Tumango siya. "Uhm.. 1st year college."

"Ang galing naman, akala ko kasi senior high school student ka rin gaya namin."

Tumawa naman siya ng bahagya. Mala-anghel pala siya kung tumawa. Ang hinhin. "Yung kapatid ko ang nasa senior high."

"'Yung lalaki?" Tanong ko, 'yon lang kasi ang alam ko tungkol sa kapatid niya, hindi ko alam kung anong pangalan niya at wala naman akong balak na alamin pa 'yon.

"Oo, grade 11 siya."

"Gano'n din kami." Sagot ni Kio.

Buti na lang at hindi sumasabat 'tong batang kasama namin. Naglalaro lang siya at parang walang pakialam sa 'ming mga nasa paligid niya. Mas mabuti na 'yon, kaysa naman magdaldal pa siya, baka kung anong sabihin nananaman niya. Future girlfriend niya nga raw ako. Hahaha.

Bata talaga...

"You're a grade 11 student?"

"Yes."

"How come? Mukha... mukha kang college student." Pabulong na tugon ni Tiana.

Hindi na 'ko sumali pa. Moment nila 'yan. Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Gusto ba niyang sabihin, mukha nang matanda si Kio sa paningin niya? Hahaha. Badshot naman talaga. Akala ko naman pasado na ang mukha ni Kio. Mukha kasing palaka.

"No. I am just looked matured."

"Oo nga, parang hindi lang ako makapaniwala." Bumaling siya sa 'kin. "Kuya mo siya?"

Minsan, hindi ko alam kung nakikinig ba ang mga tao sa mga sinasabi ko o ano. Kakasabi ko lang kanina na pareho kaming grade 11. Malamang parehas din kami ng edad. Hindi ba halata na parang kambal kami? Este kambal naman pala talaga kami.

"Hindi. He's my twin brother." Tamo, napapasabak na 'ko sa englishan nilang dalawa. Kaya ayaw ko nang ganito e.

"Ah... kaya pala magkamukha kayo pero mas mukha kang bata."

Nakita ko ang pagkaasim ng mukha ni Kio. Bahagya ko siyang ngisian. Hahaha. Mukha raw akong bata. Talagang mukha nang matanda si Kio sa paningin ng gusto... este sa paningin ni Tiana. Lolo Kio for the win.

"Gano'n ba? Hindi naman siguro." Mukha na nga raw akong losyang, paninindigan ko na.

"Yes. You are. Parang kasing-edad mo lang 'yung kapatid ko."

Napatingin ako sa litrato sa isang gilid. Batang babae at lalaki, nakatagilid silang pareho, 'yung babae ay hinahalikan niya sa pisngi 'yung batang lalaki na parang pinilit lang magpapicture dahil sa sama ng mukha. Hindi man lang nakangiti.

"Oo. Sa 'ming dalawa, siya ang pinagkakalamang kuya dahil palaging seryoso ang mukha niya."

Parang may kahawig 'yung lalaki na 'yon. Napailing ako. Baka guni-guni ko nananaman 'yon. Ayaw ko nang mag-isip 'no. Baka magulo pa ang mga braincells ko. Kakaayos pa lang ng mga 'yun.

"I see. Ikaw ang nagbabantay kay Rolen kapag wala si Aling Soling?"

"Oo, kaming dalawa ni nanay. Madalas kasing wala rito si Timtim."

Ah, Timtim pala ang pangalan nung kapatid niya. May naisip naman akong kalokohan. Hahaha. It's time to shine.

"Kio, bakit hindi ka magpakilala sa kaniya, 'yung maganda dapat." Tinawanan ko lang siya ng samaan niya 'ko ng tingin.

"Oo nga po, Kuya Kio. Kahit ako po ay hindi ko alam ang buong pangalan niyo." Very good ka r'yan, Rolen. Sa wakas, maganda ang nasabi mo.

He cleared his throat. "I am Akio Fynn Montebello. Twin brother of Heira Yakiesha Sylvia, 18... I mean, 17 years of age." Inilahad niya ang kamay niya sa babae.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now