Kaya pala tahimik siya kanina kasi raw hindi pa siya nakakapag-almusal, nakalimutan niya raw. Himala nga na nakalimutan niya ang pagkain. Siguro naalog kahapon ang utak niya kaya gan'to siya ngayon.

"Ji, liko tayo, punta ka ng canteen." Sabi ko at hinila siya sa kabilang direksyon, hindi naman kami napansin ni Kio. Bahala siya.

"Ililibre mo 'ko 'no, Yakie?!"

"Oo, 'wag kang maingay, baka hilahin tayo ni Kio papuntang room." Bulong ko.

Huminto kami saglit. Kinuha ko ang pera sa bulsa ko at binigay sa kaniya. Siya na lang ang bumili, matanda na 'yan, kaya niya na.

"Bili ka na lang tapos punta ka sa tambayan, hintayin kita ro'n."

"Bakit hindi mo na lang ako samahan?"

"Inantok ako. Hintayin kita ro'n, sige! Babye!" Kumaway ako sa kaniya at tumakbo na papayo sa kaniya, ngumuso siya pero tumakbo rin siya papunta sa canteen.

Hinintay ko pa munang makapasok si Kio sa room, lumilinga siya sa paligid na para bang naghahanap. Nagtataka ata kung bakit wala yung mga kasama niya. At kami 'yon. Itext ko na lang, baka ipa-blotter pa 'ko nito ngayon.

To: Kio fanget
Message: Kakain lang kami ni Ji ^-^

Dumeretso ako sa tambayan pero may nakita akong isang taong hindi ko inaasahan na pupunta este nandito sa tambayan na 'to, tagong lugar 'to e, pa'no niya nakita?

"Nicholai..." Pagtawag ko sa kaniya.

May hawak siyang gitara habang nakasalukbit pa ang bag sa likod niya. Nakaupo siya sa pwesto kung saan kami madalas kumain. Tumingin naman siya kaagad sa 'kin.

"Heira..."

"Oh, buti naman kilala mo na 'ko." Natatawang sabi ko bago umupo sa harap niya. Akala ko pa naman makakaidlip ako.

Pero pwede naman 'yon, hindi naman madaldal si Nicholai kagaya nina Vance at Xavier. Makatulog naman siguro ako. Dumukmo ako at hinayaan ang hangin na bahagyang humampas sa mga braso ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo." Sabi ko habang nakapikit. Talagang bumabagsak ang mga mata ko ngayon.

"Naglilibot kasi ako tapos nakita ko 'tong lugar na 'to, may ganito pala rito?"

"Oo, kami ang nakahanap nito." Ngayon nga nakahanap ako ng kachismisan ko.

"Gano'n ba? Bawal ba 'ko rito? Sige aalis na lang ako."

"Hep! Pwede naman, basta ba 'wag kang gagawa ng gulo kasi nandiyan lang ang room ko."

"Dito?" Turo niya sa building namin, tumango na lang ako kahit nakadukmo, naiintindihan naman siguro niya 'yon. "S-sa Twenty-third Section ka?"

"Oo? Bakit parang natatakot ka?"

"W-wala naman."

Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya. Sayang naman ang gitarang hawak niya kung hindi niya gagamitin ngayon, 'diba? Malay naman natin kung maganda ang boses niya.

"Marunong kang tumugtog niyan?"

"Hindi naman sa nagmamayabang pero oo."

"Marunong kang kumanta?"

"Medyo lang."

"Tumugtog ka nga."

"Ha?!"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now