga dala ko.

"Kilala mo 'yon?" Tanong ko kay Aiden habang naglalakad kami pabalik ng tambayan.

"Yeah."

"Sino 'yon?"

"Zoe."

"Kilala ka niya?"

"Oo."

"Bwisit ka. Isang tanong, isang sagot ka talaga 'no?"

"Yep."

"Huh!" Binatukan ko siya dahil sa sobrang inis ko.

"Aray ko naman!"

"King ina mo kasi."

"Inaano nananaman kita?"

"Wala! Tara na nga." Pinitik ko muna ang noo niya bago ako tumakbo papalayo. Wala na, sira na ang araw ko.

"Ang tagal niyo naman." Bungad sa 'min ni Trina.

"Nagbalik lang naman kayo ng tray, bakit parang nadaganan kayo?" Tanong naman ni Eiya

"Tsaka bakit parang basa 'yang damit mo? You should change your clothes, you might get sick." Sabi naman ni Alzhane.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa 'min ni Aiden... tsaka nung babaeng ewan ko kung anong pangalan. Zoe ata. Pinaglihi sa Zoenrox.

"May nangyari sa 'min ni Aiden..." Pabulong kong sabi bago ako umupo sa pwesto ko... sa tabi ng gagong hudlong na kulapo na ngayon ay parang galit ang mukha. Napa'no nananaman 'to?

"Whaaaat?!" Halos mabingi ako dahil sa lakas ng boses ni Trina.

"What the fuck?" Naibuga ni Vance ang iniinom niya.

"Is that... true?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alzhane.

"Oo..." Si Aiden ang sumagot habang nakangisi pa.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now