Narinig ko ang hinaing ng mga hudlong. Si Hanna, nagpuppy eyes pa habang kumukurap-kurap pa. Napangiwi na lang ako, dahil sa libre, shemay, nagkakagulo kami. Gago naman kasi si Kenji, sabing 'wag niyang sasabihin 'yon e.
"Okay, fine. I'll treat you all. I gotcha!" Kinindatan kami ni Alzhane. Dumating na rin naman ang teacher kaya naman bumalik na kami sa mga pwesto namin.
-END OF FLASHBACK-
L
umabas ako ng room nang nakangiti, makakatipid nananaman ako ngayong araw. Sayang din ang 200 pesos para sa lunch namin. Atleast, may pambili ako ng ibang pagkain mamayang uwian. Lumapit ako sa iba na parang inip na inip na naghihintay sa labas ng room.
Inaantok pa nga 'yung iba. Ano 'yan, mga puyat lang 'te? Si Alzhane, gumagamit ng cellphone habang kinakagat-kagat ang daliri. Sina Vance at Trina, malamang nag-aaway na, aso't pusa ang mga 'yan e.
"Tara na. Gutom na 'ko." Anyaya ko at nagpaunang naglakad.
"Luh, 'te. Pinaghintay mo kami tapos hindi mo kami hihintayin? Ang unfair talaga ng mundo!" Reklamo ni Trina.
Narinig ko naman ang pagsunod ng iba. Muntik pa 'kong matumba ng akbayan ako bigla ni Kenji, nayuko pa 'ko dahil sa mas matangkad ako sa kaniya.
"Ano ba, Ji. Ang bigat kaya ng kamay mo!" Reklamo ko at hinampas ang braso niya.
"Success 'yung operation natin. Free lunch, here we go!"
Dumeretso kami sa tambayan. Sina Vance, Xavier at Alzhane na lang daw ang bibili ng pagkain para hindi kami masyadong marami sa canteen. Sabi namin, bahala na sila sa mga bibilhin nila. Nando'n na rin pala 'yung ibang mga hudlong.
Bakit ba nakalimutan ko na kasabay nga pala namin silang kumain. Alam naman nila ang mga pwesto nila. Naiilang pa nga akong tumabi kay Kayden, mukhang wala sa mood dahil salubong na salubong ang kilay niya.
"Ehem." I cleared my throat. "Pwedeng makitabi" Sarcastic na sabi ko.
Pinagtaasan niya'ko ng isang kilay tsaka nag-iwas ng tingin. Sabi ko na nga ba e. Wala siya ngayon sa hulog. Baka naman hindi nakapag-almusal kaya siya ganiyan, parang ako lang. Umupo na lang ako bago niya pa 'ko tignan ng masama.
Walang nagsalita sa 'ming dalawa. Parehas kaming nakatingin sa kawalan. Gaya-gaya ako kaya naman kung saan siya nakatingin ay do'n ko rin hinarap ang mga mata ko. Malay ko ba kung may tinitignan siya sa may mga puno.
'Wag naman sanang maligno.
"Anong ganap niyo?" Narinig kong tanong ni Maurence pero walang nagsalita sa 'ming dalawa. "Wala siguro sa ayos ang mga turnilyo niyong dalawa." Sinamaan namin siya ng tingin, kaagad naman niyang sinuko ang dalawa niyang mga kamay.
"Hayaan mo na, Mau. Baka gutom na kaya nananahimik sila." Boses 'yon ni Alexis. Ako, oo, gutom naman talaga ako, ewan ko lang dito sa katabi ko.
"Malay mo, nagbobonding sila sa mga isip nila kaya hindi sila nagkakatinginan. Alis na nga tayo, nakakaistorbo kayo sa kanila." Sabi naman ni Timber. Parang mawawala ata ang mga ngiti ko nito dahil sa mga pesteng hudlong na 'to ah.
Kalma, Heira. Takas sa mga kural ang mga 'yan kaya sila ganiyan.
"Do you have a lover's quarrel?"
"Elijah!" Nagulat pa kami ni Kayden ng sabihin namin 'yon.
"We're not lovers."
"Hindi kami lovers."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 146
Start from the beginning
