"Sabi mo pinagkanta ka niya?"
"Oo! Kinanta niya yung... teka ha, isipin ko lang yung lyrics nung doo-doo-doo, doo-doo-doo." Sabi ko at nag-isip. Pumapasok sa kukote ko ay yung baby shark doo-doo-doo, doo-doo-doo e!
"Oh, ano na? Yakie, ten years na tayo rito." Ang O.A naman nito. Ten years agad?
Nasa gilid niya ang isa niyang kamay, nasa ilalim pala ng lamesa. Ewan ko kung anong ginawa ng kamay niya ro'n. Ayaw kong tignan baka kung ano pa ang makita ko.
"Teka... ito 'yun. Wait. How much you wanna risk? I'm not lookin' for somebody... With some superhuman gifts... Some superhero." Panggagaya ko sa kinanta ni Nicholai pero hindi ko nagaya ang tono niya. Ang hirap pala nun.
"Ay, ano bang klaseng kanta 'yun, Yakie. Kasingpangit mo."
"Hoy! Ang ganda kaya nung kanta na 'yon kanina nung kinakanta ni Nicholai 'yun."
"Buti na lang pala siya ang kumanta. Baka bumagyo kung ikaw ang tumapos no'n."
"Ang sama ng bunganga mo 'no?!"
"Slight lang hehehe."
Tumingin ako sa lamesa, mero'ng tray do'n tapos may isang plato at isang mangkok. Wala ng laman pareho. Anak ng... kumain siya hindi man lang ako inaya, talaga sinarili ah.
"Anong binili mo?"
"Kanin tsaka ulam. Dapat nga cookies e kaso gutom ako, kulang sa 'kin 'yon."
"Oo, halata nga." Ngumiwi ako. "Anong ulam ang binili mo at naubos mo ng gano'n-gano'n na lang?"
"Chicken pastel ata?"
"Ah, chicken pastel lang pala— Haaaa? Bakit hindi mo 'ko inayang kumain?!"
"Tulog ka e. Tsaka baka ubusin mo pa."
"Tikim lang naman! Chicken pastel 'yon! Paborito ko 'yun."
"Hindi ko naman alam, Yakie. Tsaka kung alam ko, hindi rin naman kita bibigyan, baka mas ubusin mo!"
"Lumayo-layo ka sa'kin, nandidilim ang paningin ko sayo!"
"Paliwanagin mo."
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang tino talaga kausap ng lalaking 'to. Ubos na pala ang pagkain niya pero nakalagay pa ang kutsara sa bibig niya, ano 'yon? Lollipop?
"Anong oras na ba? Bakit nandito pa tayo. Tara na!" Tumayo ako at hinila ang kamay niya pero nanatili siyang nakaupo. Anong gusto nito? Buhatin at hilain ko pa?
"Mag aalas diyes na. Patapusin na lang natin yung first subject natin. Mamaya na tayo pumasok hehehe."
"Tumunog na nag bell?"
"Oo, kanina pa."
"Siraulo ka. Tumunog na pala 'yon, bakit hindi mo 'ko ginising?!"
Nanlaki ang mata niya at bumilog ang bibig niya. "Ginising kita 'no! Pero ayaw mong magising! Pinaghahampas mo pa nga ako."
"Luh, ginawa ko 'yun?"
"Siguro hindi, muntik pang tumulo ang laway mo, Yakie." Sabi niya tsaka tumawa ng malakas.
"Muntik pa lang naman 'yon, hindi naman natuloy!"
"Syempre nilunok mo."
"Kadiri ka, punyemas ka!" Inis na sabi ko sa kaniya. "Narinig mo naman pala na first class na, bakit hindi ka pa pumasok?!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 140
Start from the beginning
