Walang imik kaming pumasok sa kotse niya. Buti na lang, atleast may peace of mind ako ngayon, walang sermon, walang pananakot na magaganap. Pwede akong maidlip. Mukhang wala talaga sa ayos ang mga turnilyo niya ngayon kaya salubong na salubong ang kilay niya.
Akmang iidlip muna ako saglit nang mahagip ng mga mata ko si Kenji na parang tulog kung maglakad. Bagsak ang balikat. Alam kong siya 'yun kahit na nakatalikod siya.
"Kio! Ihinto mo ang sasakyan!" Sigaw ko, nagulat naman siya habang nagtataka.
"Bakit ka ba sumisigaw d'yan?!"
"Sabi ko, ihinto mo ang sasakyan!"
"What the hell!"
"Ihinto mo muna kasi."
Napabuntong hininga na lang siya. Hinintay ko siya hanggang sa maihinto niya ang sasakyan sa isang gilid. Hindi pa nga tuluyang nakakahinto ay bumaba na kaagad ako. Muntikan pa 'kong madapa.
"Huy, Ji." Kinalabit ko siya, napahinto naman siya sa paglalakad.
Tumingin siya sa 'kin at ngumiti... pilit na ngiti. Napansin ko rin ang pamumula ng mga mata niya tapos namumula rin ang tenga niya. U-umiiyak ba siya?
"Yakie! Good morning!" Pinilit niyang pasiglahin ang boses niya pero pumiyok pa rin 'yon.
"Hala! Hala! Ji, napa'no ka?"
"Ha? Ako? Wala."
"Wala raw, e bakit namumula ang tenga mo tapos may pasa ka pa sa bibig?"
"Ah... 'diba kahapon nakipag-away!" Nag-akto pa siyang nakikipaglaban.
"Sa pagkakaalam ko, wala kang pasa sa may bandang bibig kahapon!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ako naglagay!"
"Ji..." Nagbabantang sabi ko sa kaniya, kaagad naman siyang ngumuso at umiling. Mukhang wala naman siyang balak na magkwento dahil ayaw niya 'kong tignan sa mata. Huminga na lang ng malalim.
"...Sumabay ka na sa 'min, kumain ka na ba ha?"
"Hindi pa, bakit? Papakainin mo 'ko?"
"Asa! Kaya pala mukha kang nilamog na gulay kanina."
"Yakie naman ih!"
Tumawa ako. "O siya! Tara na, ang pangit mo!"
Inis namang tumingin sa 'kin si Kio nang makitang kasama 'ko ang batang hapon na 'to, yung isa naman parang wala lang sa kaniya, diretso lang siya sa pagpasok sa kotse.
"Anong ginagawa niyan dito?!"
"Isasabay natin siya."
"No. Pababain mo 'yan."
"Nandiyan na siya, papabain mo pa? Minsan lang naman makisabay."
"Aaaarrrgh! Tch!"
Buong biyahe ay tahimik 'tong katabi ko, hindi si Kio, kundi si Kenji, parang ang lalim ng iniisip niya, nakatingin lang siya sa bintana at panay ang pagbuntong-hininga. Ano kayang nangyayari sa hapones na 'to?
Nang makarating kami sa parking lot kaagad kaming bumaba ni Kenji, hinintay lang namin saglit si Kio para patayin ang makina ng sasakyan niya, naglakad kami pero nangunguna si Kio, kanina pa 'to busy'ng busy sa cellphone niya ah!
Hindi niya tuloy kami nakikita ni Kenji na nagmamake-face sa likod niya. Biglang umaliwalas ang mukha ng batang hapon kanina nang sabihin kong ililibre ko siya ng almusal, susme! Pagkain lang pala ang katapat no'n.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 139
Start from the beginning
