Nakipag-away pa nga sa 'kin si Kio dahil hindi ko pa nga raw nauubos ang mga chocolates na dala niya, mero'n nananaman ako. Kinuha niya pa 'yung iba, 'wag daw akong takaw mata. Hinayaan ko na lang siya, baka bawiin niya pa yung mga binigay niya sa 'kin.

Napagpasyahan na rin naming magpahinga pagkatapos no'n. Hindi pa nga raw nakakapagpahinga si daddy mula kanina pa. Iniwan na lang namin ang mga gamit niya sa sala, wala namang kukuha ro'n.

Ang pinagtatataka ko lang ay yung pagkakaayos nila ni mommy. Hindi naman sa ayaw kong magkaayos sila, pero ang bilis naman. Ang pagkakaalam ko ay naghiwalay na sila pero kasal pa rin sila sa papel. Tapos kanina parang walang nangyari.

Ang buong akala ko ay hindi sila magpapansinan tapos kami ni Kio ang gagawa ng paraan para magkaayos sila. Pero parang naudlot ata ang gusto naming mangyari, napaaga ang pag-aayos nila.

Huminga na lang ako sa kama habang inaalala 'yung nangyari kanina. Akala ko mga sa susunod na linggo o buwan pa lang siya darating base sa sinabi ni Kio, hindi ako makapaniwala na mas maaga pa pala sa inaasahan ko ang pagdating niya. Nakatulugan ko na lang ang pagmumuni-muni.

Mero'n nananaman lalantakan si Kenji nito. Ewan ko ba pero masaya ako kapag nahahatian ko siya... sila. Kahit na nauubusan na nila ako, hindi ako nagagalit. Naiinis lang.

-

May kumatok sa pintuan ko pero hindi ko na binuksan, kung gusto nilang pumasok ay makakapasok sila dahil hindi ko naman ugali ang maglock ng pinto.

Narinig ko ang pagbukas no'n, may mga yabag ng paa pa 'kong naririnig na papalapit sa 'kin. Yabag pa lang alam ko na, malamang ang kumag kong kapatid.

Kalagitnaan ng gabi nanggigising, kung aawayin lang niya 'ko, hindi ko na lang siya iimikin. Baka masapak ko na lang siya dahil palaging kulang ang tulog ko dahil sa kaniya.

"Gumising ka na r'yan."

Oh, tamo, kung makapag-utos wagas. Hindi man lang nahiya na natutulog ang tao. Kung makakatok sa pinto ay parang naniningil ng utang. Bumbay ka ba ha?!

"Hey! Gumising ka na! Bakit ba kasi ako pa ang inutusang gisingin ang isang makupad na gaya mo!"

Nanlait pa talaga. Pasensya na ha, hindi kasi ako nagiging ng maaga. Tsaka gabi pa lang, kakasara pa lang ng mga mata ko. Kung nananginip ka man, Kio, 'wag mo na 'kong idamay.

Bahagya niya pang sinipa ang paa ko. Akala mo naman madadala ako s

"Hoy, Yakiesha, wake up, maiiwan ka na."

Dahan-dahan kong binukasan ang mga mata ko dahil narinig ko ang boses ni Kio sa may malapit. Nananaginip ba 'ko? Kakatulog ko lang ah, anong oras na ba?

Napatingin ako sa labas. May siwang kasi ang bintana ko, medyo hindi nakasara ang bintana. Madilim pa, nakikita ko pa ang buwan pati na rin ang mga bitwin. Sabi na e! Gabi pa rin!

"A-anong oras na ba?" Namamaos na tanong ko at pinikit ulit ang mga mata ko.

Kahit na electric fan lang ang binuksan ko, pakiramdam ko ang lamig pa rin. Ang sarap matulog. Binalot ko ang katawan ko ng kumot, para akong lumpia nito. Lumpiang hindi ginisa.

"It's 4:30 a.m. Bumangon ka na r'yan dahil maaga ang byahe natin."

Pinaglihi ba 'tong kapatid ko na 'to sa alarm clock? Taga-gising ng mga tulog mantika? Mas maaga pa nga siyang nanggigising kaysa sa mga siniset ko na alarm e!

"4:30 na? Mamayang 4:40 a.m na lang." Hirit ko, wala namang pasok, bakit bawal matulog ng maaga? Talaga bang pinapahirapan niyo 'ko?

