Para-paraan ka, Kio... May pang-asar nananaman ako sa'yo niyan. Bwahahaha!

"Ah... sige t-tara na." 'Yon na lang ang nasabi ni Tiana tsaka marahang hinila si Kio.

Napangiwi naman ako habang sumusunod sa kanila. HHWGUS sila ah. Holding hands while going upstairs. Itong kapatid ko, parang walang nangyari. Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya. Shemay, lalaking 'to. Harot mo, Fynn.

Nang lumingon sa 'kin si Tiana ay naglabas siya ng tipid na ngiti. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Baka nahiya na talaga dahil sa ginagawa nilang dalawa. Nagthumbs up lang ako bilang pag-sang-ayon. Baka siya na ang magiging daan para magbago ang kapatid kong kumag.

Sana hindi na siya maging masungit at suplado dahil mukha siyang kangaroo. Mas napangiwi ako ng hawakan ni Rolen ang kamay ko. Ang payat ng kamay niya, hindi man lang ata nangalahati sa kamay ko. Ngiting tagumpay pa siya.

"Anong ginagawa mo niyan?" Tanong ko at sinisway ang mga kamay naming dalawa. Mahina lang 'yon, mahirap na, baka biglang mahila si Rolen... sumama sa hangin.

"Tignan mo po sina Ate Tiana at Kuya Kio, naghahawakan ng kamay. Dapat tayo rin po."

"Eh?" Tumabingi pa ang ulo ko. Wala talagang alam 'to kahit kailan.

"Hehehe, hayaan mo ang mga 'yan, may sariling mga mundo sila." Bulong ko.

"Baka sila na po talaga ang magkakatuluyan, hindi na iiyak si Ate Tiana kapag gabi." Panlalaglag niya.

Galing ng batang 'to, binuking talaga ang ate niya. Sana lang ay hindi nila kami narinig dahil baka sumama ang timpla niya. Tapos sumabay pa ang pagiging masungit ni Kio. Baka lumubog na lang ang katawan ko dahil sa takot.

Huminto sila sa isang pinto. Nag-aalangang tumingin ulit si Tiana sa 'min. Baka nahihiya talaga siyang ipakita sa 'min ang kwarto niya. Wala namang kaso sa 'kin 'yon. 'Yung kwarto ko nga parang hindi kwarto. Parang bodega. Ngumiti ako ng matamis at tumango.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at hinayaan kaming pumasok. Halos malaglag ang panga ko dahil sa ganda ng pagkakaayos ng kwarto niya. Kahoy lang ang sahig, dingding at bintana pero napaganda niya 'yon. Mas maganda pa 'to kaysa sa kwarto namin ni Kio.

May isang maliit na puting drawer sa tabi ng kama niya. May maliit na lampshade at mga pictures ang nakalagay do'n. Simpleng pink and white ang kama niya kaya naman kitang-kita ang pagiging malinis no'n. May mga pictures din na nakasabit sa puting dingding, may maliit na lamesa na may halaman sa gitna. May T.V at electric fan din.

Simple pero mukhang elegante. Wala man lang akong maamoy na kahit na anong alikabok. 'Yung kurtina, kulay pink din. Pati na rin ang kumot at unan niya. Hindi na 'ko magtataka kung anong kulay ang paborito niya.

Umupo ako sa may upuan, malapit sa kama niya. Siya naman ay umupo sa gilid ng kama, si Kio nanatiling nakatayo, katabi ko si Rolen. Ayaw ata talaga akong tantanan ng batang 'to.

"Ayos lang ba kayo rito? Gusto niyo bang ikuha ko kayo ng kape, juice, gatas—!"

"No. It's okay." Pagpuputol ni Kio sa sinasabi ni Tiana.

Ako, gusto ko. Sayang naman, sumasagot kaagad. Gusto ko pa naman ng soft drinks. Pero sige, para maka-good shot ka, mananahimik muna ako kahit saglit lang. Mabait naman akong kapatid.

"U-uh... anong gusto niyong gawin o k-kaya pag-usapan?" Hindi siya makatingin sa 'min, basta na lang siyang nakatungo.

"Ikaw bahala." Sagot ko.

"Where did you study?"

"I am studying at Halia Buenvia College."

"College ka na?" Hindi kasi halata sa kaniya, parang high school pa lang siya kagaya namin.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now