"Sino ka raw. Ano raw ang pangalan mo."
Tumango naman siya at tinignan si Kio. "Ako po si Rolen. Destiny po ni Ate Heira."
Nagshake hands pa silang dalawa. Destiny? Sa'ng lupalop ng mundo niya naman galing ang salitang 'yon? Kebata-bata ang daming alam tungkol sa pag-ibig. Mag-aral ka muna, boy.
"Destiny?" Takang tanong ni Kio, pinandilatan ko na lang siya para makisakay sa trip nitong batang 'to. "Ah... destiny, sige. Kung 'yan ang gusto mo. Gusto mo bang ipakasal na kita bukas sa kaniya?"
"Hoy! Kio! You want sapak? 360° sapak?!"
"Talaga po?!"
"Hahaha! Biro lang, baka hindi ka siputin ng bride mo."
Bwisit na 'to!
Napatingin kami sa may hagdan ng tumunog 'yon, isang babaeng maganda, maputi, makinis at parang may kamukha. Siya ata ang anak ni Tiya Solana na sinasabi niya.
"Ay... may bisita po pala kayo, pasensya na po." Sabi niya, nakapanjamas siya at malaking damit.
Akmang aakyat na ulit siya nang tawagin siya ni Rolen.
"Ate Tiana! Ito po 'yung sinasabi ko na liligawan ko kapag malaki na 'ko!" Hinila niya siya papalapit sa 'min.
"Hi..." Utal na sabi niya.
"Magandang umaga." Basta 'yon na lang ang nasabi ko.
Napalingon ako kay Kio na ngayon ay nakanganga at hindi gumagalaw. Para siyang napahinto. Psh, napa'no naman 'tong kumag na 'to? Nanalakki ang mga mata niya na para bang nakakita ng isang dyosa, syempre hindi ako 'yon. Nalove at first sight ata siya kay Tiana ba 'yon.
"Maganda umaga rin..." Nag-alalangan pa siyang sumagot.
"Ate, ang ganda niya 'no? Pero mas maganda 'yung si Ate Zycheia!"
Ang galing naman niya. 'Yung nag-compliment siya pero hindi mo alam kung mapapangiti ka ba o maiinsulto dahil sa dinugtong niya. Mukha namang mabait at mahinhin 'yung babae.
"Oo, tama ka r'yan."
Bahagya kong kinurot si Kio, pa'no ba naman para siyang na-stunned. Iwan na lang kaya namin siya rito?
"Yung bunganga mo, isara mo. Papasukan 'yan ng langaw." Sabi ko sa kaniya.
Kaagad naman siyang napalingon sa 'kin. Oh, ano? Bumalik ka sa reyalidad 'no? Sa reyalidad na hindi ka na niya gusto. Char lang. Wala naman siyang nagugustuhan... dati. Ewan ko na lang ngayon.
"I'm Kio." Luh, bakit nauutal 'tong mokong na 'to? Inilahad niya pa ang kamay niya.
"I'm Tiana." Naiilang na sabi nung babae. Kahit naman ako maiilang kung ganito ang titig sa 'kin ni Kio. Titig mandurugas. Nagshake hands din sila... ng matagal.
Parang ayaw binatawan ni Kio ang kamay nung babae e. Pinaglilipat-lipat ko ang paningin ko sa kanilang dalawa. Wow naman, eyes to eyes ang ginawa. Inagaw ni daddy ang atensiyon kaya naman napabitaw silang pareho.
"Sige na, mauuna na kami. Salamat, pasensya na sa abala."
"Sige po, sir. Mag-iingat po kayo."
Ilang pagpapaalaman pa ang ginawa namin bago kami tuluyang umalis ng bahay nila. Sumakay kami ng kotse at nagbyahe na sa hindi ko alam na lugar.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Masyadong maaga ang paggising ko kaya imposibleng hindi ako makatulog. Ako pa, antukin kaya 'to.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 142
Start from the beginning