Tulog na tulog pa ang diwa ko, oh. Tapos manggigising ng alas kwarto y media ng madaling araw? Anong gagawin namin sa mga oras na 'yon? Kakalabanin ang malamig na hangin?

"Kung hindi ka babangon d'yan, sasabihin ko kina daddy na ayaw mong sumama sa pupuntahan namin."

Kaagad kong minulat ng maayos ang mga mata ko. Kahit na sumasara 'yon ay pinilit kong buksan. Kumurap-kurap pa 'ko para lang bumukas ng maayos 'yon. Ang sakit kaya sa mata kapag pinilit mong buksan.

Nang tuluyang bumukas ang mga malalaki kong mata, nakita ko kaagad ang mala-adonis este mala-palitong katawan ni Kio. Nakatayo siya sa may gilid ko habang nakacross arm, panay ang tingin sa relo. Ano, pati relo inuunahan mo na?

"Ge, baba ka na lang, h-hintayin niyo lang ako. M-mag-aayos lang ako saglit." Sabi ko at kinumpas ang kamay ko na para bang tinataboy na siya.

"Bilisan mo, ang bagal-bagal mo pa namang kumilos."

Talagang hindi niya nakalimutan ang litanya niya e 'no? Palaging dala. Kapag ako nakaisip ng pwedeng sabihin ng paulit-ulit sayo, bahala ka nang mainis. Nag-unat-unat muna ako para gisingin ang kaluluwa ko.

Tumayo ako at nag-ayos. Hindi na 'ko naligo, mamaya na lang, ang lamig kaya ng tubig, parang may yelo. Hindi naman siguro nila ako aamuyin. Naghilamos na lang ako at nagsepilyo. Inayos ko na rin ang buhok ko, nagpusod ako gamit ang binigay ni Lucas, sayang naman kung hindi ko gagamitin.

"Good morning po!" Bati ko pagkababa ko ng hagdan, nando'n silang lahat, pati na rin si Aling Soling.

"Hmm, good morning din." Sabi ni daddy at sumimsim sa kape niya, gano'n din si mommy.

Hindi naman gano'n kagara ang suot nila. Ayos na para sa pangpasyal, habang ako? Parang pang-bahay lang ang suot kong puting damit tsaka shorts na hanggang tuhod. Hindi naman kami mangingibang bansa para magpantalon pa.

"Sige na, idala niyo na sa kotse 'yung picnic basket. Medyo malayo ang pupuntahan natin." Ewan ko pero parang ang lungkot ng mga mata ngayon ni mommy.

"Tawagin niyo na lang kami kapag tapos na. Aalis na tayo after that."

Tumayo kami ni Kio at Aling Soling, iniwan namin silang pareho sa sala. Binitbit namin yung apat na picnic basket, mero'n pang tela. May bag din kaming dala. Ang aga-aga, pwede na pala na magpicnic ng ganitong oras?

Tulong-tulong naming binuhat at isinakay sa kotse ang mga dadalhin namin. Pagkatapos no'n ay ako na ang nagprisinta na tawagin sina mommy. Papasok na sana ako sa bahay pero nahinto ako sa labas ng marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Nasabi mo na ba sa kaniya?" Boses ni daddy.

"Hindi... hindi pa 'ko handa."

"Helen, honey, kailan ka pa magiging handa?"

"Hindi ko alam, Korbin. Basta hindi ngayon... natatakot pa ako."

"Natatakot? Saan naman? Karapatan niyang malaman ang totoo."

"Natatakot ako na baka kapag nalaman niya ang totoo ay iwan niya na tayo at bumalik siya sa totoo niyang pamilya."

Sino bang pinag-uusapan nila? Si Kio ba? Hindi ba nila alam na alam na ni Kio ang totoo?

"Sa tingin mo ba ay gagawin iyon ng anak mo? Alam mo naman na mapag-intindi siya. Hindi niya tayo iiwan dahil tayo ang nagpalaki sa kaniya."

"Paano ka nakakasiguro ha? Totoong pamilya niya 'yon, wala tayong laban sa kanila."

"They are just a real family but we are her recognized family, we're the ones she loves."

Her? She? S-sino ba talaga ang tinutukoy niyo?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن