-
"Ate Heira. Gising na po, nandito na po tayo." Narinig ko ang boses ni Rolen habang inaalog ang balikat ko.
Iminulat ko naman ang mata ko. Kinapa ko muna kung mero'n akong muta sa mata. Wala naman kaya naman sumunod ako sa pagbaba ng kotse. Umaga na pala, maliwanag na.
Halos mapanganga ako dahil sa ganda ng tanawin. Nasa parang burol kami na may iilang puno, may berdeng mga maliliit na damo tapos asul na asul ang kalangitan. Ang lamig ng hangin pero presko. Iilan lang ang tao ngayon dito. Mga nasa limang pamilya lang ata kaming nandito sa malawak na damuhan na 'to.
Kapag nakatayo ka ay tanaw na tanaw mo ang syudad. Parang ang tahimik ng city pero ang totoo, kapag malapit ka na ro'n ay halos mabingi ka na sa mga busina ng sasakyan at boses ng mga nagchichismisan.
Naglatag sina mommy at Aling Soling nang sapin na pwede naming upuan. Si daddy naman ay may hawak na camera, pinipicturan ang tanawin. Si Kio naman at Rolen, ayun naghahabulan na. Ang saya makita na kumpleto kaming lahat.
"Mommy, tulungan ko na po kayo." Prisinta ko at umupo na.
Tig-isa kami ng basket. Sari-saring pagkain ang laman no'n. Mero'ng mga ulam, tinapay, chitchirya, juice, kanin, at marami pang iba. Kaya siguro hindi sila kaagad na natulog dahil nagluluto pa sila. Hay, kailan ba 'ko matututong magluto? Puro kain lang alam ko.
Atleast marunong akong kumain. Pwede na 'yon.
"Mag-almusal na muna tayo!" Tawag ni mommy sa iba.
Lumapit naman 'yung tatlo sa 'min. Si daddy, pinicturan pa kami, susme! Hindi pa ready ang mukha ko. Ano kayang itsura ko ro'n? Mukha ba 'kong natatae o inaantok?
"Let's pray muna." Ani mommy, siya ang naglead no'n. Nakapikit kami habang taimtim na nagdarasal.
"Let's eat!" Sigaw namin pagkatapos no'n.
Kaniya-kaniya kami ng kuha. Nag-away pa nga kami ni Kio at Rolen dahil sa isang hita ng manok. Agawan kami. Nasita tuloy kami, ang ending, si daddy ang kumain no'n. Sige, dad, tanggap ka namin.
"Ang sarap! Nay, gusto ko pa po." Sabi ni Rolen.
Nagpahinga lang muna kami saglit pagkatapos naming kumain. Alangang magtatakbo kami sa damuhan kahit kakatapos lang naming kumain, edi sumakit ang tyan namin.
"Group picture!" Ani Kio.
Binaligtad niya ang camera niya, kahit na naiilang kami ay ngumiti na lang kaming lahat. Syempre hindi mawawala 'yung wackie. Bidang-bida si Rolen sa picture.
Napangiti na lang ako. Mas maganda pa palang panoorin ang isang buo at masayang pamilya kaysa sa magandang tanawin. They are my treasures. Walang kahit na ano o sino man ang hihigit sa kanila.
Sa araw na 'to, naramdaman ko ulit na kumpleto ang pamilya ko. Buo ang sarili ko. Buo ang pagkatao ko. Buo ang sarili ko. Buo ako. Buo ang araw ko... dahil kasama ko ang buong pamilya ko.
Kailan ko ba huling naramdaman ang ganitong saya? Sayang hindi makukuha sa iba. Saya na sa pamilya mo lang makukuha at mararamdaman talaga? Masaya ako dahil muli kong naramdaman 'yon sa haba ng panahon na nakalipas.
Siguro nga masyado lang akong madrama. Pero anong magagawa ko? Hindi ko na mapigilang maging emosyonal dahil alam ko, pagtapos nito ay baka hindi na maulit ang sitwasyon na 'to. Kung mauulit man, baka matatagalan pa.
"Ate! Taya-tayaan tayo!"
Hinila niya 'ko patayo. Bastos 'tong batang 'to. Nag-dadrama ako rito e tapos bigla na lang manghihila. Taya-tayaan? Ano 'yon?
"Sige, basta kasama si Kuya Kio ah!"
Alangang ako lang ang mapagod dito. Syempre dapat sila rin. Ano, magpapakasarap lang dito si Kio? 'Di ako papayag!
"What? That will not gonna happen."
"Arte mo! Taya ka, Kio!" Tinapik ko ang braso niya at tumakbo kaming pareho ni Rolen.
Inis naman siyang sumunod sa 'min, nagpaawa effect kasi sa kaniya si Rolen kaya hindi na niya matanggihan. Lalambot din kasi, ang dami pang cheche buretche.
Tumakbo lang kami, malayong malayo kay Kio. Mahaba ang mga biyas niya kaya hindi imposibleng mahabol niya kaagad kami kung malapit lang siya sa 'min.
"Rolen takbo!" Natatawang sigaw ko ng makita ko si Kio na papunta sa direksyon niya. Tumakbo naman siya at nagtago sa likod ng puno.
Tatawa-tawa kaming tumakbo. Takbo rito, takbo roon. Taya rito, taya roon. Wala kaming ibang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa habang nag-aasaran. Ngayon lang naman 'to, sulitin na natin.
Ang daya ni Kio, ang galing niyang magpawego-wego, naiiwasan niya kaagad ang mga kamay namin. Sa huli, kami pa rin ang taya, dalawang beses ang ata siyang nanghabol. Bwisit.
Hinayaan ko muna silang dalawa ro'n, umupo muna ako sa tabi ni mommy na ngayon ay hawa ang camera ni daddy. Ngumiti na lang ako ng tinutok niya 'yon sa mukha ko.
Nang tignan niya 'yon ay lumambot ang mukha niya. Para bang natouch pa dahil sa ginawa. Tumingin siya sa 'kin at maluha-luhang nagsalita. Luh, nasilaw ata sa kagandahan ko. Joke.
"Ang ganda mo rito! Ah... hindi pa 'ko handang makita kang magpakasal sa susunod na taon!"
"Haaaa?!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 142
Start from the beginning
