"Hindi lang halata." Pambabara ko sa kaniya.

Binelatan niya muna ako bago bumaling kay Alzhane. "Nasa'n na ang premyo ko?"

"I'll pay you na lang. U-uh... you can say me the price then I'll give it to you." Ngumiti si Alzhane sa kaniya tsaka niya ginulo ang buhok ni Kenji.

Lumapit naman sa 'kin ang batang hapon at bumulong. Nag-uusap naman 'yung iba tungkol sa mga projects na dapat naming gawin ngayong quarter na 'to. May mga quarterly projects kasi kaming ginagawa.

"Yakie, ano kayang pwedeng sabihin sa kaniya? Nahihiya ako."

"Mero'n ka pala no'n?"

"Oo, 'wag kang maingay, nakatago kasi."

"Ikaw naman ang nagtirintas sa kaniya, bakit hindi ikaw na lang ang magsabi? Dinadamay mo pa 'ko sa problema mo."

"Pa'no kung sabihin kong isang milyon ang gusto ko, bibigyan kaya ako no'n?"

"Asa, baka hindi ka na bigyan no'n kahit piso." Natatawang sabi ko tsaka nag-isip ng pwedeng isagot. Bente pesos na lang kaya? O kaya naman kahit inumin na lang, magpalibre na lang siya ng fishball sa may kanto. Pero... ting!

"...Ji, sabihin mo ilibre na lang tayo ng lunch natin." Pagbibiro ko. Syempre hindi naman kami kasali sa bayad ni Kenji, parang whole package. Kung marunong lang ako, edi sana ako na lang ang nagtirintas.

"Oo nga, Yakie. Para naman hindi na mabutas ang bulsa mo."

"He! Biro lang, gago. Ikaw na lang mag-isip ng gusto mo, tutal marami ka namang choices."

"Hehehe! Sige."

Naghiwalay din kami at sumali sa usapan nung iba. Ano kayang hihilingin ng batang hapon na 'to? Baka naman gawing Ginnie si Alzhane sa mga hihilingin niya. Mababatukan ko na lang talaga siya.

"It's almost time na, what's your decision?" Tanong ni Alzhane habang nakatingin sa relo niya. Dudugo ang mga braincells ko sa kaniya.

"Uhm.." Umakto pa si Kenji na nag-iisip, nasa baba niya ang isang kamay niya at nakatingala. Psh, alam ko namang umaarte lang siya. "Ilibre mo na lang kami ni Yakie ng lunch hehehe."

"Hoy! Bakit kayo lang? Isama mo naman kami." Angal kaagad ni Vance.

"Si Yakie ipapalibre tapos kami hindi, may favouritism ata tayo rito." Sabi naman ni Eiya habang iniikot-ikot dulo ng buhok niya.

Syempre hindi papahuli si Trina, siya pa ba? Hindi papahuli ang bunganga niya. Maganda naman siya, mabait, mataray, at palaban pero mabunganga nga lang. Kailan kaya siya matututong manahimik?

"Hep! Hep! Hep! Dapat kami rin! Hindi pwedeng siya lang. Kenji, kaibigan mo kami, syempre dapat kung anong mero'n ang isa, mero'n din 'yung iba!"

"Alzhane, ilibre mo na lang kaming lahat." Sabi ni Kenji at inakbayan si Alzhane, siraulo! "Biro lang hehehe, kami na lang ni Yakie, hayaan mo na lang sila," aniya tsaka bumaling sa iba. "Ang papangit niyo!"

"Mas pangit ka!"

"Duh! Ang ganda ko kaya."

"Ang kapal ng face mong sabihin sa 'min 'yan!"

"Ayahaaay! 'Dre, ang pangit mo raw."

"Lul mo!"

"Ako pangit? Sabi mo sa 'kin dati na maganda pa 'ko sa sikat ng araw."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now