Dahil byernes na ngayon, weekends na bukas kaya walang pasok. Wala namang masyadong nangyari ngayong linggo na 'to, pwera na lang yung nangyari sa pagitan namin nina Boss Ipis and his little ipis.

"Great! Gusto niyong mamasyal bu—!"

"Ofcourse."

"Oo naman po!"

"Yes, honey!"

Sabay-sabay naming sabi. Hindi naman kami halatang excited 'diba, hindi pa nga natatapos ang sinabi ni daddy ay kaagad na kaming sumagot. Si Aling Soling, hindi na nakisali sa kaguluhan namin.

"Okay, okay. You're excited huh? Sa'n niyo gustong pumunta?"

"Kahit saan na lang po."

"Anong kahit saan? Ang hina mo naman, dapat sinabi mo, Disney Land. 'Diba, dad?"

"Tse! Ang epal mo talaga. Ang layo nun, sa tingin mo makakapamasyal tayo ng dalawang araw do'n?"

"Oo nga 'no?"

"Ay, hindi."

"Tama na nga 'yan, ako na ang bahala sa inyo."

"Manang este Aling Soling, sunduin po natin si Rolen!"

Masaya kasing kasama ang anak niya. Bukod sa pagiging malikot niya ay maingay at masayahin din siyang bata. Parang walang problema. Marunong din siya makisakay sa mga pang-aasar at pagbibiro namin.

"Nako, hindi na, baka—!"

"Hayaan mo na, Aling Soling. Para na rin makasama mo ang anak mo." Sabi ni daddy.

"Ikaw talaga, hija. Dapat hindi mo na sinabi. Makakapanggulo lang kami."

"Hindi naman po, ang saya po kayang kasama ni Rolen, may kakampi ako sa tuwing aasarin ako ni Kio."

"Yakiesha...!"

Tumawa kaming lahat, sumama naman ang mukha ni Kio. Hindi ata tanggap ang sinabi ko. Dalawa ang kakampi niya, dapat dalawa rin sa 'kin para patas ang laban. Hindi mo na 'ko maaalaska. Bwahahaha. *Evil laugh*

Pagkatapos naming kumain ay sama-sama kaming nagligpit ng pinagkainan. Naubos lahat ng niluto ni mommy. Ang lakas kayang kumain ni Kio, pati na rin ako. Halos hindi na nga kami makatayong pareho.

Wala naman kaming masyadong napag-usapan. Basta na lang namin ikinuwento yung mga tungkol sa pag-aaral namin. Isinumbong pa 'ko ni Kio na hindi raw ako pumasok sa unang klase kasi natulog ako. Isang beses ko pa lang naman nagawa 'yun, 'yung kanina lang.

Napagsabihan tuloy ako. Pero tanggap ko naman 'yon, natapos na rin naman, hindi ko na mababalikan ang oras na nagdaan. Oh, pak. Ang galing ko ng magtagalog. Masyadong malalim pwede nang sisirin.

Syempre sinumbong ko rin siya sa ginawa niyang pagpapanggap. Sinubukan niya pang dumepensa pero napagsabihan din naman siya. Kaya ayun, quits na kami.

Hindi na lang namin sinabi yung nangyari nung isang araw... kahapon. Nagtataka nga sila kung bakit puno kami ng pasa at sugat, kani-kaniya kami ng palusot. Halatang hindi sila niniwala pero sumuko rin sila dahil sa mga sinasabi namin.

Ngayon, nasa sala kami. Nagpapahinga. Ay hindi pala, nagbabangayan kami ni Kio, mula kanina, hindi na natapos. Ayaw kasing sumuko e! Sabi ko naman sa kaniya ang ayos ko sa tuwing pumapasok kami ng eskwelahan. Nilalaglag ba naman ako ng gago.

Nagbubukas ng bagahe si daddy pero hindi namin siya pinapansin. Hindi rin naman sila nagsasalita ni mommy. Kung magsalita man sila ay sila lang naman ang nakakarinig, nagbubulungan lang e.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now