"Sorry!"

Kaagad naman siyang tumayo at medyo lumayo sa 'kin. Kanina, nung pagkaupo niya ay naupuan niya ang kamay ko pero hinayaan ko lang 'yon dahil ayaw kong magsisisigaw. Para kunwari natutulog at matutulog pa 'ko.

Sumama ang mukha ko at umupo. Hinimas ko ang braso kong dinaganan niya, ang masaklap pa ro'n, nakalimutan ko na dinadaganan pala niya kanina kaya naman nung akma akong tatayo ay nahila 'ko ang kamay ko.

Pero sadyang mabigat siya kaya naman hindi ko nahila 'yon, naistretch lang ata ang balat ko. Nasugatan ata ulit ang mga sugat ko! Ang kirot na nga ng mga 'yon, pinahapdi niya pa!

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang siya naman ay tumatawa ng malakas. Happy ka r'yan?! Sapakin ko ngala-ngala mo e! Pasalamat ka, kapatid kita, kundi baka tulog ka na!

"Mag-ayos ka na, mukha kang aswang sa mukha mo ngayon." Natatawang sambit niya, binato pa 'ko ng unan sa mukha. "Bilisan mo! Napakabagal mo pa naman kumilos."

Sa wakas naman ay iniwan niya na 'ko rito. Lumabas na rin ang hinayupak. Palagi niya namang dala ang pamatay na salita niya e, 'bilisan mo, ang babagal mo!' Edi ikaw na mabilis! Bwisit!

Tumayo na lang ako at dumeretso sa banyo. Inis kong kinuha ang toothbrush ko at pati ako nabigla sa nakita kong mukha sa salamin. Kaya pala tawa ng tawa ang gago kasi ang busagsag ng buhok ko tapos may muta pa 'ko. Hindi man lang sinabi e 'no? Talagang tinawanan pa 'ko.

Kung may kuya lang tayo, isusumbong talaga kita!

Teka! Baki ko ba naisip 'yun, imposible namang may kuya kami, kami ang panganay tapos kami rin ang bunso. Kung may kuya man kami, sigurado akong isa pa siya sa mga kaaway ko o kaya naman siya pa ang maging tatay-tatayan ko.

Naligo na rin ako pagkatapos no'n, ayaw ko sanang maligo dahil sa sumasakit ang mga sugat ko kapag nababahiran ng sabon pero tiniis ko lang 'yon kaya naman sa pumasok ako ng walang ligo.

"Malelate na tayo, bilisan mo sa pagkain. Tch."

Pagkababa ko ng hagdan, kaagad na sumalubong sa 'kin si Kio na may dala ng bag. Umupo siya sa sofa sa may sala at kinalikot-likot niya ang cellphone niya. Kagabi pa 'to ah, baka may katext na, hmmm I smell something malansa este fishy pala.

"Luh, hindi ka kumain?"

"I've finished eating earlier. it took you so long to wake up!"

"Ay, pasensya na po, mahal na prinsipe, hinihila po kasi ako ng kama kaya ayaw kong bumangon." Sarcastic na sabi ko.

Akmang babatuhin niya 'ko ng unan kaya naman kaagad akong tumakbo papunta sa dining table. Buti na lang pala at tinirhan ako ni Kio. May hotdog, itlog at bacon pa naman. Iilang piraso na lang naman 'yon kaya naman nilantakan ko na. Wala naman sigurong magagalit.

"Hurry up!" Sigaw ni Kio mula sa sala.

Kaya naman binilisan ko ang pagkain, baka bigla na lang sumabog ang kapatid ko dahil sa inip sa paghihintay sa 'kin. Akala mo naman sinabi kong hintayin niya 'ko.

Mabilisan ko na lang tinapos ang pagkain ko. Muntik pa nga akong mabulunan dahil sa kakamadali. Isinalpak ko na lang lahat ng 'yon sa bunganga ko. Iba talaga 'yon kapag tinopak.

"Ayan! Tapos na po, mahal na prinsipe."

"I said, don't call me like that. Tch! Let's go. Baka iwanan pa kita r'yan."

Ang sama naman nito! Baka may buwanang dalaw kaya ganito ang mood niya, kasing pangit niya. Ayaw ko na lang siyang inisin dahil baka mabadtrip pa siya at iwanan na lang ako, tinatamad pa naman ang paa ko na pumedal.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now