Si Aling Soling, natulog na dahil pagod daw siya kanina dahil naglaba siya, binigay na nga ni daddy ang pasalubong niya. Hindi ko alam kung ano 'yon pero mukhang damit at bag 'yon. Nakabalot pa e.
Parang dumating lang si Sta. Claus sa 'min tapos namimigay siya ng regalo. Hindi naman pasko, baka nag drop-off
lang ng regalo, advance na para sa pasko. Hahaha. Nasisiraan na ata talaga ako.
"Kio, ano 'yung sa'yo?" Bulong ko sa kaniya dahil ang liit lang naman ng box na hawak niya, medyo lumaki lang sa lalagyan ng singsing.
"Susi."
"Ha?!"
"Susi ng motor. Hahahaha! May motor na 'ko, ikaw wala!" Pang-aasar niya.
"Hindi naman ako marunong gumamit no'n, bakit nila ako bibigyan ng gano'n?"
Bisekleta lang naman ang alam kong padyakin hindi motor. Baka kapag ginamit ko 'yon ay semplang lang ang aabutin ko. Wala nga kayong tiwala sa tuwing magpapaandar ako ng kotse, motor pa kaya? Gasgas lang ang aabutin ko ro'n.
Binuksan ko ang box na hawak ko, pahaba lang 'yon tapos kulay pula. Ayaw kong buksan dahil baka kutsilyo ang laman no'n, gano'n kasi ang mga mababasa ko sa mga libro. Minsan napapanood ko rin. Bakit naman ako bibigyan ng kutsilyo ni daddy? Pambalat ng prutas?
Dahan-dahan kong binuksan 'yon. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang isang gold na kwintas tapos mero'n siyang pendant na letter H na kumikinang. Nakakatakot naman suotin 'to, baka manakawan pa 'ko dahil sa kinang no'n.
"Oh, didn't you like my gift?"
"Gusto ko po, kaso po parang ayaw kong suotin 'to."
"Bakit naman, Heira? Regalo 'yan ng daddy mo—!"
"Baka ma-snatch lang sa may kanto." Pagpuputol ko sa sinasabi ni mommy.
Sayang naman 'to, ang ganda pa naman, ididisplay ko na lang kaysa mahablot pa ng iba. Galing ibang bansa 'to uy. Pwedeng isangla kapag nagkataon. Joke lang, baka patayin ako ni daddy.
"Hindi naman siguro, 'nak."
"Kapag may okasyon ko na lang po isusuot 'to, daddy! Para mas magkaro'n ng special value."
"Mas mabuti nga 'yon, akin na, tignan natin kung bagay sayo."
Tumayo si mommy at nagpunta sa likod ko. Kinuha niya ang pulang kahita at inilabas do'n ang kwintas. Ni hindi ko nga ata gustong hawakan 'yon, nakakatakot. Mas mahal pa ata 'to kaysa sa buhay ko e.
Dahan-dahan niyang inilagay sa may leeg ko 'yon, tulala lang ako habang hinihintay kong matapos si mommy sa ginagawa niya. Pakiramdam ko tuloy hindi bagay sa 'kin dahil pinagtatawanan ako ni Kio.
Sakalin kita r'yan e!
"Ayan! Done na! Ang ganda niyan 'nak!"
Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko, hindi ko pa naman nakikita ang sarili ko habang suot ko 'to. Baka naman binobola lang ako ni mommy. Tsaka kahit ako, aminado akong hindi ko bagay magsuot ng ganito. Susme! Hindi naman ako babae. Char.
"You're beautiful, Yakiesha." Sabi ni daddy.
"Sa'n banda, dad?"
"Epal ka talaga kahit kailan!" Binato ko si Kio ng unan na nasa tabi ko.
May kung ano-ano pang binigay si daddy sa 'min, syempre hindi mawawala ang chuckie at chocolates, alam niya namang 'yon lang ang magpapasaya sa mga alaga kong dragona.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Ficção AdolescentePaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 141
Começar do início
