"Mom, dad, everything is settled. Let's go?"
Mukhang nagulat naman sila pareho kaya naman napaupo sila ng tuwid. Mabilis na pinahid ni mommy ang mga luha niya, yumuko pa siya para gawin 'yon. Ngumiti siya ng pilit sa 'min pagkatapos no'n. Umiiyak nga siya.
She cleared her throat. "Okay, let's go na. Baka tanghaliin pa tayo sa pupuntahan natin." Kahit na anong gawin niya, pumiyok pa rin siya.
Hindi na lang namin pinansin 'yon. "Let's go." Tumayo si daddy at inalalayan si mommy.
Nagpauna silang lumabas ng bahay, sumunod naman kami pero bago 'yon ay inilock muna namin ng maayos ang mga pinto, pati na rin ang mga bintana. Mabuti ng secured, kahit na subdivision 'to, nakakakaba pa rin kapag umaalis kami.
Sabay-sabay kaming sumakay ng kotse. Si Kio ang nagbukas ng gate, kung ako lang ang masusunod, iiwan ko na lang siya rito. Char. Baka umusok na lang bigla ang ilong no'n.
"Ituro mo sa 'kin ang bahay ninyo, Aling Soling. Nasabi mo na ba sa iyong anak na aalis tayo?" Panimula ni daddy habang nasa byahe kami.
Si Kio, katabi ko. Si mommy ay nasa shotgun seat. Magkahawak pa sila ng kamay ni daddy. Errrr! PDA uy! Sakit niyo sa mata. Mahiya naman kayo sa mga single. Joke lang. Sige, ipagpatuloy niyo lang 'yan. Ang mahalaga, buhay pa.
Itinuro ni Aling Soling ang bahay nila. Ako na lang sana ang magtuturo kung saan ang daan pero nakalimutan na ng utak ko dahil matagal na rin nung huli kaming pumunta ro'n. Basta ang alam ko lang ay 'yung itsura ng bahay nila. 'Yun lang.
Buong byahe ay nakatingin lang ako sa bintana. Madaling araw pa kaya naman hindi pa masyadong traffic. May nakikita akong mga manggagatas. Sobrang aga siguro nilang nagiging para lang makapagbenta. Ang sipag nila.
Nakasindi pa rin ang mga city lights. Ang ganda palang magbyahe ng ganitong oras 'no? Bukod sa hindi pa matao ang daan, maaliwalas pang tignan ang kapaligiran. Walang alikabok na lumilipad sa hangin, walang itim na usok na pumapasok sa ilong.
Nakikita ko na ang mga puno. Iilan na lang din ang mga bahay na dinadaanan namin kaya alam kong malapit na kami sa pupuntahan namin... yung bahay nina Rolen. Buti pa rito, buong araw na tahimik, payapa, parang walang kaguluhan. Walang problema ang mga tao.
Nang makarating kami ay kaagad akong bumama, kaming lahat pala. Nagparada lang saglit si daddy sa isang tabi bago namin sundan si Aling Soling patungo sa bahay nila. Nakabukas na ang ilaw ng bahay nila kaya sigurado akong gising na ang mga tao rito.
Kumatok lang siya saglit. Sina mommy at daddy, nasa harapan namin habang magkaakbayan. Susme! Hindi ba nangangawit ang likod ni mommy sa kamay ni daddy? Parang kailan lang nung mga panahon na ayaw niyang kausapin si daddy. Akala nga namin hiwalay na talaga sila. Fake news. Hindi pala totoo. Pabebe gorl lang si mommy. Hahahaha.
Sinalubong kami nung isang babae na nakita rin namin nung pumunta kami ni Eiya rito. Siya ata 'yung kapatid ni Aling Soling na nag-aalaga kay Rolen. Nakalimutan ko na ang pangalan niya pero may anak daw siyang babae at lalaki.
Ang galing talaga ng utak ko. 'Yung mga ikinuwento ay hindi ko nakalimutan pero 'yung mismong pangalan hindi ko na matandaan. Nice.
"Good morning po, ma'am, sir." Magalang na bati niya.
"You can call me Helen."
"Korbin na lang, tutal hindi naman kami ganoong kataas na tao para tawaging ma'am and sir." Pagbibiro ni daddy.
Sila lang naman ang natawa. Kami ni Kio? Parang hangin na nakatayo sa likod nila. Hindi ko man lang naramdaman ang joke ni daddy. Better luck next time, dad.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Ficção AdolescentePaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 142
Começar do início
