Ang hirap sumagot sa kanila dahil sa sunod-sunod ang mga tanong nila. May mga follow-up questions pa pagkatapos nung isa. Halos maubos ang laway ko dahil sa kakasagot. Nainis na 'ko kaya naman lahat ng ditalye ay sinabi ko na.

Akala ko nga talaga umalis at umuwi na no'n si Kayden. Nabigla na lang kami ng bumalik siya na may dalang sandamakdak na pagkain tapos kasama niya pa si Lucas. Ni hindi ko man lang napansin ang pag-alis nung lalaking 'yun.

Kumain na lang kami, halos kaming dalawa lang ni Kenji ang nakaubos no'n dahil yung iba ay walang ganang kumain tapos nagtatawanan lang naman yung iba kahit kumakain kaya ayun, hindi na nila napansin na kinain na namin lahat.

Umuwi na rin kami pagkatapos no'n. Sabay-sabay kaming bumalik sa parking lot ng B.A.U. Buti na lang at bukas pa 'yon kaya naman nakuha pa nila ang mga kotse nila. May naalala pa 'ko... linshak!

Lalapit na sana ako sa kotse ni Kio nang may biglang humila sa kamay ko at kinulong ako sa mga bisig niya. Sa amoy pa lang ay alam ko na kung sino 'yon. Nabigla ako at hindi na nakagalaw.

"...It will never happen again. I will not let them hurt you again."

Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Kayden. Mas humigpit ang yakap niya kaya naman wala na 'kong nagawa kundi unti-unting suklian ang yakap niya.

"Take care."

Humiwalay na rin siya pagkatapos niyang gawin 'yon pero ako... heto pa rin at nakanganga sa kinatatayuan ko. B-bakit niya ginawa 'yon? Nanahimik ang paligid kaya naman tumingin ako sa mga hudlong.

Napalunok ako ng makitang seryoso rin sila habang nakatingin sa pwesto namin ni Kayden tapos eto kulapo, parang wala lang sa kaniya. Si Mavi at Kenji naman ay mayroong mapang-asar na ngiti.

"S-sige... mauna na kami." Sabi ko at kumaway na lang sa kanila.

Sumakay ako sa kotse ni Kio, buti na lang at iniistart niya ang engine kaya naman hindi niya nakita ang ginawa ni Kayden dahil sigurado akong aalaskahin niya nananaman ako.

Buong byahe ay puro panenermon niya ang natanggap ko. Para naman akong isang batang pinapagalitan kaya panay na lang ang pagtango ko. Ang dami niya pang sinabing mga paalala na dapat ko raw sundin.

Mukhang galit na galit siya sa 'kin dahil sa nangyari... nag-alala pala kaya naman ganiyan siya kung mapagsalita. Hindi na nga ako makapagsalita kaya naman sumimangot na lang ako habang nilulunod ang tenga ko sa mga sinasabi niya.

Lumapit sa 'min si Aling Soling na may dalang palanggana at bimpo. Yung itsurang niya... para siyang natatakot na nag-aalala. Mukha ba kaming mga aswang para katakutan niya?

"Ano bang nangyari sa inyo at ganiyan ang mga mukha niyo?"

"Aling Soling... si Heira na lang po ang tanungin niyo, alam niya lahat ng 'yan."

Bumaling sa 'kin si Aling Soling pero kaagad ko namang iniwas ang paningin ko sa kaniya. Wala akong balak na magsalita tungkol sa nangyari, sigurado akong mag-alala lang sila at magtatanong... walang katapusang pagtatanong.

"Heira, hija? Anong nangyari sa inyo?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Kapag nanatili akong tahimik ay hindi nila ako titigilan. Gusto ko mang itago na lang sigurado akong malalaman at malalaman din nila pero sa ngayon...

"Wala po, Aling Soling. May P.E class po kasi kanina, medyo nakakapagod po kaya ganito kami. Pero ayos lang po 'yan, daplis lang." Ngumiti ako para tiyakin na maniniwala siya bago ako bumaling kay Kio. "Hoy, 'diba?"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now