"Nasa kwarto pa si Rolen. Ginugulo ang ate niya na ayusin daw ang buhok niya kasi raw darating ang crush niya." Lumingon sa 'kin ang babae, nginitian ko lang siya. Totoong ngiti 'yon 'no.

Gusto kong matawa sa panlalaglag ni Tita... kay Rolen. Sa bata niyang 'yun, marunong na pala siyang magkagusto. Kung nandito lang si Eiya, baka kiligin pa siya. Naalala ko ang sinabi niya sa 'min dati nung pumunta kami rito.

"Ate Heira, ang ganda niyo po, pwede po ba kitang ligawan?"

"Oo tama, hintayin niyo po akong lumaki ah... liligawan ko kayong pareho!"

Oh, 'diba. Kebata-bata, alam niyang sabihin 'yon. Edi kapag hinintay namin siyang lumaki matanda na kami? Kaya niya ba kaming hintayin hanggang bumata kami?

"Solana, pasensya na kung gumising pa kayo ng maaga para rito." Narinig kong sabi ni Aling Soling.

Oo tama. Solana nga pala ang pangalan niya. Auntie Solana pa nga ang tawag sa kaniya ni Eiya e.

"Heira, hija." Tawag sa 'kin ni Tiya Solana. Lumapit naman ako sa kaniya. "Natatandaan mo pa ba ako?"

"Oo naman po... Tiya Solana."

"Mabuti naman. Hindi mo ata kasama 'yong isa pang dilag."

"Hindi po e. Tulog mantika 'yun." Pagbibiro ko.

"Sayang nga at hindi niyo makikita 'yong isa ko pang anak. Mamaya pa kasi ang dating niya."

Naikwento nga niya sa 'min dati na may anak siyang lalaki na nag-aaral sa medyo malayong lugar. Tuwing weekends lang daw umuuwi, minsan ay hindi pa niya nagagawang magbyahe kapag marami siyang ginagawa. Sa bagay, medyo malayo nga 'tong bahay nila.

"Ihahatid naman po namin mamaya si Rolen. Baka makita namin siya."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming makita ang anak niya. Palagi namang nauudlot 'yon, 'yong isa nga niyang anak ay halos hindi namin mahagilap kahit nandito pa siya. Malay mo naman, maging magkaibigan kami.

"Ate Heira!" Ayan nananaman po ang nakakabinging tawag ni Rolen, akala mo naman ay ten years kaming hindi nagkita.

Patakbo siyang yumakap sa 'kin, yumuko naman ako para maabot niya 'ko. Ang bango naman nitong batang 'to. Binuhos ata lahat ng pabango niya. Pinaghandaan.

"Namiss ko po kayo, ate Ganda!" Sabi niya at humalik sa pisngi ko.

Hoy! Magnanakaw ng halik.

Hinayaan ko na lang, bata naman siya. Hintayin ko nga raw siyang lumaki e. Kailan kaya 'yun?

"Namiss din kita." Humiwalay ako sa yakap at bumaling kay Kio na ngayon ay nakatingin sa 'min habang nakangiti. Hindi ko alam kung ngiti ba 'yon o ngisi. Parang nasasaniban ampota.

"Sino po siya? Boyfriend niyo po?"

Nasamid na lang ako dahil sa sinabing 'yon ni Rolen. Biglang lumungkot ang mga mata niya. Si Kio naman tatawa-tawa. Sa pangalawang pagkakataon, pinagkamalan si Kio na boyfriend ko. Anak ng tupa... hindi ba nila nakikita na magkamukha kami?!

"Hindi. Alalay ko siya. 'Diba maid?" Pang-aasar ko.

"Ako? Maid? Alalay? Mas mukha ka pa ngang katulong sa 'ting dalawa."

Nginiwian ko siya. Nyeh nyeh nyeh! Epal!

"I'm her brother, and you are?"

"Hala, ate englishero pala siya. Anong sabi niya?" Bulong niya sa 'kin. Tumawa naman ako.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now