["Are you with Heira?"]
Hala! Bakit naman ako nasali r'yan? Akala ko ba sila lang dalawa ang mag-uusap? Sumama ang mukha ko ng asarin ako ni Kenji, kunwari niya 'kong tinatakot, iminuwestra pa niya ang hintuturo niya.
"Oo, kasama ko siya. Sabi niya kasi samahan ko siya."
"Hoy! Wala akong sinabing gano'n ah! Hinila lang naman kita pero hindi ko sinabing samahan mo 'ko!" Depensa ko, baka kung anong isipin ng mga hudlong.
["You are 2 hours late."]
"Hehehe! Natulog kasi si Yakie, ngayon lang nagising."
Patay na! Hindi ko naman inasahan na makakatulog ako ng lampas dalawang oras. Akala ko nga sampung minuto lang 'yon e! Isa pa siya, dapat pinitik niya ang noo ko para magising ako. Yari na kami nito sa presidente.
["Everybody is not allowed to sleep during class time."]
"Hindi ko naman kasi alam na makakatulog ako e! Ang aga pa lang kaya kanina!"
Ako naman ang sumagot ngayon. Teka nga, bakit nakakatawag 'to ngayon? Hindi ba siya pinagbababawalan ng teacher? Ang lakas nito magsabi sa mga bawal pero siya ginagawa niya ang mga hindi pwede. Napakagaling mo r'yan.
["Kahit na! Dinamay mo pa si Kenji sa katamaran mo!"]
"Hoy! Hindi ako tamad, tsaka si Kenji naman talaga ang pumunta rito at binantayan ako! Hindi ko naman sinabing hintayin niya 'kong magising!"
["So? You still invited him to eat in the canteen."]
"So?" Panggagaya ko. "Hindi ko siya inayang kumain sa canteen 'no! Pinabili ko lang siya tapos diretso na 'ko sa tambayan!"
["Why are you shouting, then?"]
"Hehehe, pasensya na, nagpapaliwanag lang naman ako."
["Pumasok na kayo, wala ng teacher."]
Pagkasabi niya no'n ay pinatay niya ang tawag. Wala sa sariling napalingon ako sa bintana ng classroom namin. Nando'n si Kayden, nakatayo habang pinapanood kami. Napalunok ako ng sinamaan niya 'ko ng tingin.
"Tara na, Ji. Baka kainin tayo ng buhay dito." Hinila ko ang bag ko tsaka ako tumayo.
Sabay kami ni Kenji na kabadong naglalakad papunta sa room namin. Nasa daan pa lang kami ay naaamoy na namin ang isang nakakatakot na aura. Ito na ang katapusan namin, bibitayin na kami pareho.
"Yakie kasi ih!"
"Inaano naman kita?"
"Kung hindi mo 'ko inayang kumain edi sana hindi ka nakatulog tapos edi sana nakapasok na tayo kanina pa!" Panunumbat niya.
"Sinisisi mo ba 'ko?!"
"Hindi naman. Takot lang akong mabitay ng maaga."
"Parehas lang tayo, kung sanang ginising mo 'ko kanina at hindi ka naglaro edi sana mabubuhay pa tayo."
Nag-aaway lang kami habang naglalakad. Talagang binagalan namin para hindi kami kaagad na nakarating sa room. Sa mga pananalita ni Kayden kanina, parang handa na siyang sipain kami palabas ng B.A.U.
"At bakit ngayon lang kayo?!" Parehas kaming napatalon ni Kenji sa gulat ng biglang sumulpot sa may pintuan sina Eiya, Trina, Vance at Xavier. Nagsama-sama ang mga baliw.
"Hehehe, pwedeng papasukin niyo muna kami?"
"Bawal!"
"Pwede. Sabi ni Kayden pumasok na raw kami!" Sabat ni Kenji.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 140
Magsimula sa umpisa
