"Oo nga pero kailangan niyo munang sagutin ang lahat ng aming mga katanungan bago kayo makapasok sa ating silid." Palalim na sabi ni Xavier.

Binatukan siya ni Vance. "‘Dre, hindi mo bagay, para kang pashnea'ng warka."

"Ikaw kamukha mo si Lolo Imao!"

"Hoy! Mas gwapo pa 'ko sa kaniya!"

"Mas gwapo ka lang pero kamukha mo pa rin siya." Pangaggatong ni Trina, sabay-sabay kaming tumawa. Buti na lang lumayo na ang usapan.

Pasimple kaming humakbang ni Kenji papasok ng room pero bago 'yon ay napahinto na kaagad kami ng salubungin kami ng walang emosyong mukha ni Kayden.

"Hehehehe! Hello. Good morning." Kinakabahang sabi ko sa kaniya at kumaway.

"Nothing's good in the morning, where are you from and why did you just come in?"

Paktay na!

But wait! 'Diba pinaliwanag ko na sa kaniya ang lahat ng nangyari kanina sa tawag, bakit nagtatanong nananaman siya. Ano 'yon, hindi siya satisfied sa tawag lang?

"Nakatulog nga kasi ako sa tambayan. Hindi ko naman narinig ang pagring ng bell." Kinamot ko ang ulo ko.

Natanawan ko si Kenji na ngayon ay nakaupo na aa pwesto niya! Chinicheer pa 'ko. Anak ka ng gago, bakit mo 'ko iniwan dito? Pa'no naman siyannakapunta sa pwesto niya ng mabilisan? Akala ko kanina nasa likod ko lang siya.

Nagteleport, gano'n? Kasalanan namin pareho pero iniwanan niya 'ko, mababatukan talaga kita mamaya! Wala kang puso! Nang-iiwan ka sa ere!

Humarap ulit ako kay Kayden. Pwede bang buhay mo na lang ako bitayin? Extend ko muna saglit ang buhay ko, ubusin ko lang ang laman ng ref namin. O kaya naman, 'wag mo ng ituloy ang pagbitay, kawawa ang mga alaga kong dragona, walang magpapakain sa kanila.

"Why were you asleep earlier?"

Nakamasid yung iba sa 'min. Yung mga babaita inaasar na 'ko sa tingin pa lang nila. Yung mga hudlong naman ay nagbubulungan na, nagpupustahan pa nga e.

"Kasi inaantok ako." Alangang makatulog ako kahit hindi ako inaantok? Isip-isip din 'pag may time, Kayden Ace Williams.

"Ang sabihin mo, nakatulog ka dahil sa kanta nung lalaking kasama mo kanina!"

Luh! Bakit naman 'to nagagalit, sinabi ko na nga na inaantok ako e! Nagpapaliwanag na nga ako, nagagalit pa. Ano bang gusto ng lalaking 'to? Tsaka sinong lalaki? Si Nicholai?

"Pinakanta ko siya, eh! Ang ganda kaya nung boses niya kaya—!"

"Kaya nakatulog ka?" Serysong pagsabay ni Adriel.

Another delubyo nananaman 'to, nagsama ang dalawang seryoso pagdating sa pagiging late. Double dead. Ayaw ko pang mamatay! Kio, Abo! Help!

"Hindi naman sa gano'n, hindi ko naman alam na nando'n siya, sayang naman ang hawak niyang gitara kung hindi niya gagamitin 'diba?"

"Kahit na! Alam mo naman na may pasok at klase pa pero hinayaan mong makatulog ang katawan mo sa kanta niya."

Luh, tamang hinala naman ang mga 'to, ang daming alam ah. Lumalayo na ang mga iniisip nila sa totoong kwento. Inuuna pa kasi ang init ng ulo.

"Good morning class, pumasok na kayo at tayo ay magkaklase na."

Nakahinga ako ng maluwang nang dumating ang next teacher namin. Sakto ang pagpasok niya dahil namumuo na ang atensyon sa pagitan naming tatlo nina Kayden at Adriel. Savior ka ngayon ma'am.

Wala nang nagawa yung iba kung hindi umupo na lang, gumaya na lang ako sa kanila. Bago pa 'ko makaupo ay nakakuha pa 'ko ng masamang tingin mula sa dalawa. Isama mo pa ang naiinis na tingin ni Kio. Triple dead. Buti na lang at hindi tuloy ang bitay ko ngayon.

-

"Hija... bumaba na kayo kakain na!" Sigaw ni Aling Soling.

Pagkatapos kasi ng buong araw namin na klase ay umuwi na kami. Tinakasan ko sina Adriel at Kayden, baka hindi nila palampasin ang ginawa ko kung makikita ko pa sila. Ayaw ko pang harapin ang sandamakdak na tanong mula sa kanila.

Habang nasa kotse kami kanina, inunahan ko na si Kio sa panenermon. Bago niya pa umpisan ang ritwal niya ay kaagad ko ng ipinaliwanag ang nangyari. Tinanong niya pa kung sino si Nicholai, syempre sinabi ko na siya yung nakilala ko dati, hindi ko naman masabi kung sino talaga siya dahil hindi naman niya maiisip ang itsura niya kung walang picture.

Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong kami ni mommy na bagong salon. Ang ganda ng ayos ng buhok, bagong manicure at ang bagsik ng amoy. Pinanligo ata niya lahat ng pabango pero...

"Mommy! Nandito na po kami!" Sigaw ko habang nagtatanggal ng sapatos ko, gano'n din si Kio.

Lumabas si mommy mula sa kusina at sinalubong kami. Napangiwi kaming parehas ni Kio dahil sa pagbangga ng amoy niya sa mga ilong namin, ang bango na sana e, kaso sumobra sa bango, nakakasakit ng ilong.

Nakaayos pa talaga siya. Parang blooming na blooming talaga. Tapos nakadress na pula, nakamake up pa.

"May meeting po kayong pupuntahan?" Tanong ni Kio bago halikan ang pisngi ni mommy, ako lang ang gumagawa no'n! Gaya-gayang lampayatot!

"Wala naman," sagot ni mommy.

"E bakit po kayo nakaayos ng ganiyan." Sabi ko, ako naman ang humalik sa pisngi niya.

"Gusto ko lang naman, ayaw ko lang magmukhang losyang kahit na matanda na 'ko."

"Hindi mo naman po kailangang mag-ayos ng ganiyan, maganda naman po kayo." Psh! Sipsip ka, Kio!

"Teka, anong nangyari sa mga mukha niyo?"

"Ah, mauna na po kami sa taas."

"Magpapahinga na po, kami. Hehehe!"

Nagmadali kami ni Kio na umakyat sa mga sari-sarili naming mga kwarto para lang iwasan ang mga tanong na 'yun ni mommy.

"Opo! Baba na po!" Sagot ko bago ako tumayo.

Sabay pa talaga kami ni Kio na lumabas ng mga kwarto namin. Pati tuloy sa pagbaba ay sabay kami. Talagang gaya-gaya 'tong kumag na 'to e!

"Ang dami niyo naman pong niluto?" Tanong ko habang nakaupo sa hapag kainan.

"Day off ko ngayon kaya naman gusto ko kayong ipagluto." Nakangiting sabi ni mommy.

Hindi naman dapat ako manibago dahil palagi naman siyang ganito. Pero may iba talaga sa aura niya ngayon, parang ang ganda ng gising niya ngayong araw kaya maganda rin ang mood niya.

"Hmm, do you expect any visitors to come?" Tanong ni Kio.

Hindi pa kami nag-uumpisang kumain dahil naghahanda pa si mommy at si Aling Soling. Nakaupo lang kami pero hindi kami kumakain. Dapat sabay-sabay kami.

Bago pa makasagot si mommy ay bumukas na ang pinto at iniluwal no'n si... si DADDY!

"I'm home!" Masayang bati niya, namula naman kaagad si mommy.

Nagkatinginan kami ni Kio. Okay, alam na namin ngayon kung bakit nagpaganda si mommy ngayon. Kung bakit ang dami niyang inihanda.

It's because, daddy is back!

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now