Hanggang ngayon ay hindi niya 'ko kinikibo. Kinimkim ata ang lahat ng sama ng loob na mero'n siya dahil sa nangyari. Kawawa naman, hindi na niya makikita ulit si Tiana, malayo pa naman ang eskwelahang pinapasukan niya. Palagi tuloy masama ang tingin sa 'kin ni Kio.
Hindi naman ako natatakot sa kaniya. As long as nasa bahay sina mommy at daddy, hindi niya 'ko makakatay este makakaaway, syempre mapapagalitan siya... kami pala. Bawal kaming mag-away, ayaw na ayaw ni mommy 'yon. Baka palayasin na lang daw niya kami. Hahaha.
"Hoy, bakit kanina ka pa nakangiti r'yan?" Tanong ni Trina kaya naman napatapos ang pagmumuni-muni ko. Pati sa isip ko pinagtitripan ko si Kio. Ang sama kong kapatid.
"Have you found the man of your dreams kaya ganiyan ka makangiti?" Tanong naman ni Alzhane. Parang ngayon ko na lang ulit narinig ang boses ng babaitang ito ah.
"Pinagsasasabi niyo r'yan?" Natatawang tanong ko, parang mga reporters kung makapagtanong.
"Uh... you're smiling like a crazy. Tell me, do you have your one true love?"
"Alam mo, Alzhane. Hindi ako naniniwala sa mga gano'n, bakit naman ako maghahanap no'n?"
"I just thought lang naman."
Shemay, bumalik ang dating Alzhane. Dating Alzhane na ang hirap kausapin dahil magkahalong tagalog at english ang ginagamit na salita. Can I just gamit that language, seems maganda namang gamitin 'yon. Ay. Ayan, nahawa na tuloy ako.
"May nagawa lang akong kalokohan." Sabi ko at pumasok. "Tabi."
Sa tabi ni Eiya ako umupo. Nakakatakot kasing pumwesto sa tabi ni Kio. Baka bigla niya na lang akong dakdakin ng ballpen habang nangkaklase kami. Nakakatakot na. Joke. Ayaw ko lang talagang tumabi, baka talaga mas mainis sa 'kin ang kapatid ko.
"Luh, ginagawa mo rito? 'Di mo 'to pwesto, uy!" Angal kaagad ni Eiya na ngayon ay tinitirintas ang buhok niya. Sana lahat marunong.
"Bakit? Sayo ba 'tong upuan na 'to?"
"Hindi. Pero ako ang katabi ng pwesto na 'yan. Go back to your proper place."
Bahagya ko siyang sinabunutan. "Don't make english-english kapag pinapaalis mo 'ko. My braincells are bleeding."
"Gago! Ayan, wala na, nagulo na. Hinayupak ka!"
"Aray! Punyemas ka, bitaw!" Natatawang sabi ko, bigla niya na lang kasing hinila ang buhok ko tapos pinaghahampas niya 'ko.
"Sinira mo ang masterpiece ko! Kanina ko pa 'yon ginagawa, Isha! Ang sama-sama mo!"
"Bibitawan mo 'ko o sasapakin kita?" Banta ko kaagad naman siyang napabitaw. Kahit hindi niya 'ko bitawan, hindi ko naman siya sasapakin. Hindi naman ako gano'n kasamang kaibigan para manakit.
"Ikaw kasi ih! Tignan mo, ang hirap kayang gawin no'n!" Naiiyak na sabi niya.
Tinawanan ko lang siya. Para siyang aswang ngayon dahil sa pagkagulo ng buhok niya. Nagmukha pa namang kulot 'yon dahil sa pagkakatirintas niya. Hayaan mo na, mawawala rin 'yan kapag naligo ka.
"Elijah!" Tawag ko at sumenyas pa. Nagtataka naman siyang tumingin sa 'kin, isang upuan lang naman ang layo namin. One seat apart. Space lang pala 'yon dahil abot ko ang upuan niya.
"What?" Pinagtaasan niya 'ko ng kilay.
"Tirintasin mo nga 'to. Umiiyak na e, hindi ako marunong."
"Who?"
"Zycheia."
Ang bilis naman ng lalaking 'to. Basta pangalan ni Zycheia ang pinag-uusapan palaging active. Bigla na lang siyang tumayo at lumapit sa tabi ko. Yumuko siya at pinunasan ang luha sa mga pisngi ni Eiya gamit ang hinlalaki niya. Dapat pala hindi ko na lang siya tinawag.
Susme!
Nandito ako sa harap niyo, este gilid niyo oh. Pitikin ko kayo ng sanrio e. Tumunganga na lang ako sa kawalan pero sa gilid ng mata ko, nakikita ko na sinusuklayan na ni Elijah si Eiya. Pa'no naman nakapunta sa likod 'yon ng mabilisan? Nagteleport ba siya? Hindi ko man lang napansin na dumaan sa harapan ko.
"Bakit mo pa siya tinawag?" Bulong sa 'kin ni Eiya.
"Syempre, malay mo naman marunong siyang magtirintas. Baka umatungal ka pa r'yan kung hindi magiging maayos ang buhok mo." Tugon ko.
"Psh, pwede namang suklayin mo na lang ako. Inistorbo mo pa 'yung tao."
"Sinong gusto mong tawagin ko, si Trina? Gusto mo bang sabunatan ka no'n? Alam mo naman 'yon."
"‘Wag mong sabihing ayaw mo ng ginagawa ni Elijah? Pwede ko naman siyang paupuin na lang ulit."
"No, hehehe. Ayos na 'to. Sabi mo nga, hindi ka marunong."
Tama. Bilib nga ako sa lalaking pinaglihi sa sama ng loob na 'to e. Biruin mo, kalalaking tao, marunong magtirintas ng buhok. Bibihira ang marunong no'n. Endangered species, gano'n.
"Hep! Hep! Hep! I heard my name. Anong pinagchichismisan niyo, share niyo naman sa 'kin!" Speaking of Trina, heto na siya, umaandar nananaman ang bunganga niyang.
Kasunod niya 'yung tatlo, sina Hanna, Alzhane at Shikainah. Together with Vance at Xavier. Mga asungot 'yung dalawang lalaki na 'yon e. Walang sariling mundo. Laging nanggugulo.
Pero kahit gano'n... nakakita ako ng totoong kaibigan sa katauhan nila.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Ficção AdolescentePaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 145
Começar do início
