Bahagya siyang umusog kaya naman nasa harap na talaga siya ni Tiana, kapantay na siya gano'n. Kanina kasi nakatagilid siya at nakasandal sa pader habang nakacross arm. Dahil nga natatakpan niya ng katawan niya ang mukha ni Tiana, pumunta ako sa gilid ng likod niya para makita ko ang reakyon ng dalaga. Namumula, nahihiya at parang kinakabahan bahang nakatingala.

"Tiana Alaysha Ponciano, 19 years old." Simpleng sagot ng babae. Teka, Ponciano siya? Sino ba ang kilala kong Ponciano ang apelido?

Hays! Hindi talaga ako maaalalahanin sa mga pangalan. Hindi ako nakakasaulo ng mga mapangalan nila. Mabuti na 'yung itsura, okay pa.

"Nice meeting you."

"Nice meeting you, too."

Ayun, nagshake hands sila na para bang mag-business partners. Ting! Ayan na, gumagana na ang utak ko. Nagkakangitian silang dalawa kamay naman bahagya kong itinulak si Kio, kaso hindi niya inaasahan 'yon kaya naman kaagad siyang natumba... diretso sa ibabaw ni Tiana. Bwahahaha!

Tumakbo ako kaagad sa kinauupuan ko kanina at hindi tumingin sa kanilang dalawa. Patay malisya mode on. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagmamadali ni Kio na tumayo. Lumapit siya sa 'kin at kaagad akong kinaltukan... malakas na kaltok ang inabot ko. Wrong move.

"Aray ko naman! Inaano kita, ha?!" Inis kunwaring sabi ko.

"You! Bakit mo 'ko tinulak, ha?!"

"Ano? Ako? Tinulak ka? Ang layo ko kaya sayo 'no!"

"Don't you dare to lie, Yakiesha!"

"Ano ha, nakita mo ba 'ko kanina na tinulak kita? Makapagbintang ka naman d'yan!"

"Eh, sino namang gagawa no'n, alangang si Rolen?"

"Hala, hindi po ako 'yon! Ano po bang nangyari? Hindi ko po nakita e."

Gusto mo bang ulitin ko para makita mo? Bwahahaha. Char lang, baka katayin ako ng buhay ng taong nasa harapan ko ngayon. Masakit ang ginawa niyang pagkakakaltok ah. Pero sulit naman, atleast nahihiya na siya ngayon kay Tiana. Hahaha. Dami kong tawa, mga bente.

"Nothing." Bumaling sa 'kin ang magaling kong kapatid. "Why did you pushed me?"

"Luh, hindi nga kita tinulak."

"Alam kong ikaw 'yon."

"Bakit? May proweba ka ba?"

"Tsh! Ikaw lang naman ang magaling gumawa ng kalokohan."

"Makapangbintang naman 'to."

"Hey... ayos lang naman. Huwag na kayong mag-away." Pumagitna na sa 'min si Tiana na may malakamatis na mukha dahil sa pamumula niya.

"...Baka aksidente lang ang nangyari. Kalimutan na lang natin."

Ah... kawawa naman si Kio. Kalimutan na lang daw. Wala na, basag na ang mahiwagang puso ni Kio. Hindi na mabubuo kahit kailanman. Char.

Binigyan ako ng makahulugang tingin ni Kio. Para bang sinasabi ng mga mata niya 'magtutuos tayo mamaya, yari ka sa 'kin.' Nagpeace sign lang ako tsaka ko siya binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Manood na lang tayo ng T.V habang hinihintay natin sina nanay."

Mabuti pa nga... Galing ko talaga!

-END OF FLASHBACK-

B

awat oras tuloy na makita ko si Kio ay tinatawanan ko siya. Para akong nauulol habang humahagalpak ng tawa. Muntik niya pa nga akong masapak e, buti na lang nakatakbo ako kaagad. Kawawa naman ang maganda kong mukha. Ayaw kong magasgasan 'to 'no, sa basagan nga ng bungo ayaw kong nadadaplisan ang mukha ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora