"Ilalapit kita sa asawa mo. Alam ko namang miss mo na siya. ‘Wag ng pakipot." Bulong ko rin, kinurot pa 'ko sa tagiliran.

Sus. Akala mo naman talaga. Kunwari hindi gusto pero sa kaloob-looban ng mga organs niya ay nagliliwaliw dahil sa kilig. Ang dami pang arte e! Akala mo hindi halata, namumula nga ang mukha niya na parang kamatis.

"Daddy." Tawag ko.

Ang kaso, sa 'kin tumingin hindi kay mommy. Napasimangot na lang ako pero napalitan din 'yon ng ngiti ng lumapit siya kay mommy a niyakap niya rin. Parang mga teenager!

"I missed you."

"I missed you too."

Gusto ko sanang tumili dahil sa kasweetan nilang dalawa. Kaso, hindi naman sila mga kasing-edad naming dalawa ni Kio. May mga edad na pero may asim pa rin. Kaya pala nagpaganda ng todo dahil pinaghandaan talaga ang pagdating ng one true love.

Kaso ako hindi ako naniniwala sa mga gano'n. Walang gano'n, ano ba ang one true love, nakakain ba 'yon?

"Aling Soling..." Niyakap din siya ni daddy. "Mas lalo ho kayong gumanda ah."

"Hay, nako bata ka talaga. Buti na lang at nakauwi ka na, ang tagal mong hindi umuwi rito sa Pilipinas ah."

Humiwalay siya sa yakap. "Masyado po kaming abala sa mga negosyo namin sa New York."

"Alam ko naman iyon, pero dapat nagpapahinga ka rin, 'wag puro trabaho."

"Kaya nga po nandito ako para magbakasyon."

"Talaga po?!" Hindi ko na maiwasang sumabat. "Ilang araw po kayo rito?"

"Dalawang buwan."

"O siya, kumain na tayo. Kumain ka na ba, hijo?"

"Hindi pa nga po, Aling Soling." Hinimas ni daddy ang tyan niya. "Kanina pa 'ko walang kain dahil masyado akong excited makita ang pamilya ko."

"Group hug!" Sigaw namin ni Kio.

Natatawa-tawa naman kaming yumakap sa lahat. Parang kailan lang nung huli naming ginawa 'to tapos heto, naulit ulit. Nakakakagaan ng pakiramdam. Sana hindi na matapos ang oras na 'to para hindi na lang umalis si daddy sa tabi namin.

"Let's eat? Alam kong gutom ka na." Ani mommy.

"Okay, honey."

Anak ng...

Napangiwi na lang kami ni Kio habang nasa likod nila kami. Kung may langgam lang siguro rito, baka kinain na sila ng mga 'yon. Baka namamantal na sila. Sa harap pa talaga namin sila nagharutan.

"Ang dami naman nito? There's no occasion today ah."

"Tsh! Dad, syempre pauwi ka na kaya naghanda si mommy. Parang hindi mo naman kilala 'yan."

"Yeah, right." Tumatawang sabi ni daddy.

Nasanay na kami kay mommy. Dati nga, sa tuwing darating si daddy parang papakainin ang isang buong barangay e. Pero kapag hindi naman namin nauubos ang pagkain, inaayos namin ang mga 'yon tsaka namin pinapamigay sa mga taong kalye.

Kumain na lang kami ng kumain habang nagkukwentuhan, ang daming sinabi ni daddy. Sa lahat ng kausap niya, ako lang ata ang dumugo ang mga braincells dahil panay ang pag-eenglish niya.

"Do you have classes tomorrow?"

Oh 'diba.

"Wala po."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now