"Binantayan kita. Baka may kumindnap nananaman sayo, ang sakit pa kaya ng mga paa ko dahil sa nangyari kahapon."

Ah.. napangiti na lang ako. Pinanindigan niya talaga ang pagiging bodyguard ko 'no? Binantayan daw, ang sabihin mo, ginising mo lang ako. Hinintay mo lang ako para makapaglaro ka. Akala niya ha!

"Sino bang tangang susugod-sugod sa abandonadong lugar na 'yon at makipagbasagan ng bungo sa mga malalaking tao?!"

"Ewan ko." Patay malisyang sabi niya. "Basta hindi ako 'yun. Sumamanlang ako, hindi ako sumugod hehehe!"

Hindi ko na lang siya sinagot. Bahala siya sa buhay niya. Hindi raw siya e nagpaulan pa nga siya kanina ngga flying kick, kahit sino nilalabanan, muntikan niya pa nga akong masipa kung hindi lang ako nakaiwas baka tabingi na ang panga ko.

Napalingon ako sa kaniya ng tumunog ang cellphone niyang nasa bulsa. At halos umusok ang ilong ko ng marinig ko ang ringtone niya. Siraulong 'to, kaya pala parang may tinatago kanina sa ilalim ng lamesa!

"Teka... ito 'yun. Wait. How much you wanna risk? I'm not lookin' for somebody... With some superhuman gifts... Some superhero."

'Yon ang ringtone niya. Boses ko 'yon habang kumakanta ako. Yung kanina! Kaya pala pinipilit niya 'kong kumanta dahil dito. Pinaglololoko talaga ako ng batang hapon na 'to! Tumunog ulit 'yon.

"Teka... ito 'yun. Wait. How much you wanna risk? I'm not lookin' for somebody... With some superhuman gifts... Some superhero."

"Siraulo ka! Ginamit mo pa talaga ang boses ko para gawing call ringtone mo ha?!"

"Bakit? Maganda naman ah! Ako, nga wallpaper mo ang mukha kong gwapo, nagreklamo ba 'ko?"

"Gwapo? Pandigma 'kamo."

"Grabe ka naman sa pandigma! Atleast lumalaban ako!"

"Oo, ikaw yung pana." Pang-aasar ko, ngumuso naman siya. Hinayaan ko na lang siya, yung sinabi niyang wallpaper na 'yun, wala akong alam do'n, siya ang naglagay 'nun. Assumero lang talaga siya.

"Teka... ito 'yun. Wait. How much you wanna risk? I'm not lookin' for somebody... With some superhuman gifts... Some superhero."

"Wala ka bang balak sagutin yang cellphone mo?" Sarcastic na sabi ko bago ako sumandal at nagcross arm.

"Ayaw! Ang ganda kayang ulit-ulitin." Tsaka siya tumawa. Masaya naman siguro siya sa kagaguhan niya 'no? "Teka... ito 'yun. Wait. How much you wanna risk? I'm not lookin' for somebody... With some superhuman gifts... Some superhero." Panggagaya niya sa tono ng pagkakanta ko.

"Sasagutin mo ba 'yang tawag na 'yan o sasapakin kita 360°?" Pagbabanta ko.

"Sabi ko nga sasagutin na."

Gagawin din naman kasi, ang dami pang sinasabi. Kinuha niya ang cellphone niya at nilagay sa lamesa. Sinagot niya ang tawag tapos ini-loud-speaker niya para marinig naming dalawa.

"Si Kayden, tumatawag." Bulong niya.

Tumango na lang ako. Akalain mo 'yon, may number pala ni Kenji si Kayden. Hindi ko alam na nag-uusap pala ang dalawang kulapo na 'to, parang hindi man nga nagpapapansinan kapag magkasama tapos magkatawagan pala sila. Aba matindi.

["Kenji..."]

Oh, tawag pa lang 'yan. Pangalan pa lang 'yan, nakakapangilabot na. Parang may nagbabadyang bagyo ang paparating dahil sa lamig ng boses niya.

"Oh, yes! Master Kayden!" Masayang sabi ni Kenji. Sumaludo pa talaga siya, akala mo naman makikita siya ni Kayden. Voice call 'yan, Ji, hindi video call, hindi ka makikita ni Kulapo, 'wag kang shunga.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now