Hindi ba nangangawit ang mga panga niyo?

"Hay, nandito pala si fafa Elijah." Si Elijah naman ngayon ang ginulo ni Trina, 'tong babae talaga na 'to.

"Marunong ka pala niyan? Can you do that to me, too?"

"No." Sagot kaagad ni Elijah kay Alzhane.

"Ay, badtrip ata si daddy Eli. Si Eiya lang talaga ang pinapakitaan niya ng mabuti."

"Tama ka, Ji. Hay, pag-ibig nga talaga."

"Shut up!" Inis na sabi ni Eiya.

EE ampota. Elijah Eiya.

"Psh, babayaran ko naman e. I just want that hairstyle."

"Magkano ang bayad?" Tanong ni Kenji.

"I don't know, it's up to him."

"Ako na lang ang maninirintas sa'yo. Come here." Tinapik pa ni Kenji ang bangko na nasa gilid niya.

Nalaglag ang panga naming lahat dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano. Puro kalokohan lang naman 'tong hapon na 'to, baka gutgutin niya lang ang buhok ni Alzhane, or worst baka makalbo pa siya. Susme, 'wag naman sana.

Umakto pa siyang parang professional barber. Kunwari may hawak na gunting, pinasadan pa niya ng kamay ang buhok niya at nagkagat labi. Napangiwi ako, anong trip ng batang hapon na 'to? Magpapapogi na lang hanggang mamaya?

"Ayusin mo, Kenji. I trust you."

"Ofcourse, me pa. Trust-trust babeh!"

Binato ko nga siya ng papel. King inang bata 'to. Kung ano-anong salita ang lumalabas sa bibig. Pasmado ata ang bunganga niya e. Narinig ko pa ang tawanan nung dalawa este apat abnoy. Parang may double meaning kasi ang sinabi ni Kenji. Si Hanna, naman nagtataka kung bakit sila tumatawa.

Mga aning.

Para kaming mga shunga na nanonood sa ginagawa ni Kenji.
Seryosong seryoso ang hapon, parang kapag naayos niya ay may premyo siyang isang milyon. Napapangiwi naman si Alzhane minsan pero nawawala rin 'yon at ngumingiti.

Knowing, Alzhane. Mabait siya masyado, parang lahat ng tao ay pinagkakatiwalaan niya. Palagi mong nakikitang tumatawa o kaya naman nakangiti. Minsan tahimik at walang imik. Hindi mo man lang siya makikitang magalit sa iba.

Minsan naiinis siya pero pabirong inis lang 'yon. Napipika siya minsan s mga kasama namin pero hindi niya ginagantihan. Masyado siyang mabait kaya naman nakakatakot siyang saktan, para siyang isang mahal na babasagin na vase.

Tapos na rin si Elijah sa ginagawa niya. Tapos na si Mr. Serious.
Hindi pa nga makapaniwala 'yung dalawang ewan dahil sa sobrang pulido ng pagkakapusod ni Elijah kay Eiya. Parang barbie hair ngayon ang buhok ni Eiya, bagay nga sa kaniya. Si Elijah naman, pwede ng ipasok sa mga parlor, pwede naman siguro siyang ipasok do'n kahit na tagatirintas lang ng buhok.

"Ayan! Tapos na!" Pagmamayabang ni Kenji.

Ay, ano ba 'yan, lalaki ba talaga ang dalawang 'to? Ang galing mag-ayos ng buhok ah. Hindi mo aakalaing lalaki ang gumawa no'n. Wala ni kahit na isang takas na hibla ng buhok. Edi kayo na ang magaling mag-ayos. Char. Marunong din naman ako.

"Thank you, Kenji! It's beautiful. Hindi mo sinabi sa 'min na you know how to braid hair."

"Ako pa. Ako si Kenji, marami akong alam gawin."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now